Chapter 2 Friendship

15 3 0
                                    

Cassius's POV

"Felik, anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kapatid ko nang maabutan siya sa kusina namin na kausap si Mama. Madaling araw pa lang pero nandito na soya dahil malamang bawal siyang abutin ng liwanag.

"Kinakamusta ka lang nila Mama. Mukhang maayos na ang lagay mo dito kaya alam kong mapapanatag na sila." umalis si Mama para makapag-usap daw kami.

"Sabihin mo sa kanila na huwag na silang mag-alala." sabi ko at kumuha ng juice na nasa ref. Binigyan na rin siya ni Mama ng juice at cookies.

"Alam naman nilang maayos ka lang dito dahil kasama mo na ang tunay mong ina. Pero hindi mo maiiwasan na mamiss ka nila." paliwanag pa niya kaya huminga ako ng malalim.

"Felik, I appreciate their concern and I'm thankful for that." sabi ko at naupo kaharap niya sa may lamesa.

"So, masaya ka naman ba?" kumunot ang noo ko.

"What kind of question is that? Of course I'm happy because I'm with my mother." sabi ko pero umiling siya.

"Hindi iyan ang tinutukoy ko. Lahat sa Crimson Academy ay alam kung ano ang ginagawa mo. May nakita kang kamukha ni Isabella diba?" huminga ako ng malalim at uminom ng juice.

"Yeah, so what? I'll do whatever I want." malamig kong sabi.

"Sabi ni Cassy, nagchange ka na at masiyahin ka na raw simula ng makilala mo ang babaeng kamukha ni Isabella. Pero sa tuwing ganyan ka ulit naalala ko na naman si kuya kong malungkutin at masungit noon." sabi niya pa.

"I'm trying to be different person here. I'm happy because I need to, ayoko nang may mag-alala pa para sa akin." malamig kong sabi.

"Pero ang nga ba ang nararamdaman mo, kuya?" I stiffened by his question. What do I really feel?

"I don't know. Hindi ko talaga alam." napapabuntong hininga kong sabi. Naramdaman kong hinawakan niya ang balikat ko.

"No one can stop you from what you are doing but make sure na hindi ka masasaktan o makakasakit. She's not Isabella, she's different girl." huling sinabi niya at nagpaalam na siya paalis.

Bago pa nga siya tuluyang makaalis, may binulong pa siya sa akin. "Be happy"

******

Dahil maaga pa para pumasok sa opisina ay nagbihis muna ako para magjogging. Paglabas ko ng bahay ay huminga muna ako ng malalim at inalala na limang taon na rin pala nang makarating ako dito.

Years ago...

"Cassius..." nagtatakang tiningnan ko sila Mama at Papa.

"Nilusob ng Emperor ang Crimson Academy." nabitawan ko ang paintbrush na hawak ko.

Tiningnan ko ang painting na tinatapos ko. Family portrait namin kahit na hindi ko naman talaga nakita nang mukha ng kapatid at mga tunay kong mga magulang.

"Kamusta po sila?" tanong ko kay Papa Leo. Umupo sila sa harap ko at malungkot na ngumiti.

"Nakatanggap kami ng sulat at sinasabing walang nakakaalam kung nasaan sila. Bigla daw sila naglaho matapos humupa ang labanan." kumuyom ang kamao ko at tumulo ang aking mga luha.

"Sa susunod na linggo ay matatapos na ang renovation ng Crimson Academy. At ipinadala nila ito." tinanggap ko ang binigay ni Papa sa akin.

"Papasok ako sa CA?" tumango sila. "Pero bakit? Bakit ngayon pa kung kailan wala na ang tunay kong pamilya sa Zagan?" naguguluhan ako sa gusto nilang mangyari.

"Sabi ng Alpha dapat matupad ang isa sa mga propesiya." kumunot ang noo ko.

"May iba pang propesiya?" tumango lang sila.

Nakatulala ako sa harap ng Crimson Academy kung saan nanirahan ang pamilya ko. Nang una kong malaman na ampon ako ay sumama ang loob ko.  Hindi ko maintindihan, bakit kailangan akong ipamigay? Pero nang malaman ko ang tungkol sa propesiya ay nalinawan na ako.

"Welcome to Crimson Academy." bati ni Headmistress Helana nang makapasok ako sa opisina niya.

Ipinakilala niya ako sa mga bago kong roommates. Nakatayo sa harap ko ang dalawang lalaki, ang isa ay bagot na nakatingin sa akin samantalang ang isa ay malapad ang ngiti.

"Hi, Vincent Dashkov at your service." yumuko pa ang lalaking nakangiti matapos niyang magpakilala. Nakita ko pang siniko niya ang katabi.

"Giovanni Crimson." hinintay kong may idudugtong pa siya pero hindi na siya nagsalita pa.

Sa apelyido niya pa lang alam ko nang isa siyang Crimson, siya ang pangalawang anak ni Tito Zach.

"Hi, ako nga pala si Cassius Bloodrose." tinaas ko ang kamay ko kaya malugod itong tinanggap ni Vincent. Tiningnan lang ni Giovanni ang kamay ko at naglakad na palabas ng kwarto.

"Pagpasensyahan mo na si Gio, masama lang ang araw pero mabait yun kaya simula ngayon ay magkakaibigan na tayo." inakbayan niya ako bago kami sabay na naglakad palabas para samahan daw silang kumain.

Napangiti ako sa alaalang iyon at napatingala.

"Vincent, guide me at sabihin mo naman kung siya nga ba si Isabella o hindi." bulong ko sa hangin.

Nagsimula na akong tumakbo at hindi ko alam kung bakit sa pagtakbo ko ay nakarating ako malapit sa building ng condo ni Belle. Napahinto ako sa park nang makita ko siya na nakaupo at may tinitingnan. Tiningnan ko iyon pero bigla na lang siyang nawala.

Nakangiti akong tumakbo palapit sa kanya nang humarap siya sa akin.

"Good morning, baka pwede mo na ako samahan sa breakfast?" nakangiti kong tanong, hindi siya sumagot pero tumayo siya at naglakad na kaya ngiting tagumpay akong sumunod sa kanya.

"Libre mo.." tumango lang ako habang nakangiti, nakita ko pa ang pagngiwi niya.

Dumiretso kami sa isang fastfood chain na malapit at umorder ng breakfast meal.

"I know you're happy but can you stop smiling? Mukha kang tanga." natawa ako sa sinabi niya at nagsimula nang kumain.

"Masaya lang ako dahil pumayag kang kumain kasama ko." nakangiti ko pang sabi, hindi na siya sumagot at kumain na lang.

Matapos naming kumain ay hinatid ko na siya sa building niya bago ako umuwi para magbihis na.

Nakangiti lang ako habang patuloy na naliligo. Nang matapos ako ay may nakahanda nang damit ko sa kama. Pumasok si Mama dala ang polo ko na plinantsa niya.

"May hearing ka diba? Kailangan mong maging presentable sa korte. Ikaw na ang pinakagwapong abogado." napangiti na lang ako at pinagpatuloy ang pagbibihis.

"Salamat, Ma." niyakap ko siya nang paalis na ako ng bahay.

"Ikaw na bata ka, alam kong masaya ka kaya sana talagang maging masaya ka na." napahinto ako sa sinabi niya.

"Po?" nagtataka kong tanong, ngumiti siya.

"Hindi mo man sabihin, alam kong masya ka dahil sa kanya pero sana tingnan mo siya bilang siya hindi ibang nilalang." huling sabi niya bago ako tuluyang umalis.

Chasing Love (CA Spin-off)Where stories live. Discover now