Chapter 1 First Meet

24 3 0
                                    

Belle's POV

Pinunit ko ang papel na pinadala sa akin kaninang umaga pagkagaling ko sa opisina ni Cassius. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nila ako tinitigilan kahit na ilang taon na ang nakalipas. Sinubsob ko ang ulo ko sa lamesa ko nang may kumatok sa opisina.

"Magandang umaga po, Attorney. Elias Gozon po, your new secretary." kunot noo kong tiningnan ang bago ko raw secretary. Kung ganon siya ang ipinadala nila upang magmanman sa akin? Kumuyom ang kamao ko at malamig siyang tiningnan.

Tumango ako at tiningnan ang ilang paperworks sa lamesa ko. Mga ilang sulat mula sa korte at mga kasong nakaschedule sa akin. Pinalapit ko siya at inabot ang isang pulang folder.

"Arrange and study that, that's my schedule for tomorrow. Ako na bahala sa schedule ko ngayon, follow me." malamig kong sabi bago tumayo at lumabas ng opisina.

Napaatras ako dahil paglabas ko ay may tumambad na boquet of roses sa harap ko. Humalikipkip ako at tiningnan ng masama ang lalaking nasa likod ng maraming bulaklak. Sumandal ako sa pinto kaya binaba niya ang bulaklak upang magkaharap kami.

"What do you want, Atty. Lioncourt?" walang emosyon ang boses ko nang sabihin iyon. Ngumuso siya kaya napairap ako, he really think madadaan niya ako sa pagpapacute?

"Aayain lang sana kitang maglunch." kumamot siya sa ulo niya na hindi yata sinuklay ng ilang buwan. Style daw niya iyan, badboy look daw ang messy hair para cool. Ewan ko sa trip ng lalaking ito.

"No, I'm busy." sabi ko at tinalikuran siya bago naglakad palabas ng office ko. Naramdaman ko ang pagsunod ni Elias.

"Hey..." nanlaki ang mata ko nang sugurin bigla ni Cassius si Elias at isandal sa pader.

"Who are you? Sinong nagbigay ng karapatan sa iyo na lapitan ang Belinda ko?" maangas na sabi ni Cassius at hinatak ko siya palayo kay Elias.

"Ano ba? He's my new secretary kaya pwede ba bitiwan mo siya." sabi ko sa kanya kaya nakahinga ako ng maluwag nang bumitaw na siya.

"New secretary? Nasaan si Arianne?" tanong niya na tinutukoy ang dati kong secretary. Nang makilala ko siya tatlong taon na ang nakalipas ay weird na talaga siya pero habang lumilipas ang panahon ay mas lalo siyang nagiging weird at childish.

"She resigned last week because her mother got sick. Happy?" tanong ko pero laglag pa rin ang balikat niya. Problema niya?

"Sana sinabihan mo ako para hanapan kita ng bagong secretary. Bakit kasi lalaki pa ang kinuha mo?" malungkot niyang sabi kaya kumunot ang noo ko.

"Ano kita, boyfriend? Hindi mo kailangan malaman lahat ng tungkol sa akin." sabi ko at tinalikuran na siya, naramdaman ko na rin ang pagsunod ni Elias.

Sa gilid ng mata ko ay sinilip ko siya pero nakayuko na siya at nakahawak sa pader. Kumuyom ang kamao ko, nasobrahan yata ako.

******

Naalimpungatan ako dahil muli na naman akong nanaginip. Sa loob ng walong taon ay nanaginip ako ng parehong senaryo pero pagmulat ng mata ko ay hindi ko na maalala ang panaginip ko.

Bumangon ako sa kama at pumunta sa veranda ng kwarto ko. Tanaw ko ang kagandahan ng buong lungsod mula sa lugar kung nasaan ako. Tiningnan ko ang aking wrist watch at nakitang 5 pa lang ng umaga.

Nagbihis ako dahil naisipan kong magjogging muna upang mawala sa isip kong muli akong binangungot ng bagay na hindi ko maalala. Hindi ko alam kung parte ba siya ng alaala ko o panaginip lang talaga siya.

Sinuot ko ang earphone sa tenga ko nang makalabas ako ng building ng condo. Nagsimula akong tumakbo habang nakikinig ng paboritong kanta ni Yeng Constantino.

Ilang minuto na akong tumatakbo nang makaramdam ng pagod. Naupo ako sa park na malapit sa building ng condo. Unti-unti na ring sumisikat ang araw pero parang pakiramdam ko ay napakadilim pa rin ng buhay ko. Napalingon ako nang makaramdam na parang may nanunuod sa akin.

Napatitig ako sa kanya at ganun din siya. Hanggang kailan niyo ako susundan? Hanggang kailan niyo ako pahihirapan malaman kung sino ba ako? Ano ang kailangan niyong bantayan sa akin? Sino ba talaga kayo? Sino ako?

Napakadaming tanong ang gumugulo sa isip ko pero alam kong ni isa ay walang may kayang sumagot nito o walang gustong sagutin ang mga tanong ko.

Lumingon ako sa kabilang direksyon nang makitang may tumatakbo palapit sa akin. Nakangiti siya at nakapangjogging din ang suot. Muli kong naalala ang unang araw na magkrus ang landas namin.

3 years ago...

Napatalon ako sa tuwa nang makita ko ang pangalan ko sa mga pumasa sa bar exam para sa mga susunod na abogado. Napaangat ang tingin ko sa langit at napangiti.

Lola, I told you magiging abogada na ako. Nakangiti ako at muling naalala ang pinangako ko sa taong nag-alaga at kumupkop sa akin nang panahong hindi ko alam kung ano ang pagkatao ko.

Naglalakad na ako papasok ng building ng condo ko nang may makabunggo akong lalaki. Nakapolo shirt na pula at nakalagay ang pangalang Lioncourt sa likod nito.

"Ha! Akala niyo maiisahan niyo ako? Tigilan niyo na ang pinsan ko." sumigaw pa siya kaya pinagtitinginan siya ng mga tao pero parang wala siyang pakialam.

"Kuya, tara na. Kanina pa tayo hinahanap nila mommy." sabi ng lalaking mas bata sa kanya.

"Sige," sabi ng wirdong lalaki at inaya na ang kasama niyang bata pero napahinto siya nang humarap siya sa akin.

Ilang minuto siyang nakatulala na parang nakakita ng multo. Kung hindi lang siya hinatal ng kapatid niya ay hindi siya matatauhan.

Kinabukasan nagulat ako nang pagbaba ko sa lobby ng building ay muli ko siyang nakita. Nakaupo siya sa receiving area at nakadekwatro. Nang makita niya ako ay agad siyang tumayo. Hindi siya nagsalita lalo na ng magsalubong ang tingin namin.

Nakatitig lang siya at inantay ko siyang magsalita pero wala siyang sinasabing kahit na ano.

"Mister, kung wala ka ng sasabihin ay aalis na ako." sabi ko at tumalikod na sa kanya para lang muling mapahinto sa pangalang tinawag niya sa akin.

"Isabella..." kunot noo ko siyang nilingon pero ang higit kong kinagulat ay nang yakapin niya ako. "Buhay ka..." bulong niya pa.

Chasing Love (CA Spin-off)Where stories live. Discover now