Chapter 18 The Cure

11 4 0
                                    

Cassius' POV

Walang emosyon at ramdam namin ang nagsusumigaw na kapangyarihan sa kanya. Nang masalubong ko ang tingin niya ay nanghina ako bigla sa paraan niya ng pagtitig. Is he the most powerful creature? Pero sabi nila hindi raw bampira ang pinakamakapangyarihang nilalang na siyang kinatatakutan ng maraming bampira.

Tumikhim si Caleb na siyang bumasag ng katahimikang namayani mula ng magpakita si tito Ismael.

"As you can see, he's the one you're looking for." nakangising sabi ni Caleb at hindi ko maintindihan ang ibig sabihin ng kanyang pagngisi.

"How? Why? Tito? You're not a vampire but..." nalilitong tanong ko. Kahit na kinakabahan ay nagsalita at nagtanong na ako dahil alam kong di kami uusad kung ganito lang kami. My love needs me.

"I'm not a vampire but my wife. Cristoff is my son in my first wife." walang emosyon at nakakatakot ang kanyang tinig.

"Si Isabella..." di ko na madugtungan pa ang sasabihin ko.

"Isabella is a vampire too because of her mother and my father's second wife is a vampire too, so she's my sister." nagulat kami sa sinabi ni Cristoff.

"We thought you're dead? Isn't Isabella a half human?" natawa ang mag-amang Cristoff at Caleb sa tanong ko.

"No, he's not. Yun lang ang pinalabas namin sa kaalaman niya para protektahan siya. She thought that her father is a human but absolutely not." sabi ni Cristoff.

"Protect her from what?" hindi ko na talaga alam ang nangyayari at pakiramdam ko sasabog ako sa gulo ng isip ko.

"From them but we're wrong. Nagawa na nila. Just think of it, ano ang mangyayari kapag nalaman nilang may anak na babae ang most powerful creature ng Vampire World. They absolutely used her for their own benefits." natahimik ako sa sinabi ni Cristoff.

"What are you really?" diretso akong tumitig sa mata ni tito Ismael kahit na kinakabahan. Sa unang pagkakataon nagpakita siya ng ibang reaksyon, ngumisi siya.

"What do you think, Cassius Lioncourt?" nakangisi niyang tanong na nagbigay kilabot sa buo kong katawan.

He has this scary aura. Cold and mysterious eyes. Mas kinagulat namin ay nang magpalit ng kulay ang kanyang mata. Hindi siya pula kundi berde na parang katulad ng sa isang ahas. He's feature is big and not like an ordinary. Is he really a demon?

Gulat kaming napatingin sa kanya nang humalakhak siya.

"You guess it right, Lioncourt. No doubt why my daughter loves you so much." hindi ako makapaniwalang nakatingin sa kanya.

He's the most powerful creature but what kind of power he has? How powerful he is? If he is really the most powerful, how come he didn't knew where her daughter was? Hinayaan niyang maniwala ang lahat na patay na si Isabella.

"Are you curious that much? But before your curiousity kills you, let's help my daughter first." dun na ako natauhan sa sinabi niya.

"Yeah, I want to know who is that black vampire that gave a curse to Isabella?" sabi ko.

"Hindi ko na kailangan sabihin kung sino siya dahil tiyak kong malalaman niyo rin iyon. Alam kong makikilala niyo rin siya." malamig na sabi niya.

"Kung ganon totoo bang siya lang ang maaaring makapagpagaling kay Isabella?" tanong ko, umupo siya at seryosong tumitig sa akin.

"Hindi siya ang makakagamot pero siya ang isang paraan." naguguluhan kaming tumingin sa kanya.

"Ha? Anong ibig mong sabihin?" ngumiti siya sa naging tanong ng kapatid ko.

"Cassy Lioncourt, the shadow. I always looking for you." seryosong sabi ni tito Ismael kaya agad na naging alerto si Gio. Hindi ko alam kung para sa nagbabantang panganib na sasaktan ni tito Ismael si Cassy o dahil sa selos.

