Chapter 17 The Most Powerful Creature

13 3 0
                                    

Casssius' POV

Nakatayo na kaming lima sa hangganan papasok ng Alvantin. Nakatingala sa bilog na buwan at rinig namin mula sa aming kinatatayuan ang ingay na nagmumula sa loob ng bayan na parang nagkakaroon ng kasiyahan.

"Err, what are we still doing here? Waiting for the anouncement of our arrival?" masamang tingin ang pinukol namin kay Tres na nagsalita. Nahahawa na siya kay Benj.

"Shut up, I think something is not right." sabi ni Matt na sinangayunan namin.

"Never nagcelebrate o nagkaroon ng kahit na anong kasiyahan ang Alvantin. Maliban na lang kung-" napahinto ako sa pagsasalita at nilingon si Gio.

"They're waiting for someone special to arrive." tinuloy ni Gio ang sasabihin ko.

"Alam ba nila ang pagdating natin?" nilingon namin si Cassy na nagsalita.

"Last time na nagpunta tayo dito ay alam nilang darating tayo. Pero ngayon sigurado akong hindi nila alam kaya imposibleng tayo ang inaasahan nila." sabi ko kaya lahat kami ay napaisip. Ilang minuto lang kaming nagtagal bago nagdesisyong pumasok na sa loob ng bayan.

Higit na nakapagtataka ang biglaang paghihigpit nila sa seguridad. Hiningan nila kami ng kung anong pagkakakilanlan bago papasukin. I think Gio's right, someone will come but the question is who?

Natigil ang pagiisip ko nang may lumapit sa aming lalaki. Siya rin ang sumalubong sa amin nang magpunta kami dito.

"Ano na naman ang ginagawa niyo dito? Binigay na ni Caleb ang punyal kaya wala na kaming naisip na dahilan nang pagparito ng mga bampira." maangas na sabi niya at nakita ko pa ang pagirap ng kapatid ko.

"Excuse me, Mr. Bouncer. We're not here for you and your monologue. We're here to talk with Caleb and Cristoff, not you." mataray na sabi ni Cassy kaya napailing na lang ako.

Dati niya itong nakaharap ay hindi siya makapalag o ni hindi man lang niya tiningnan itong lalaki pero ngayon malakas ang loob niya na sagutin dahil may laban na siya. Isa na siyang bampira.

"Matapang ka na ngayon, half blooded vampire. Mukhang sinwerte ka at nagkamali si bossing sa premonition niya." binalingan ng lalaki si Cassy kaya sabay kami ni Gio na humarang sa harap niya.

"Ang mag-amang Caleb at Cristoff ang sadya namin kaya iharap mo siya sa amin. Nais lang namin sila makausap." seryosong sabi ko.

"Busy sila bossing dahil sa kasiyahan pero maaari niyo silang hintayin sa opisina ni Caleb." pinatuloy niya kami sa opisina ni Caleb.

Ordinaryo lang at hindi gaanong kalaki ang opisina but I know it shouts power. Hindi mo nanaisin pang gumawa ng mali dahil tiyak akong malalaman niya agad. Napakalinis at wala kang makikitang kahit konting alikabok. Umalis ang lalaki at sinabing tatawagin niya ang mag-ama.

"Sino kaya ang nagsabing huwag paganahin ang init ng ulo para maayos natin silang makausap at mabilis na matapos?" nilingon ko si Gio na minomock ang asawa. Natawa si Matt at Tres at ako ay nailing lang. Inirapan siya ni Cassy at naupo sa mahabang sofa.

"Five years ago pa ako nabwisit sa kanya. Ang angas at yabang niya, akala mo naman malakas. Baka isang pitik mo lang dun tulog na siya." sabi pa ni Cassy habang nakanguso. Naiiling na tinabihan ni Gio ang asawa.

"Anong kailangan niyo sa amin?" agad naming nilingon ang mag-ama na nagmamadaling pumasok ng opisina.

Nagtataka ako sa kilos nila, sinubukan kong ipagkumpara ang trato nila sa amin nang pumunta kami dito five years ago at ngayon. They are now approachable than before. Maybe because we won the war? They said na hinangad nila ang aming tagumpay.

"Tapos na ang war kaya ano pa ang dahilan ng pagparito niyo? Ngayon ko lang natanggap ang mensahe ni Zach na pupunta kayo dito." sabi ni Cristoff at nilapag ang hawak na papel.

"We need to see the most powerful creature here in Vampire World." mabilis at walang ligoy kong sabi kaya gulat na tumingin sa akin ang mga kasama ko.

