Chapter 19 Confrontation

13 4 0
                                    

Cassius' POV

Nangako si Tata Dante na gagawa siya ng paraan para sa sumpa pero nagdadalawang isip pa rin ako.  Sapat ba ang kaalaman niya para sa paggawa ng lunas ang makakatulong kay Isabella? Hindi sa pinagdududahan ko ang kakayahan niya, it's just that something whisper to me na may mali. Parang hindi siya katulad ng gamot na iniisip nila. Hindi ko alam pero sana mali ang kutob ko.

Agad kaming umalis ng Clemente dahil sa binalita ni Felik. Mabilis lang ay nasa Crimson na agad kami. Dumiretso kami sa opisina ni Gio dito sa CA at naabutan ang lahat.

"Where is she? How come na bigla siyang nawala?" bungad ko pagpasok ng opisina.

"Calm down, Cassius. Ginagawa namin ang lahat para mahanap siya." pagpapakalma sa akin ni headmistress Helana pero hindi pa rin ako mapakali.

"How can I calm down kung nawawala si Isabella?" tumalikod ako sa kanila at akmang lalabas na ng tawagin ako ni Cassy.

"Kuya, where are you going?" napahinto ako at malamig silang tiningnan.

"I should find her." huling sabi ko bago tuluyang lumabas. Naririnig ko ang pagtawag nila pero di ko sila pinansin.

Napahinto lang ako nang may humawak sa braso ko at higit kobg kinagulat ay ang kamao na sumalubong sa akin.

"What the f-"

"Sige, ituloy mo Cassius ang pagmumura. Can you please wait? Aalis ka at hahanapin siya? Do you know where to find her? Pag-isipan muna natin ang mga hakbang natin at hindi pwede magpadalos-dalos. Tandaan mo, buhay niya ang nakasalalay dito." nagulat ako sa ginawa at sinabi ni Gio, this is the first time na makita ko siyang ganito kagalit. He always calm, pagdating kay Cassy lang siya huling nagalit ng ganito.

"Isabella is important to me too. She's also my bestfriend and you know I don't want her to be in danger pero walang mangyayari kung magpapadalos lang tayo sa desisyon at hakbang natin." mahinahon niya nang sabi, I know he has a point and concern for her but...

"I know what you mean but I think I can find her. Gio, I know you're concern and I know how much she mean to you and thank you for that. But this time it is only my fight, let me fight for this and I will find her. We have a mate link now so I can detect where she is." mahinahon kong sabi, kita kong natahimik siya.

"But don't you need my help? We want to help you because this is not only your fight but all of us. I think karugtong ito ng naging digmaan last time." nginitian ko si Gio.

"I know you want to help. You can help by trusting me, that's all I need. Gio, thank you for everything but this time trust me. I will find her and cure her, I'll make sure of that." hinawakan ko ang balikat niya at umalis na.

Mabilis akong tumakbo at ramdam ko ang adrenaline sa katawan ko. Like my vampire strenght and fast are going back in me, I'm back to being vampire now. Lumabas ako ng CA, napahinto ako at huminga ng malalim sabay pikit ng mata. Ilang minuto akong nakapikit at pagdilat ng mata ko ay alam kong naging kulay pula na ito. Lumabas din ang aking mga pangil at humaba ang mga kuko ko. I am an active now.

Hindi nagtagal ay muli akong tumakbo hanggang makalabas ako ng bayan ng Zagan. Nasa boundary na ako ng Vampire World at Mortal World. Nararamdaman kong nasa mundo siya ng mga mortal kaya walang pagdadalawang isip na tumawid ako pabalik sa kabilang mundo.

Wala na akong inaksayang oras at tumakbo na papunta sa lugar kung saan nararamdaman ko ang mate link namin. Huminto ako saglit at tumingala sa kalangitan. Bilog na bilog ang buwan at sisiguraduhin ko na sa mga oras na ito ay tatapusin ko ang laban na ito.

******

Nakatingala ako sa isang abandonadong building at mas ramdam ko ang paglakas ng mate link namin. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko kung ganito ba talaga ito. Napakalakas niya kaya parang dumating sa puntong nakakapanghina rin. Sinabi sa akin ni Gio ang pakiramdam ng mate link nila ni Cassy pero mas naging matindi raw ang kanilang mate link ng ipinagbuntis ni Cassy si Chase.

Mabilis, maingat, at walang ingay akong pumasok sa building na parang ilang dekada ng hindi naipagawa. Madilim sa loob at tahimik pero ramdam kong may nilalang di ko nga lang sigurado kung anong klaseng nilalang.

Binuksan ko ang isang pintuan at nagulat sa bumungad sa akin. Agad ko siyang nilapitan at tinapik ang pisngi.

"Isabella, gumising ka." pilit ko siyang ginigising ngunit parang di niya ako naririnig. Dumilat siya at tumingin ng diretso sa mata ko.

Nakahiga siya sa kama at nakatali ang dalawang kamay. Napalingon ako sa may tiyan niya nang may maramdaman ako. Napaatras ako sa gulat sa nalaman. It can't be...

"C-Cassius, iligtas m-mo sila. Wala siyang kinalaman d-dito kaya hindi s-siya dapat madamay." hinawakan niya ang kamay ko kahit alam kong nanghihina na siya. Hindi na rin siya makapagsalita ng maayos.

"Isabella, dalawa kayong ililigtas ko. Kumapit ka lang sa akin." sabi ko at mabilis na tinanggal ang pagkakatali sa kanya. Inakbay ko ang kamay niya sa balikat ko bago siya buhatin.

"C-Cassius, hindi ko na kaya. Alam kong kaya mo silang iligtas. I-iligtas mo ang anak natin." ilang beses akong umiling sa kanya pero napakunot noo sa narinig.

"Sila? You mean..." nang tumango siya ay muli kong tiningnan ang tiyan miya at hinawakan ito.

Ang pagbubuntis ng isang bampira ay iba sa ordinaryong tao. Mabilis lang lumaki ang tiyan ng buntis na bampira dahil sa mabilis na development nito. Hindi na kailangan abutin ng ilang buwan kundi araw lang ay maaari na siyang ilabas at kung mahina na ang ina ay mailalabas siya kahit hindi pa tamang oras basta makapangyarihan ang ama nito.

"Isabella, makinig ka. Hindi ako aalis dito ng hindi ka kasama. Kung nanghihina ka na, hayaan mo ako maging lakas mo. Mahal kita at ikamamatay ko kapag nawala ka pa sa tabi ko." pilit kong pagpapaintindi sa kanya.

Matindi ang mate link naming mga bampira. Oras na nagmake love na ang dalawang magkamate na bampira ay titindi ang mate link nila. Halos ikakamatay ng isa kapag namatay ang partner niya, hindi man literal pero para siyang buhay na patay. Mabubuhay siya sa lungkot at mababalewala ang ibang bagay.

Katulad ng nangyari kay Master Zach nang inakala niyang namatay ang asawa. Nabaon siya sa lungkot pero nabalik lang ang sigla niya ng malamang buhay ang asawa, kung wala lang silang anak baka nagpakamatay na siya. Si Mama naman ang mate ni Papa pero nang mamatay si Papa ay kinaya ni Mama pero nandon ang matinding kalungkutan kahit pa isang tao si Mama pero nalabanan niya ang lungkot dahil sa amin ni Cassy.

Binuhat ko na si Isabella at palabas na sana kami ng kwarto ng bigla kaming tumilapon pabalik. Iniharang ko ang sarili wag lang masaktan ang mag-iina ko. Malakas na pwersa ang sumalubong sa amin at hindi ko ito mapangalanan.

"Akala mo ba ganun lang kadali siyang iligtas, Cassius Lioncourt?" kumunot ang noo ko sa kanya. Kilala niya ako? Nakasuot siya ng itim na maskara kaya hindi ko makita ang mukha niya.

"Sino ka?" ang malakas niyang pagtawa ang namayani sa buong lugar.

"Ang tagal ko nang hinintay na makaharap ka. Kumagat ka sa bitag na hinanda ko." nalilito ko soyang tiningnan hanggang sa nilingon ko si Isabella na nakatingin sa akin.

"Pakiusap, huwag siya. Ako na lang, hayaan mong makaalis ang mag-aama ko." nanghihinang sabi niya pero umiling ako.

"Ang sweet mo talaga, Watson. Pero siya ang kailangan kong patayin at ginamit lang kita para mapapunta siya dito." sabi ng lalaki at ramdam ko ang kapangyarihang tinataglay niya. Hindi siya isang tao kundi bampira, isang itim na bampira.

"Sino ka ba talaga?" tanong ko pero imbes na sumagot ay unti-unti niyang tinanggal ang maskarang tumatakip sa pagkakakilanlan niya.

Nagulat ako nang lumatad sa harap ko ang mukha niya. Imposible. Hindi ito maaari. Patay na siya.

"I-imposible." mahina kong sabi kaya napalingon sa akin si Isabella.

Drake?

Chasing Love (CA Spin-off)Where stories live. Discover now