Epilogue

29 3 1
                                    

Isabella's POV

"No, Isabella. You can't do this to me. Hindi ako papayag na iwan mo ako. Kahit saan ka magpunta ay susundan kita." umiling ako sa sinabi ni Cassius at hinawakan ang kamay niya.

Sabay naming nilingon ang kambal naming anak na matagumpay kong nailabas sa tulong ng aking ama at ni Lady Feronia. Pero ramdam ko ang panghihina ng aking katawan, alam kong hindi na tatagal pa ang aking buhay. Ibinigay ko na ang buong buhay ko para sa mga anak namin.

"Cassius, mahal ko. Ramdam ko nang hindi ko na kaya. Ibinigay ko ang buhay ko para kay Demison at Danna. Ingatan at mahalin mo sila, ipaliwanag mo kung paano ko sila iniligtas." kahit nanghihina ay buong lakas ko itong sinabi sa kanya.
Ramdam ko ang pagbagsak ng mga luha niya sa kamay kong hawak niya.

Nakangiti ko siyang tiningnan bago unti-unting pumikit ang mata ko.

"Mahal ko..." bulong ni Cassius sa tenga ko at ramdam ko pa ang paglapat ng labi niya sa noo ko bago magdilim ang lahat.

Few years later...

Nakangiti kong pinagmamasdan ang magaama ko na naghahabulan sa hardin ng bahay. Pinunasan ko ang aking mukha na di ko namalayang may tumulo nang luha. Matagal na panahon na rin pala at namiss ko sila.

Nakita ko ang paglapit ng nanay ni Cassius sa kanila at pinunasan ang pawis ng mga anak namin. Mapait akong ngumiti. Hindi na ako kailangan pang magtaka kung bakit mas pinili niyang manatili dito sa mundo mg mga mortal.

Lumingon si Cassius sa direksyon ko pero alam kong hindi niya ako nakikita. Nakangiti siya pero alam kong may bahid ng lungkot ang mga mata niya. I know he misses me and me too. I miss him. I miss them.

Naglakad ako palapit sa kanya at nakita ko ang panlalaki ng mata niya nang makita ako. Nakangiti ngunit may bahid ng luhang lumapit ako sa kanya.

"I-Isabella? H-how?" tipid akong ngumiti bago patakbong lumapit sa kanya.

Hindi ako nabigo nang nilahad niya ang dalawa niyang kamay sa akin kaya agad akong pumaloob sa mga bisig niya. Ramdam kong hinalikan niya ang ulo ko kaya napangiti ako.

"I miss you..." unang salitang namutawi sa labi ko matapos ang tatlong taon naming hindi pagkikita.

"I-I thought you're dead but..." nilapat ko ang labi ko sa labi niya. Matapos ay ngumuso ako sa harap niya.

"Hindi mo man lang ako namiss?" nagtatampo ko kunwaring sabi, narinig ko ang pagtawa niya.

"You don't know how I damn miss you so much. I think I'm dying wothout you by my side but how come?" niyakap niya ako na nakapagpangiti sa akin.

"Sa tingin mo papayag ang ama ko na mamatay ako? Alam ng kapatid mo at ni Gio na buhay ako pero hindi nila pinaalam sa iyo dahil sa kagustuhan ni Papa." naguguluhan niya akong tiningnan kaya bumuntong hininga ako at magsasalita na sana nang may marinig kaming nagsalita sa likuran niya.

"Pa? Who is she?" nilingon namin ang mga anak namin. Si Demison ang nagsalita, ang anak naming lalaki.

Lumapit si Cassius sa dalawa at lumuhod upang magpantay sila ng mga bata.

"Demison, Danna, you need to listen. She's Isabella, your mother." tiningnan ako ng mga bata. Akala ko ay magagalit o ayaw nila sa akin pero nagulat ako ng sabay nila akong yakapin kaya lumuhod ako upang pantayan sila.

Chasing Love (CA Spin-off)Where stories live. Discover now