"Looking for her? Why? What's the reason?" nagulat kami ng bigla siyang tumawa.

"She's a human at naging bampira lang siya dahil sa Dark Knight. But may I ask you, do you know your real purpose here?" naguluhan kami sa sinabi niya.

"What do you mean?" tanong ni Cassy.

"Aside from being Dark Knight's mate and his shadow, you help him to win the war but you have another mission." sabi niya.

"What is that?" tanong ni Cassy.

"You are my daughter's cure." sa lahat ng pinag-usapan namin ay itong sagot ng pinakamakapangyarihang nilalang ang higit na kinagulat namin. Lumingon kaming apat kay Cassy na naguguluhan sa sinabi ni tito Ismael.

******

Tulala kaming lahat matapos naming makalabas ng Alvantin at ngayon ay naglalakad kami papuntang Clemente. Dapat ay mabilis lang kaming pumunta pero hindi namin lubos maunawaan o nauunawaan namin ngunit ayaw lang naming paniwalaan. Tumingin ako sa kambal ko na mukhang wala sa sarili at alam kong ang naging usapan kanina ang tumatakbo sa isip niya.

"Don't pressure yourself and let's focus for the cure." sabi ni Gio at hinawakan ang kamay ni Cassy.

Kanina matapos bitawan ni tito Ismael ang salitang nakagulat sa amin ay pinaliwanag niya ang cure. Hindi kami makapaniwala na ang dugo ni Cassy ang isang sangkap sa lunas na kailangan ni Isabella. Ang kagat ng Dark Knight na naging dahilan ng pagiging bampira niya ang makakatulong sa lunas na hinahanap namin.

Ngayon ay papunta kami ng Clemente upang kausapin ang mga lobo. Hindi namin alam kung bakit kung saan-saan kami kailangan pumunta pero kung ganon handa pa rin akong gawin maligtas ko lang ang babaeng mahal ko.

Pagdating ng Clemente ay agad nila kaming hinatid papunta sa tanggapan ni tata Dante ang Alpha ng kanilang pack.

"Kailangan niyo ng lunas kaya kayo nandito." hindi na rin kami nagulat na alam na ni tata Dante ang dahilan ng pagpunta namin.

"Sinabi ni tito Ismael na alam niyo ang iba pang sangkap sa lunas." sabi ko.

"Nakilala niyo na pala siya. Alam ko kung paano gumawa pero kailangan ko ang dugo ng shadow-" naputol ang sasabihin niya nang bumukas ang pinto dahil sa pagpasok ni Felik.

"Kuya..." agad siyang lumapit sa akin kaya napakunot ang noo ko.

"Felik, what's wrong?" nagtataka kong tanong.

"Galing ako ng Crimson Academy at pinapunta ako dito ni Headmaster Cole. Nawawala si Isabella." napatayo ako sa sinabi niya.

"Anong nawawala? Felik, ipaliwanag mo." seryoso kong utos sa tinuring kong kapatid ng mahabang panahon.

"Pagtingin namin sa kwarto kung saan si Isabella bigla na lang siyang nawala. Sabi ng nakakitang estudyante, may nakita raw silang naglakad na babaeng nakapaa at lumabas ng Academy. Base sa kwento nila sa itsura niya ay nakumpirma namin na si Isabella nga ang nakita ng estudyante." paliwanag ni Felik.

"Paanong makakalabas siya? Hindi ba wala siyang malay dahil sa sumpa?" naguguluhang tanong ni Cassy.

"Yun din ang hindi namin alam dahil walang nakakaalam talaga kung anong klaseng sumpa ang dumapo sa kanya. Sabi ng mga bantay ng Academy may lumapit daw na lalaki sa kanila at bigla na lang silang nawalan ng malay kaya nakalabas si Isabella." sabi pa ni Felik.

"Isa lang ang ibig sabihin niyan, may ginawa sila sa kanya. May kumuha sa mahal mo, Cassius." gulat akong tumingin kay Tata Dante.

Chasing Love (CA Spin-off)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon