Chapter 6 That Night...

16 4 0
                                    

Cassius's POV

Napatitig ako sa maamo niyang mukha habang natutulog. Di ko maiwasan na makita si Isabella sa kanya. Buong buhay ko, inisip kong isa lang ang tangi kong iibigin at iyon ang aking mate. Si Isabella ang mate ko pero habang tumatagal na kasama ko si Belle may iba na akong nararamdaman. Lagi kong sinasabi sa puso ko na magkaiba sila pero umaasa pa rin akong iisa sila.

Hinawakan ko ang mukha niya ng kumunot ito. Napangiti ako, kahit na nakakunot ang noo ay umaangat pa rin ang ganda niya.

"Ano ba ang panaginip mo? Malungkot ba? Masakit? Kung kaya ko lang kunin ang panaginip mong malungkot ay ginawa ko na." bulong ko sa kanya at hinalikan ang noo niya.

"Kung hindi ikaw si Belle, bakit ako nasasaktan?" hindi ko namalayan na may tumulo na rin palang luha sa mata ko. Pinunasan ko ito bago tumayo at tumalikod para sana lumabas ng guest roon nang hawakan niya ang kamay ko.

Nanatili siyang umiiyak kaya niyakap ko siya nang mahigpit. Naramdaman kong kumalma na siya. Alam kong tulog pa din siya at patuloy na nananaginip pero kung hindi ko mapapasok ang panaginip niya ay kahit simpleng yakap lang upang mapanatag siya.

"Ano bang ginawa mo sa akin? Bakit ako nagkakaganito?" bulong ko sa kanya. Lumayo ako ng kaunti bago siya tinitigan.

Nilapit ko ang mukha ko sa kanya hanggang magkalapit ang aming mga labi. Hinalikan ko siya at nagulat ako ng makita siyang dumilat. Agad akong lumayo pero muli siyang pumikit. Narinig ko na lang ay ang kanyang hilik. Natawa ako bago ayusin ang kumot niya at halikan ang noo niya.

"You're so cute." nakangiti kong sabi bago lumabas ng kwarto.

Nagulat ako nang paglabas ko ay nakita ko si Cassy.

"What?" tanong ko pero seryoso lang niya akong tiningnan.

"Kuya, kamukha niya si Belle at may posibilidad nga na siya si Isabella katulad ng sinabi ni Gio. Pero paano kung hindi talaga siya si Isabella? Paano kung patay na ito at ibang tao pala si Belle? Sino ba talaga ang gusto mo? Baka masaktan ka lang o siya." natahimik ako sa sinabi niya.

"Hindi ko alam, Cassy. Hindi ko talaga alam. Ang alam ko lang ay ayokong nakikita siyang nasasaktan. Ayokong umiiyak siya. Wala na akong pakialam kung siya ba si Isabella o si Belle, basta masaya siya ay masaya na ako." sabi ko at naglakad na pababa ng living room.

"Masyado kayong weak. Ako pa rin ang panalo sa atin." napangiti kaming tatlo sa sinabi ni Isabella.

Nagkatinginan kami bago sabay sabay na tumakbo palapit sa kanya pero napasigaw siya at muling tumakbo. Naghahabulan na kaming apat sa gubat ng Crimson Academy.

"Aahhh..." napahinto kami nang marinig ang sigaw ni Isabella kaya agad kaming tumakbo palapit sa kanya.

"Isabella!!" sigaw namin ng makita siyang hawak ng isang itim na bampira sa leeg.

"Tingnan mo nga naman, ang ganda ng timing namin. Si Crimson, Bloodrose at Dashkov. Kasama ang babaeng ito. Isa siyang Watson, hindi ba? Mula sa Orpheus, kalahating tao at kalahating bampira. Very interesting ang babaeng gustong protektahan ng tatlong malalakas na bampira sa Crimson Academy." nakangising sabi ni Drake.

"Bitiwan niyo siya." malamig na sabi ni Gio.

