Chapter 12 She's Back But...

13 4 0
                                    

Cassius' POV

"Cassius, limang araw na pero hindi pa rin natin siya mahanap." sabi ni Gio kaya nanghihina akong napaupo sa sofa namin sa bahay.

"Kaya nga lalong hindi ako titigil sa paghahanap. Alam kong may kinalaman ang mga itim na bampira sa pagkawala niya." seryoso kong sabi.

Kahit saan ay hinanap namin siya, gumamit na rin kami ng skills ng bampira pagdating sa paghahanap pero hindi pa rin namin siya mahanap. Habang tumatagal ay lalo akong kinakabahan.

"Maaring hinaharang tayo ng mga itim na bampira kaya nahihirapan tayong hanapin si Belle." sabi naman ni Cassy habang kandong ang anak.

Napahilamos ako sa mukha dahil di ko na alam ang gagawin ko. Kung alam ko lang na nagbalik na ang alaala niya, sana hindi na ako natulog. Ang dami kong what if's pero alam kong wala akong makukuhang sagot hangga't hindi ko siya nakikita.

Maya maya labg ay tumayo ako kaya lumingon sa akin si Cassy at Gio pati si Matt at Trix na kasama rin namin sa paghahanap.

"Where are you going, bro?" tanong ni Matt.

"Diyan lang kayo. I want to go somewhere, I want to think." sabi ko sa kanila at naglakad na palabas ng bahay namin.

Agad akong sumakay sa kotse ko at pinaandar ito. Hindi ko talaga alam kung saan pupunta pero hindi ko alam kung bakit dinala ako ng manibela sa parking ng condo niya.

Bumaba ako at pumasok sa elevator, pinindot ko ang floor ng unit niya. Pagdating sa tamang floor ay naglakad ako papunta sa unit niya. Alam ko ang password niya nang minsan ko siyang hinatid dito dahil sa kalasingan.

Nang makapasok ako ay hindi ko maiwasang maalala ang mga panahon na tinanggap ko sa sarili kong hindi siya si Isabella. Pero habang tumatagal ay naramdaman kong muli ang pakiramdam noong kasama ko pa si Isabella. Noon iniisip ko kung sino pa ba ang gusto kong makasama, si Isabella ba na una kong minahal o ang babaeng kasama ko pero kaya niyang guluhin ang sistema ko.

Pumunta ako sa kusina para magluto ng paborito niyang carbonara. Minsan nga iniisip ko kung anong klaseng taste meron siya o sadyang paborito niya lang ito. Gustong gusto niya kapag nagluluto ako ng carbonara pero sabi ni Carl na pinsan namin ay matabang daw ako magluto.

Katatapos ko lang lutuin yung cream sauce at sinasala ko na ang pasta nang may marinig akong pagbukas ng pinto. Pinatay ko na ang kalan at naglakad papunta sa may pinto para silipin ang pumasok.

Nakatalikod siya sa akin kaya kumunot ang noo ko. Babae?

Nanlaki ang mata ko nang lumingon siya, halos manlambot ang tuhod ko nang makita ko siya. Walang pagdadalawang isip siyang niyakap.

"Belle..." buong pagsuyo kong sabi pero hindi siya tumugon sa yakap ko kaya bumitaw ako at tinitigan siya.

Diretso lang sa akin ang tingin niya at wala siyang sinasabi kaya kinabahan ako. Parang may kakaiba sa kanya pero ayoko munang isipin. Sinipat ko ang katawan niya kung may sugat siya kaya nakahinga ako ng maluwag nang makita kong maayos lang siya.

"Anong nangyari sa iyo? Saan ka ba nagpunta? Ilang araw kitang hinanap." sabi ko pero malamig lang niya akong tiningnan.

"Nag-isip lang. I felt suffocated." malamig niyang sabi kaya kumunot ang noo ko.

"Nag-isip? Yan ang sagot mo sa ilang araw akong halos mabaliw kakaisip kung saan ka nagpunta? Kung okay ka ba? Kung ligtas ka o kung nakaka-" naputol ang sasabihin ko nang talikuran niya ako at naglakad papunta sa kwarto niya kaya napanganga ako.

"Belle-" sinundan ko siya pero napahinto ako nang humarap siya sa akin na may malamig pa ring tingin.

"Pwede ba? I'm tired, just... just let me rest." natulala ako sa sinabi niya kaya wala akong nagawa kundi ang tumango at lumabas ng kwarto nang humiga na siya sa kama.

Pagdating sa living room ay napaupo ako sa sofa. Just like, what was that? Napahawak ako sa batok ko habang iniisip ang nangyari. May nagawa ba ako bago siya mawala? Limang araw akong halos mabaliw sa kahahanap sa kanya dahil akala ko ay may kinalaman na ang mga itim na bampira pero nagkamali yata ako.

Parang siya na hindi siya. Magulo, ewan ko ba. Malalim akong nagbuntong hininga bago narinig na tumutunog ang phone ko. Cassy's calling me. I answered it.

"Yeah?" walang gana kong sagot.

"Kuya, nasaan ka? Pinapatanong ni Mama kung uuwi ka raw ba? Nag-aalala kami sa iyo." napangiti ako, I heard her concern.

"I'm fine. Pakisabi kay Mama na hindi muna ako uuwi dahil nandito ako sa condo ni Belle. Nakauwi na siya." nilayo ko ang phone sa tenga nang tumili siya kaya natawa ako.

"Really? How was her? Ano raw nangyari?" sunod-sunod na tanong niya.

"Relax, hindi ko pa siya nakakausap dahil pagod daw siya kaya hinayaan ko munang matulog kaya huwag na rin kayong mag-alala." sabi ko sa kapatid ko.

"Okay, balitaan mo kami. Kuya, bukas na lang tayo mag-usap." nagpaalam na kami sa isa't isa bago patayin ang phone.

Nanlaki ang mata ko nang maalala ang carbonara na niluto ko kaya agad akong tumakbo sa kusina. Naghanda ako ng pagkain ko at nilagay muna sa ref ang para kay Belle dahil baka bukas na rin siya kumain.

Kumain ako at habang kumakain ay napangiti ako dahil aaminin kong masaya ako na malamang nagbalik na siya. Safe siya sa kwarto niya. Yun lang ang mahalaga kahit hindi pa kami nakakapag-usap.

Matapos kumain ay niligpit ko ang kinainan at pumwesto ng higa sa sofa. Dito muna ako hanggang sa makapag-usap kami bukas. Bago ako humiga ay napalingon ako sa kwarto niya at nakita siyang nakasilip. Pero bigla rin niyang sinara ang pinto nang makitang nakatingin ako sa kanya.

Tumayo ako at lumapit sa kwarto, kinatok ko siya pero walang sumasagot.

"Belle, if you're hungry may pagkain sa ref. Gisingin mo lang ako para initin ko. Paborito mo iyong carbonara." naiiling na naglakad ako pabalik sa sofa at nahiga na.

Hindi ko alam kung gaano na ako katagal nakakatulog nang may maramdaman akong nakahawak sa leeg ko. Nadilat ako at nanlaki ang mata nang makitang sakal ni Belle ang leeg ko.

"Belle..." mahina kong tawag dahil pakiramdam ko ay mawawalan na ako ng hangin.

"You need to die." madiin niyang sabi habang sakal ako at nanlaki ang mata ko nang magpula ang mata niya.

Chasing Love (CA Spin-off)Where stories live. Discover now