Chapter 9 Flashback Memories

14 3 0
                                    

Belle's POV

"Vincent, bitawan mo na ang tali ko." sabi ko nang buksan ko ang mind link namin ni Vincent.

"Hindi ko gagawin iyan. Papatayin nila ako." sagot niya pabalik. Alam kong gusto lang niya pagaanin ang sitwasyon kahit na nahihirapan na siya. Mainit din ang tali na hawak niya kaya alam kong hirap siya.

"Vincent-" hindi ko na natapos ang sasabihin nang magsalita siya,  kumunot ang noo niya habang nakatingin sa akin.

"Kahit anong sabihin mo, wala akong pipiliin. Lahat tayo makakaligtas dito." madiing sabi niya.

"Kapag hindi ka pumili sa dalawang tali, malalagay sa panganib si Trix at Lev. Nakikiusap ako Vincent."

"No..." matigas niyang sabi pero kinuha ko ang punyal na nasa bulsa ko at bago putulin ang tali ay tumingin ako kay Cassius na nawawalan na ng malay.

"Mahal kita, Cassius." huling sabi ko at pinutol na ang tali kaya bumulusok ako pababa.

Hawak ang sugatan kong tagiliran na umaagos ang dugo ay nakangiti kong tiningnan si Cassius na wala nang malay at si Gio.

Nagising na ako pero nanatili lang akong tulala sa kisame ng kwarto ko habang nakatulala. What's that dream? Matagal ko na siyang napapanaginipan pero ngayon lang naging malinaw ang lahat. Ako ang babaeng nahuhulog sa bangin at ang dalawang lalaki... Nanlaki ang mata ko nang makilala ko ang dalawang lalaki. Tinawag nila akong Isabella. Ako nga ba si Isabella o isa na naman sa panlilinlang ng lalaking nakaitim?

"Sinabi ko na noon sa'yo, susundin mo ang lahat ng iuutos ko sa'yo." napalingon ako sa may bintana at nakita siyang nakatayo dito. Kahit nahihirapan ay bumangon ako at hinarap siya.

"Ano na naman ang kailangan mo?" walang gana kong tanong, sinubukan ko siyang alalahanin kung nakilala ko na ba siya pero hindi ko siya matandaan.

"Patayin mo si Cassius Lioncourt." nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"Anong sinabi mo?" gulat kong tanong.

"Narinig mo ako, Belinda. Patayin mo siya o hindi mo na malalaman pa ang katotohanan sa pagkatao mo." kumuyom ang kamao ko.

"Iyo na lang ang nalalaman mo, hindi na iyan mahalaga sa akin." malamig kong sabi at bumalik ako sa pagkakahiga.

"Hindi na mahalaga sa'yo? Dahil ba mas mahalaga na siya kaysa sa pagkatao mo?" alam kong sinusubukan niyang pasukin ang isip ko pero sinarado ko ito.

"Oo." malamig kong sagot pero nagulat ako nang mabilis siyang nakalapit sa akin at sinakal ako.

Nahihirapan na akong huminga pero nanatili akong kalmado.

"May mga alaalang nagbalik sa'yo." hindi patanong kundi sigurado siya na nakakaalala na ako.

"Ano pa bang gagamitin mo para mapasunod mo ako? Papatayin mo ako? Gawin mo dahil hindi na ako natatakot. Minsan ko nang natakasan ang kamatayan dahil sa inyo pero hindi ko iyon ipagpapasalamat. Binuhay niyo lang naman ako para pahirapan at gamitin kaya sana hinayaan niyo na lang ako mamamatay. Pinatay niyo rin ang tumulong at nagpakita ng pagmamahal sa akin." nakapikit kong sabi pero napadilat ako nang marinig ko siyang tumawa.

"Sinong nagmahal? Si Segovia? Isa siyang traydor, dinala ka namin sa kanya pero pinili niya kaming talikuran para sa'yo."

"Dahil hindi niya masikmura ang kademonyohan niyo!" sigaw ko sa kanya at maya maya lang ay bigla siyang naglaho. Sakto naman na pagbukas ng pinto ng kwarto.

"Belle!" nagulat ako nang humahangos na pumasok si Cassius.

Walang salita akong tumakbo palapit sa kanya at yumakap. Mahigpit na yakap ang binigay ko habang nanginginig sa takot. Takot hindi para sa akin kundi para sa kanya. Sino man sila tiyak akong gusto nilang patayin si Cassius, lalo kong sinubsob ang ulo sa dibdib niya. Naramdaman kong hinawakan niya ang likod ko na parang pinapakalma ako.

"Sinong kausap mo?" tanong niya, nagtaka ako. Alam ko ng bampira siya at ganun din ako, may lahing bampira pero hindi niya ba naramdaman na may kasama ko kanina pa? O may ginawa amg lalaking nakamaskara?

"Hindi ko alam, lagi na lang niya akong tinatakot." niyakap na niya ako pabalik nang mahigpit.

"Huwag ka nang matakot, nandito na ako." bulong niya. "Hindi na kita iiwan."

******

Matapos kong kumalma ay sabay na kaming naglakad palabas ng kwarto. Naiilang ako kapag tumitingin sa kanya.

"Kumain ka na, nagluto ako." sabi niya nang makarating kami sa dinning. Sumubo ako ng pagkain pero napatigil din nang sumakit ang ulo ko.

"Belle?" tanong niya pero patuloy kong naririnig ang boses niya sa isip ko.

"Isabella!"

"Isabella, mahal kita. Handa akong gawin ang lahat makita mo lang ang pagmamahal ko."

"Mula nang malaman kong ampon ako ay ikaw na lang ang magandang nangyari sa buhay ko."

"Handa akong talikuran ang mission ko, makasama ka lang."

"Handa akong pakasalan ko at makasama ka habang buhay."

"Please, love me. Please I can't bear losing you."

Nang nawala ang mga boses sa isip ko ay napatitig ako sa kanya. Nagaalalang nakatingin siya sa akin.

"Belle, ayos ka lang? May masakit ba?" tanong niya pero hindi ako sumagot, mabilis ko na lang siyang hinalikan sa labi.

"Please, stay with me." bulong ko, tumango siya at niyakap ako at binuhat.

Hindi ko na alam ang sunod na nangyari, basta ko na lang naramdamang binuhat niya ako. Pumaspk siya sa kwarto at sinandala ng likod ko sa pinto ng kwarto habang buhat niya ako ako paharap sa kanya.

Isang mapusok na halik ang gibawad niya sa akin kaya gumanti din ako ng halik. Habang nageespadahan ang aming mga labi ay karamdaman ko ang malambot kong kama sa aking likuran. Nakaramdam ako ng malamig na hangin na dumapo sa balat ko nang matagumpay niya akong hubaran.

Umibabaw siya sa akin at hahalik na sana ng pigilan ko siya.

"What?" iritadong sabi niya kaya lihim akong napangiti, mahirap pa lang bitinin ang lalaking ito?

"May tanong muna ako at depende sa sagot kung itutuloy ba natin o hindi." sabi ko kaya umayos siya ng upo sa tabi ko, hindi ko napansin na nasira ko pala ang mga butones ng polo niya kaya nakatopless na siya.

"Sige, ano iyon?" tumikhim muna ako bago magsalita. Kinakabahan ako sa sagot niya dahil alam kong maaaring ikadurog ito ng puso ko.

"Hindi ako si Isabella." huminga muna ako ng malalim, hindi siya nagsalita at naghintay ng susunod kong sasabihin. "Sino ang mahal mo? Si Isabella o si Belinda?" seryoso kong tanong.

Hindi agad siya sumagot at tumitig na lang sa akin. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya, kinakabahan na tuloy ako sa isasagot niya.

"Wala na akong pakialam kung ikaw si Isabella o si Belinda. Ang alam ko lang nahihirapan ang puso ko kapag nakikita kitang umiiiyak. Sumasakit ang dibdib ko kapag paulit-ulit mo akong tinataboy. Sumisigaw sa galak kapag nginingitian mo ako. Mahal kita kung sino ka man. Ikaw ay ikaw lang ang mahal ko. Isabella man o Belinda."

Chasing Love (CA Spin-off)Where stories live. Discover now