Kumuyom ang kamao ko at parang gusto ko na siya sugurin pero pinigilan ako ni Vincent. Di namin namalayan na sa sobrang pagaalala kay Isabella ay nakatali na pala kami. Hindi ito ordinaryong tali at nararamdaman ko ang panghihina dahil sa taling ito.

Sigurado akong pinaghandaan niya ang pagpunta dito at ito ang plano nila. Kaya pala sila nanahimik, balak nilang tambangan kami.

"Cassius..." tawag ni Isabella at kumirot ang puso ko nang makitang may tumulong luha mula sa mga mata niya.

"Isabella, trust us. Makakaalis tayo." sabi ko sa mind link namin.

Nanlaki ang mata ko nang bigla siyang saksakin ni Drake gamit ang isang punyal na kulay pilak. Ang kahinaan naming mga bampira. Naramdaman ko na lang na umangat ako sa lupa at nagulat kami na nasa dulo na ng bangin.

"Ngayon, Vincent mamili ka. Ang dalawa mong kaibigan o ang babaeng handang protektahan ng dalawang ito. She is their weakness na maaaring magpabagsak sa inyo." rinig kong sabi ni Drake. Nakita kong hawak ni Vincent ang kabilang dulo ng tali namin at halatang nahihirapan siya.

Katabi ko si Gio na kahit nahihirapan ay malamig pa rin kung tumingin. Nasa iisang tali lang kami at sa isang tali ay ang walang malay na si Isabella.

"Wala akong pipiliin at wala akong ipapahamak." buong tapang na sabi ni Vincent. Oras na makabitaw siya ay tuluyan na naming pagbagsak sa bangin. Nanghihina kami at alam kong hindi namin kakayanin oras na mahulog kami. Alam kong ganun din si Vincent lalo na at may sariwang dugo nang pumatak sa braso niya.

"Vincent, makinig ka sa amin. Iligtas mo si Isabella." sabi ko.

"Vincent, huwag ka nang mahirapan. Bitawan mo na ang tali namin." malamig na sabi ni Gio. Umiling si Vincent.

Nagulat kami nang biglang dinala ng mga tauhan ni Drake si Lev at Trix dito. Kumuyom ang kamao ko. Ganun na ba siya kasama?

"Nais kong pumili ka sa dalawang tali Dashkov o ang dalawang babaeng ito ang papatayin ko?" sabi ni Drake at tinutok ang pilak na punyal kay Trix at Lev.

"Vincent..." pagtawag ni Isabella dito, nilingon siya ni Vincent kaya kumunot ang noo nito. Animo may pinagtatalunan sila sa isip ni Isabella.

"Cassius, mahal na mahal kita..." tulo ang luha ko sa huling sinabi niya at nakita ko pa ang paglabas niya ng punyal sa bulsa bago ako mawalan ng malay. Hindi ko na namalayan ang sumunod na nangyari.

Nagising ako at agad na hinanap si Isabella. Nandito ako ngayon sa infirmary ng school. Nakita ko si Vincent di kalayuan kausap si Headmaster Cole at si Master Zach.

"Vincent..." tawag ko sa kanya kaya agad siyang lumingon at nagaalalang tumingin sa akin.

"Si Isabella?" tanong ko nang makalapit siya sa akin, nanghina ako ng umiling siya at lumuhod sa harap ko.

"Patawarin-" nagulat ako nang di pa siya tapos ay sinuntok siya ni Gio.

Tumba na si Vincent pero di pa siya tinigilan ng suntok ni Gio. Hindi soya titigil kung hindi pa dumating si Simone at Scarlet kasama si Master Zach na inawat siya.

"Vincent, umalis ka na muna." sabi ni Scarlet kaya walang nagawa si Vincent kundi tumayo at lumabas. Bago siya tuñuyang lumabas ay tumingin muna siya sa amin na may nangungusap na mata.

"Babalik ako at sana mapatawad niyo ako. Wala akong pinagsisihan sa nangyari dahil nailigtas ko kayo. Alam kong maiintindihan niya ako." sabi niya sa isip ko.

Hindi ako nakareak at nanatili na lang tulala.

Chasing Love (CA Spin-off)Where stories live. Discover now