Maybe akala nila ay magpaligoy pa ako dahil maselang usapin pagdating sa makapangyarihang nilalang. Wala pa ni isa ang nakakita o nakausap sa kanaya maliban sa kanyang anak na si Cristoff. Pero wala na kaming oras, kailangan nang gumaling ni Belle.

Seryoso at walang emosyon lang na tumingin ang mag-ama sa akin. Hindi sila nagulat sa sinabi ko at nakita ko pa ang pagpalit ng kulay ng mata nila mula sa itim ay naging violet ito.

"Anong dahilan?" malamig na tanong ni Caleb.

"Hindi pa tapos ang lahat, may kalaban pa na nais guluhin ang katahimikan ng lahat. May grupo ng itim na bampira ang pinadala ang dating Emperor sa mundo ng mga tao kaya-" hindi natapos ang sasabihin ni Gio nang magsalita si Cristoff.

"Ang katahimikan ng lahat o ang katahimikan niyo lang? Para ito sa babaeng mate ni Cassius hindi ba?" nagulat kami sa sinabi ni Cristoff. So he knew.

"And now you're telling us na kaya niyo gusto makita ang ancestor namin  para malaman kung sino at saan ang kalaban?" dugtong pa ni Caleb sa sinabi ng ama.

"Hindi lang ito laban namin. Caleb, they're here to take revenge dahil sa nangyari sa Emperor-" napahinto ako nang muling magsalita si Cristoff.

"Hindi niyo siya kaya. Hindi niyo kilala ang kinakalaban niyo. Tanggapin mo na lang na mamamatay na ang babaeng mahal mo." agad na nagkulay pula ng mata ko at kumuyom ang kamao. Kahit anong oras ay malapit na akong sugurin siya pero pinigilan ako ni Cassy.

"That's why we're here." mahinahon sabi ni Cassy. "We want to know who he is or she. At hindi rin namin tatanggapin ang kamatayan niya. Ilalaban namin siya kaya hindi kami papayag na tanggaping lilisanin niya ang mundo matapos ng ilang taon siyang hindi nakapiling ng kapatid ko. Sino man siya ay lalaban kami kahit buhay namin ang kapalit at kahit gaano man siya kalakas?" natulala ako sa sinabi ni Cassy.

I don't know what to say, masyado akong naoverwhelmed sa sinabi niya. Simula nang malaman niyang magkapatid kami ay never siyang naging vocal tungkol sa tingin niya sa akin. Pero ramdam ko ang pagmamahal at pagtanggap mula sa kanya. Kaya ang marinig ang ganitong salita mula sa kanya ay nakakataba ng puso. She's willing to do anything for me dahil alam niyang hindi ko kakayanin kapag nawala si Belle sa akin ulit.

"Cassy..." mahinang tawag ko sa pangalan niya pero ni hindi siya lumingon sa akin. Nanatili ang tingin niya sa mag-ama.

Nagulat kami nang ngumiti ang mag-ama na nasa harapan namin hanggang sa humalakhak sila. Ilang minuto lang silang tumatawa habang nagtatakang nakatingin lang kaming lima sa kanila.

"Half blooded vampire, you don't know what you're saying. Nakaharap niyo na ba siya? Hindi niyo alam ang kakayahan niya, hindi niyo siya kilala." seryosong sabi ni Caleb.

"Kung ganon kilala niyo ang itim na bampirang aming tinutukoy." sabi ni Matt pero nagkibit balikat sila.

"Kilalang kilala.." we stunned by that deep voice.

Lahat kami ay napatayo ng tuwid dahil sa malalim at nakakatakot na boses na kahit sino ay makakaramdam ng takot. Halos manlambot ang tuhod ko at alam kong maging ang mga kasama ko ay ganun din ang nararamdaman na kahit ang Dark Knight na walaqng kinakatakutan ay biglang nangatog ang tuhod dahil lamang sa presensya ng lalaking boses na aming narinig.

Yumuko at lumuhod ang mag-ama sa nilalang na nasa aming likuran. Hindi pa kami lumilingon ay alam na namin kung sino siya. Presensya pa lamang niya ay humihiyaw na ng matinding kapangyarihan na nais ng maraming bampira. Dahan-dahan kaming lumingon ngunit anino pa lamang ang aming nakita pero halos mapaupo na kami.

Unti-unting naglakad palabas mula sa kung saan ang anino at hindi namin inaasahan ang aming nakita.

"Tito Ismael??" sabay naming sabi ni Gio at nagkatinginan pa. Anong ginagawa ng ama ni Isabella dito?

Chasing Love (CA Spin-off)Where stories live. Discover now