Chapter 14 Explain

11 4 0
                                    

Cassius's POV

Hindi ako natulog o nagpahinga at binantayan ko lang siya. Natatakot ako na oras na ipikit ko ang mga mata ay bigla na lang siyang mawala ulit. Alam kong may dahilan ang pagkawala niya at hindi lang simpleng nag-isip siya. I want to read her thoughts but it blocked.

Si Gio lang ang may kakayahan na pasukin ang isip ng sinumang bampira kahit pa nakablock ang isip nito. Natutunan niya ito kay Lady Feronia. Pero ayaw ko naman ipagawa ito sa kanya, gusto ko ako mismo ang aalam kung ano ba ang nangyari sa kanya. Gustuhin ko mang magtanong ay di ko na nagawa dahil ramdam ko ang paghihirap niya kanina.

Nanatili akong nakatingin sa kanyang maamong mukha at inalala ang salitang binitiwan niya.

"I love you too." it may sounds not me pero kinilig ako. It is the first time hearing her saying that she loves me. But something's off earlier.

Gumalaw siya at nang dumilat ay diretso itong tumingin sa akin. Tiningnan niya ang leeg kong may kagat niya at pati na rin ang pulso ko. Hindi ko mabilang kung ilang beses niyang ininom ang dugo ko pero hindi ako nagreklamo, nagpaubaya ako.

"Masakit?" napangiti ako sa lambing ng boses niya.

"No," nakangiti kong sabi at niyakap siya. How I love this girl.

"Teka, tao ka na ba talaga at hindi bampira?" natawa ako sa tanong niya at umiling.

"May marble lang na binigay ang Alpha para makasurvive ako dito na parang normal na tao. At isa pa kung tao na ako sana hindi ko nakayanan ang kagat mo. Ayaw mo pa nga akong tigilan." natawa ako ng namumula ang pisnging umiwas siya ng tingin.

"Ano ba kasing ginagawa mo dito sa mundo ng mga mortal? Dahil sa Mama mo?" tanong niya pero umiling ako.

"Oo yun ang unang dahilan pero may iba pang dahilan." tinitigan ko siya kaya kumunot ang noo niya.

"Ano?"

"Wala sana akong balak magtagal dito at katulad ng ginagawa ni Cassy na pabalik-balik lang dito upang dalawin si Mama dahil nandito naman si Auntie Carla para makasama ni mama. Pero nakita kita." tinabingi niya ang ulo, alam niyang may kasunod pa akong sasabihin. "Naniniwala ka ba na pwedeng mahalin ng dalawang beses ang isang nilalang?" nagtataka lang niya akong tiningnan kaya natawa ako.

"Ha?" pabiro kong kinurot ang ilong niya.

"Belle o Isabella, hindi ko akalain na mamahalin ko pareho ang magkaiba mong katauhan. Akala ko nung una na hindi ikaw si Isabella kaya dapat tigilan ko na pero kakaiba ang pintig ng puso ko dahil sa iyo. Kaya mo itong muling patibokin." sabi ko at hinalikan siya.

******
"

Nag-alala sila?" tanong niya matapos kong sabihin na kung saan- saan namin siya hinanap nila Gio.

"Oo, lalo na sa ibinalita ni Matt at Trix." humarap siya sa akin ng bahagya dahil nakaupo siya sa passenger seat sa tabi ko habang ako ay nagmamaneho. Pupunta kami sa bahay para makita siya nila Cassy.

"Kamusta na ang dalawang iyon? Kamusta sila? Yung mga kaibigan natin? Si Vincent?" natulala ako sa huling tanong niya.

"They're fine, may anak na si Trix at Matt, ganun din si Lev at Tres pero si Benj at Elvy ay ikakasal pa lang." sagot ko kaya napatango siya, hindi ko alam kung paano sabihin ang tungkol kay Vincent at ang nangyari sa aming tatlo.

"Wow, nagkatuluyan sila? Akala ko ba naman si Vincent at Lev magkakatuluyan pero paanong naging si Tres?" napangiti ako sa tanong niya.

"I don't know. Maybe they are meant for each other beside nalaman na rin naman nila ang kanilang mate. They decided to accept their matebond." nakangiti kong sabi.

"Kung sabagay, sinabi naman ni Vincent na fling lang sila ni Lev." natatawa niyang sabi at alam kong itatanong niya na ang bagay na maaaring ikasakit ng damdamin niya. They used to be friends afterall.

"How about Vincent? Did he find his mate?" sabi na nga ba.

"No, he didn't find his mate because Vincent is dead." diretso kong sinabi at wala akong narinig na reaksyon sa kanya kaya bahagya akong lumingon.

Natulala siya sa kalsada at alam kong pinoprocess pa niya ang sinabi ko.

"Wh-what? He's what?" di makapaniwala niyang tanong. Nakapasok na kami sa subdivision namin at nang makapagpark ako sa lob ng garage ng bahay ay pareho kaming tahimik lang.

"He's dead, five years ago." ako na ang bumasag ng katahimikan.

"H-how? W-why?" nalilito niyang tanong pero nagbuntong hininga ako at pinagbuksan siya ng pinto ng kotse.

"Many things happened when we thought you're dead. I'll explain everything inside." sabi ko at sabay na kami naglakad papasok ng bahay.

Pagpasok ay naabutan namin sila sa living room na mukhang hinihintay kami.

"Belle..." agad lumapit si Mama kay Belle at niyakap ito na kinagulat ng huli, nginitian ko siya.

"How are you? Nag-alala kami ng sobra sa pagkawala mo, wala naman bang masamang nangyari sa iyo?" sabi pa ni Mama pero awkward na ngumiti lang si Belle at tumingin sa akin.

"Ma, may makakain ka ba diyan? We're both hungry and we're not eating yet." reklamo ko kaya nanlaki ang mata ni Mama.

"What? Ikaw na bata ka. Bakit hindi mo pinakain muna si Belle? Sige, maghahanda lang ako." napakamot na lang ako ng ulo habang naglalakad siya palayo.

"Cassius, explain." seryosong sabi ni Belle kaya umupo na kami pareho, nagtataka naman si Cassy at Gio sa amin.

"Explain ang alin?" tanong ni Cassy.

"Kung paano at bakit namatay si Vincent?" my sister stunned upon hearing his name again. Napayuko siya kaya hinawakan naman ni Gio ang kamay niya na napansin ni Belle.

"What's wrong? What really happened to him and what else happened nang inakala niyong patay na ako." nanlaki ang mata ni Gio.

"So, ikaw nga si Isabella?" umirap si Belle.

"Kung makareact akala mo hindi pa niya alam. Yes, ako ito at bumalik na ang alaala ko." mataray na sabi niya.

"Vincent die after we knew about his being traitor." nanlaki ang mata ni Belle sa sinabi ko.

"No, kuya hindi siya totoong traydor. Ginawa niya lang iyon para protektahan kayo. Ako ang dahilan kung bakit siya namatay." sabi ni Cassy na agad kinontra ng asawa niya.

"No, it's not your fault. He save you because he save you." sabi ni Gio.

"No, he save you because he didn't want to do the same mistake he did before." seryosong sabi ko samantalang palipat-lipat lang ang tingin ni Belle sa amin.

"Can you tell me what really happened after I'm gone?" nagsimula kaming ikwento kay Belle ang nangyari matapos niyang mahulog sa bangin.

Chasing Love (CA Spin-off)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin