Chapter 3 Bampira?

17 3 0
                                    

Belle's POV

"Anong kailangan mo? Bakit ba nagpadala ka pa ng magbabantay?" tanong ko sa kanya nang makita ko siya pagpasok ko ng opisina.

"Gusto lang nila siguraduhin kung ginagawa mo ang trabaho mo." napapikit ako sa inis at naupo sa swivel chair ko. Hinilot ko ang sintido, sumasakit ang ulo ko sa kanila.

"Bakit niyo ba ito kailangang gawin? Sino ba si Cassius sa inyo? Hindi pa ba sapat na pinatay niyo ang lola ko?" sa tuwing maaalala ko ang ginawa nila sa lola ko ay kumukulo ang dugo ko.

"Shut up, mas maganda nang wala kang alam. Oras na may malaman ka ay tiyak ang kamatayan mo." malamig na sabi niya, napatitig ako sa mukha niyang natatakpan ng itim na maskara. Lahat itim ang suot niya at natatabunan ang buong mukha ng maskara.

"Hindi na ako magtatanong pa pero isa na lang ang nais kong malaman. May kinalaman ba ito sa pagkatao ko? Kilala ba talaga ako ni Cassius?" hindi na siya sumagot, tumayo siya pero ang kinagulat ko ay bigla siya pumunta sa may bintana ng office ko.

Nanlaki ang mata ko nang buksan niya ito at lumingon muna sa akin bago tumalon. Nasa walong palapag ang opisina ko. Papunta na sana ako sa bintana ng bumukas ang pinto.

"Belle..." nagulat ako nang bigla akong yakapin ni Cassius. Napatingin ako sa lalaking kasama niya na malamig lang na nakatingin sa amin.

Pamilyar siya, siya yung asawa ng kapatid ni Cassius na nasa ibang bansa. Nameet ko sila sa birthday ni tita Ana.

"Cassius..." sabi ko nang bumitaw siya sa akin at chineck ang katawan ko.

Nakita ko yung bayaw niya na biglang nag-ikot sa opisina ko. Kumunot ang noo ko.

"Walang kakaiba." rinig kong bulong ng lalaki na Giovanni ata ang pangalan ayon sa pagkakaalala ko.

"Sigurado ka ba sa sinasabi mo, Gio?" tanong ni Cassius dito. May tiningnan sila na parang aparato.

"Nakalagay talaga na may itim na bampira ang nagtungo dito." hindi ko alam kung tama ang narinig ko sa binulong niya o dahil ñang sa pagkagulat sa biglaan nilang pagpasok ay kung anu-ano na ang naririnig ko.

"Itim na bampira?" gulat nila akobg tiningnan.

"Anong sinasabi mo? Bampira? Don't stress yourself too much." sabi ni Cassius at nagulat ako nang halikan niya ang ulo ko bago silang lumabas na dalawa.

Napailing na lang ako dahil ang weird nila. Ano ba meron sa araw na ito at ang dami kong wirdong bisita?

Pumunta ako sa may bintana ko at wala akong nakitang bakas ng lalaking nakamaskara. Sino ba talaga siya? Naalala ko nang una ko siyang makita limang taon na ang nakararaan.

5 years ago...

Nanghihina na ako pero patuloy akong tumatakbo. Nang makarating ako sa bahay namin ay mas lalo akong nanghina nang makita kong walang malay ang lola ko at duguan. Agad ko siyabg nilapitan at napaiyak nang malaman kong patay na siya.

Napaangat ang tingin ko nang makarinig ng palakpak. Nakita ko ang lalaking nakaitim na maskara at kahit di ko nakikita ang kabuuan ng mukha niya ay kita ko ang mata niyang malamig kung tumingin.

"I can't believe this. You're alive. Nagawa kang itago ni Segovia but too sad she's dead dahil sa katrayduran niya." nakangisi siya kaya kumuyom ang kamao ko.

"You killed my lola." galit kong sabi pero nginisihan niya lang ako.

