Chapter 8 That Black Guy

12 4 0
                                    

Cassius's POV

Sumikip ang dibdib ko habang nakatingin sa mga mata niya. Muli kong naalala na hindi dapat ako ang pipiliin niya pero nagpaubaya ang bestfriend ko. Iniisip ko noon kung hindi kaya nagpaubaya si Gio. Mararamdaman ko ba ang pagmamahal ni Isabella? Baka kaya hindi niya ako naalala dahil hindi naman talaga ako ang tunay niyang mahal.

Kaya ko pinakiusapan si Gio na manatili dito. Akala nila ni Cassy ay dahil sa may threat nga sa amin dito. Pero ang totoo ay nagbabakasakali akong baka may maalala si Belle. Kahit hindi ako ang mahal niya, importante kasama at nakikita ko siya. Pero simula nang dumating kahapon dito si Gio ay inobserbahan ko na siya, ni isang sulyap ay hindi niya ito tiningnan.

Tumayo na si Belle pero nagulat ako ng maout of balance siya kaya bago pa  siya mahulog sa pool ay sinambot ko na siya. Muli kaming nagkatitigan at naalala ko na naman ang mga mata ni Isabella na paborito kong titigan.

"Hindi ba talaga ikaw si Isabella?" bulong ko sa kanya pero ang kinagulat ko ay nang bigla niya akong sinampal.

Umayos siya ng tayo at tumalikod sa akin. Naglakad na siya papaspk ng bahay kaya wala akong nagawa kundi tingnan siyang naglalakad palayo. Kahit na mahilo hilo siya ay pinilit niyang bilisan maglakad palayo.

Tama iyan, Belle. Lumayo ka sa akin kahit mahirap para hindi na kita masaktan at ako. Ayokong mahirapan ka pa sa akin dahil hindi kita kayang panindigan. Wala akong kwentang lalaki dahil hindi ko kayang protektahan ang babaeng mahal ko kaya alam kong hindi rin kita mapoprotektahan kita.

******

Pansin ko ang panay lingon nila Cassy, Mama at Gio sa amin ni Belle. Nandito na kami sa dining at nananghalian pagkauwi nila. Mula nang mag-usap kami sa pool ay hindi na kami nagpansinan pa ni Belle.

"Nag-away na naman ba kayo?" tanong ni Mama.

"Hindi po..." sabay na sabi namin ni Belle kaya nagkatinginan kami pero nauna siyang umiwas ng tingin.

"Okay." sabi ni Mama pero alam kong hindi sila naniwala.

"Uwi na po ako, salamat po sa pagpapatuloy." sabi ni Belle matapos naming kumain.

"Teka, kaya mo na ba? Nang bihisan kita kagabi ang taas ng lagnat mo. Baka kung anong mangyari sa iyo sa daan habang nagmamaneho ka." nagaalalang sabi ni Cassy.

"Salamat sa pagaalala pero kaya ko na ang sarili ko. Sige..." tumayo na siya at palabas na sana nang pigilan ulit siya ni Cassy at Mama.

"Cassius, magpakagentleman ka naman. Ikaw na magmaneho." utos ni Mama kaya napakamot ako ng ulo bago kunin ang susi ng kotse ni Belle na nasa kamay niya.

"Hindi na po, tita. Kaya ko na po magmaneho." sabi niya pero umiling si Mama.

"No, I won't let you go kapag hindi si Cassius ang nagmamaneho. Mas mapapanatag ako." Mama insisted.

"Tita, ayoko naman pong maging pabigat at umasa nalang sa kanya. Ayoko pong masanay." nagulat ako sa huli niyang sinabi kaya sabay napatingin si Mama at Cassy sa akin.

Tinampal ni Cassy ang balikat ko kaya sinamaan ko siya ng tingin. Pinanlakihan niya ko ng mata pero umirap ako at naglakad na palabas ng bahay.

"Hey..." narinig kong hinabol ako ni Belle pero di ako lumingon sa kanya.

Diretso ako sa loob ng kotse niya  pero nanatili siyang nakatayo sa labas ng kotse at nakatingin sa malayo. Kumunot ang noo ko at lumabas ulit pero nakita kong lumabas din si Gio.

"Anong nakita mo? Sino ang nakita mo?" nagulat ako nang biglang lumapit si Gio kay Belle.

"Gio..." tinulak ko siya palayo kay Belle. Hindi ko alam pero sumikip ang dibdib ko nang makita ko siyang lumapit kay Belle. Kahit na tinatanong niya lang ito.

"Wala." sagot ni Belle.

"Ano ba iyon, Gio?" tanong ni Cassy pero tumingin sa akin si Gio.

"Hindi mo ba iyon naramdaman?" tanong niya sa akin, may naramdaman akong itim na bampira pero hindi ako sumagot at lumingon lang kay Belle na malamig na nakatingin sa akin. Kumirot ang dibdib ko sa binibigay niyang tingin.

Naglakad na siya papasok sa loob ng kotse niya sa passenger seat kaya agad akong sumunod. Pagkaupo ko sa driver seat ay agad kong pinaandar ang kotse palabas ng gate.

"Sino ba kayo? Ano ba kayo?" bago pa kami makalabas ng subdivision ay napapreno ako sa naging tanong niya.

"Anong ibig mong sabihin?" imbes na sagutin ko ang tanong niya ay tinanong ko siya.

"Sino ba ako? Ano ba ako?" tanong din ang sinagot niya.

"Belle-" di ko natapos ang sasabihin nang muli siyang magsalita.

"Sinong hinahanap niyo ng bayaw mo? Anong klaseng nilalang ang lalaking nakaitim at nakamaskara?" mas kinagulat ko ang huli niyang sinabi. Tinanggal ko ang seatbelt at humarap sa kanya.

"Nakaitim at nakamaskara?" tanong ko.

"Siya ang hinahanap niyo diba? Sa tuwing nagpapakita siya sa akin ay dumarating kayo ni Gio. Kilala niyo ba siya? Pwede bang sabihin niyo sa kanya na tigilan niya na ang buhay ko?" itim na bampira ba ang tinutukoy niya? Pero anong kailangan sa kanya ng itim na bampira kung patay na ang Emperor nila?

"Anong kailangan niya sa iyo? Ginugulo ka ba niya? Anong pinapagawa niya? Kailan pa siya nangugulo sa iyo? Balit ngayon mo lang sinabi?" napakarami kong tanong sa kanya. Napahawak ako sa ulo ko at parang gusto kong saktan ang sarili. Sabi ko kung hindi ko napangalagaan si Isabella ay kahit si Belle na lang pero mukhang bigo din ako.

"Simula nang mamatay ang lola ko. Pinatay niya ang lola ko at simula nun lagi na niya akong sinusundan saan man ako magpunta." sabi niya.

"Bakit?"

"May nais siyang ipagawa sa akin na hindi ko alam. Umalis na tayo at gusto ko nang magpahinga." sinuot ko ang seatbelt bago inistart ulit ang kotse at hinatid ko na siya pauwi.

Pagdating sa parking ng condo niya ay sinilip ko siya at tulog na. Tinanggal ko ang seatbelt ko at tinitigan ang maamo niyang mukha. Hinawakan ko ang kanyang pisngi at hinalikan siya sa noo.

Binuhat ko siya at dinala hanggang sa loob ng condo niya.

Chasing Love (CA Spin-off)Where stories live. Discover now