Chapter 20 Final Battle

16 4 0
                                    

Cassy's POV

Lahat kami ay tulala matapos lumabas ni kuya ng opisina ni Gio. Kahit sinundan ni Gio si kuya ay hindi niya ito napigilang hanapin si Isabella.

"Let him be. Alam niyo ang power ng mate link." sabi ni headmistress Elle sa amin pero umiling lang si Gio at dismayadong umupo sa upuan katabi ko. Hinawakan ko ang kamay niya para kumalma siya.

Alam ko ang nararamdaman niya at ganun din kaming lahat pero wala kaming magawa. Nag-aalala kami kay kuya ngunit mas nag-aalala kami kay Isabella, hindi namin alam kung gaano na siya nahihirapan.

Nag-angat ako ng tingin kay Lady Feronia nang lumapit siya sa akin at tumayo sa harapan ko. Bumuntong hininga siya bago tipid na ngumiti pero alam kong may halo itong lungkot.

"Hindi ko alam kung bakit ganito pa rin ang nararanasan ng angkan niyo. Napakabuting asawa, ama at bampira ang inyong ama pero patuloy kayong nahihirapan. Dapat tumigil na ang paghihirap ng inyong pamilya pero sabi nga nila kapag pinili mo ang masama ay may matinding parusa ngunit kung mabuti ang iyong pinili ay patuloy kayong susubukin." kumunot ang noo ko sa sinabi ng biyenan ko. Noong una hindi ko siya maintindihan pero nang marealize ko ang gusto niyang sabihin ay napaiwas ako ng tingin.

"Ma, stop it. Walang kinalaman ang pamilyang pinanggalingan nila sa nangyayari. Maaring dahil ito sa katatapos na digmaan pero hindi nahihirapan si Cassius dahil sa dugo nilang Crinamorte." hinawakan ni Gio ang kamay ko matapos niyang magbitaw ng salita. Alam kong may punto ang nanay niya pero ayaw niya lang sabihin dahil alam niyang maaapektuhan ako.

"Anak, alam mong posible ang sinasabi ko. Ito ang nasa propesiya, siya ang tinakda at ang pumatay sa Emperor na mismo nilang tiyuhin. Ang propesiya ay makakaranas siya ng paghihinagpis bago siya maging masaya." sinusubukang ipaliwanag ni Mama Feronia ang sitwasyon pero naiintindihan ko naman.

"Naiintindihan ko po pero kung ayaw ng kapatid ko na makialam tayo ngayon, hayaan natin siya. Ibigay na lang po natin ang tiwala sa kanya. Naniniwala akong kakayanin niya ang lahat at makakamit niya ang kaligayahan." buong puso kong sabi kaya tumango sila at ngumiti.

"May natanggap akong signal." lumingon kami kay Gio na tumayo.

******

Isabella's POV

Nanghihina na ako at di ko na maramdaman ang katawan ko. Anumang oras ay alam kong ikamamatay ko pero pilit akong lumalaban para sa anak namin. Siya na lang kung sakali ang iiwan kong regalo kay Cassius upang kayanin niya kapag nilisan ko na ang mundo.

Nanatili akong nakatitig sa maamo at gwapo niyang mukha na seryosong nakatingin sa bagong dating na lalaki. Hindi ako papayag na saktan niya ang lalaking mahal ko.

"Buhay ka?" di makapaniwalang tanong ni Cassius sa lalaking nakamaskara na ngayon ay binulgar na ang mukha sa amin.

"Kung sino man ang nasa isip mo ay nagkakamali ka." malakas siyang tumawa na lumukob sa buong lugar. Nararamdaman kong nasa paligid lang ang mga alagad niya at naghihintay ng hudyat niya bago umatake.

Nakita ko ang pagtataka sa mukha ni Cassius. Gusto ko laging nakikita kung paano magpalit ang ekspresyon niya. He's transparent kaya madali lang mabasa ang nasa isip niya kahit pa hindi gamitin ang vampire power na nakakabasa ng isip. Sabi sa akin ni tita Anna nung birthday niya na pareho lang daw sila ni Cassy na transparent sa iniisip. Kabaligtaran daw namin ni Gio na asawa ni Cassy at dati kong bestfriend. Hindi ko nga mapaniwalaan na ang kapatid ni Cassius ang mapapangasawa ni Gio.

"Victor Montes, ang kambal ni Drake na pinatay ng Dark Knight." nagulat kami sa sinabi niya. Kapatid niya ang dating Dark Prince. Naaalala ko na hindi anak ng Emperor si Drake dahil anak ito ng asawa niya sa ibang lalaking bampira.

Chasing Love (CA Spin-off)Where stories live. Discover now