"Yes, I do." sabi niya at naglakad palapit sa akin. "May gusto silang ipagawa sa iyo." nakangisi niyang sabi, hinawakan ko ang braso kong dumudugo nang mapalingon siya dito.

"Bakit ko gagawin ang gusto niyo? Matapos ninyong patayin ang lola ko, sa tingin niyo gagawin ko ang ipapagawa niyo?" matapang na sabi ko kahit ang totoo ay kinakabahan ako, kakatakas ko pa lang sa mga halimaw, ngayon naman ang nilalang na nasa harap kong siyang pumatay sa taong nag-alaga sa akin.

Hindi ko alam kung anong klaseng nilalang sila. Ang alam ko lang hindi sila mga tao. Nilapit niya ang mukha sa akin kaya napaatras ako.

"Do whatever we say or else...we will kill you." kinilabutan ako sa paraan niya ng pagsasalita.

"Sino ba kayo?" hindi siya sumagot, lumapit siya at bumulong sa akin.

"Babalik ako sa sagot mo." sabi niya at nagulat ako ng isang kisap mata ay bigla siyang nawala.

******

"Naniniwala ka ba sa mga bampira?" napakunot noo ako sa biglang tanong ni Atty. Mira Quizon, kaibigan ko at batchmates sa law school.

"What? What are you talking about? Vampire?" naiiling na lang ako sa tanong niya. Pinagpatuloy ko na ang pagubos sa pagkain ko nang muli siyang magsalita.

"Paano kung sabihin ko sa iyo na totoo sila? Dati nagtatago pa sila sa mundo natin pero limang taon ang nakakaraan ay bigla na lang silang dumami dito. Nakakasalamuha natin sila ng di natin alam. Ang alam ko ang Alpha nila , nakipag-usap sa government natin." kumunot ang noo ko. Nahihibang na ba ang kaibigan ko dahil sa pagkahumaling niya sa mga Vampire movies?

"Alam mo, itigil mo na ang kapapanood ng vampire movies at kahit sa real world ay nagiilusyon ka na." umiling siya at mas lalong nilapit ang mukha sa akin.

Tumingin pa siya sa paligid na animo ay may maaaring makarinig sa amin. Tatlo lang ang tao dito sa cafeteria ng law firm namin. Bukod pa sa tao sa may cashier.

"Hindi ako nagiilusyon, totoo ang sinasabi ko." bulong niya at halos mapahiyaw kaming dalawa nang may biglang ulo ang lumitaw sa pagitan namin.

"Anong sinasabi?" napailing kami, chismoso din.

"Wal-" di ko naituloy ang sasabihin ng magsalita si Mira.

"Cassius, naniniwala ka ba sa mga bampira?" tanong niya dito kaya napailing ako. Hindi naman maniniwala ang kolokoy na ito sa kaloko-

"Bampira? Yung may mga pangil at sumisipsip ng dugo? Sa Vampire Diaries? Ang ganda nun at ang gwapo ng mga bampira doon kaya siguro gwapo din ang mga bampira kung totoo sila." tuwang tuwang sabi ni Cassius kaya napatampal ako sa noo ko. Nakalimutan kong puro din pala kalokohan ang isang ito.

"Oo, kung ganoon lang kagwapo magpapakagat na ako." nagtawanan sila sa mga kalokohan nila pero napahawak ako sa ulo ko ng bigla itong sumakit.

May mga imaheng pumasok sa isip ko at di ko alam kung imahinasyon lang o parte ng alaala ko na nawala.

Mga mahahaba at matutulis na kuko ng mga nilalang, may pangil din silang nakalabas, mabilis lang silang tumakbo at naghahabulan sa itaas ng mga puno. Tatlong lalaki at isang babae ang masayang nagtatawanan.

What kind of image is that? Bampira?

"Belle? Are you okay?" nagaalalang tanong ni Cassius, napatitig ako sa kanya. Who really are you, Cassius Lioncourt?

Chasing Love (CA Spin-off)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon