Chapter 10 Black Vampires

12 4 0
                                    

Cassius' POV

Nagising ako na wala si Belle sa tabi ko. Tanging kumot lang ang nakabalot sa ibabang parte ng katawan ko. Bumangon ako at nagsuot ng boxer shorts. Hinanap ko si Belle sa buong kwarto pero ni anino niya ay wala. Sinubukan kong hanapin siya sa baba pero wala akong nakita.

Agad kong kinuha ang phone at tinawagan siya pero nakailang ring na ay walang sumasagot. Nakapatay ang phone niya kaya nanghihina akong napaupo sa sofa ng sala. Sinubukan kong tawagan ang secretary niya at nagbakasakaling alam niya kunh nasaan si Belle. Pero maging siya ay hindi ko makontak.

I tried to reach our friends o kahit katrabaho pero wala ni isa sa kanila ang nakakaalam. Sinabunutan ko ang sarili bago tumayo at naglakad pabalik ng kwarto ni Belle. Naligo ako at nagbihis bago dumiretso sa kotse ko.

Nang makauwi ako ay mabilis akong pumasok ng bahay namin at nakita ko si Gio kasama si Chase na nasa sala.

"Bakit nandito ka pa?" tanong ko sa kanya pero nagkibit balikat siya.

"Nakatanggap ako ng tawag kay Matt, sabi niya pupunta sila ni Trix dito dahil may ibabalita raw sila sa akin." sabi niya habang hinahayaan niyang sumipsip sa kanyang dugo ang anak.

"Bakit pa sila pupunta dito kung pauwi na rin kayo?" nagkibit balikat lang siya.

"Mukhang importante at sabi nila dito daw muna kami." humarap siya sa akin. "What's wrong?" tanong niya pero bagsak ang balikat na naupo ako sa sofa.

"Kaninang pagkagising ko, wala si Belle sa tabi ko." kunot noong nilingon niya ako kaya nagtaka ako.

"Nagtabi na kayo matulog?" gulat niyang tanong. Mukhang hindi siya makapaniwala na may progress na kami.

"Parang ayaw mo pang maniwala? Oo, nagtaka nga ako sa kinikilos niya kaninang umaga pero mas hinayaan ko ang nararamdaman ng puso ko. Tinawagan ko siya ng ilang beses pero patay ang cellphone, nagaalala ako." sabi ko sa kanya kasabay ng buntong hininga.

"Lalim nun, kuya." nilingon ko si Cassy kasama si Mama na lumabas galing kusina at may dalang cookies na mukhang sila ang nagbake.

"Huwag mo akong simulan, Cassy." seryosong sabi ko kaya tinaasan niya ako ng kilay at tumabi ng upo sa asawa niya.

"Problema nun?" rinig kong tanong niya sa asawa na parang wala ako. Nakita kong nagkibit balikat ito.

"Pag-ibig." sagot nito sabay baling ulit nito sa anak.

"Ah, kaya..." sinamaan ko ng tingin si Cassy na nagpeace sign lang.

"Anong nangyari?" mahinahong tanong ni Mama nang tumabi siya sa akin.

"Hindi ko alam kung nasaan si Belle." sagot ko na kinatawa ng magaling kong kapatid.

"Possesive lang? Kailangan ba alam mo kung nasaan siya lagi? May trabaho din yung tao." natatawang sabi niya.

"Hindi mo naiintin-" di ko natapos ang sasabihin nang magsalita si Gio.

"Ang problema, na eat and run siya." seryosong sabi ni Gio kaya laglag ang pangang tiningnan ako ni Cassy. Sinamaan ko ng tingin si Gio kahit di siya nakatingin sa akin.

Maya maya lang ay humagalpak na ng tawa ang kapatid ko kaya siya ang sinamaan ko ng tingin.

"Seriously, kuya?" magsasalita pa sana ako ng may mabibilis na galaw ang biglang pumasok sa bahay.

"Matt..." seryosong sabi ni Gio.

"Gio, may masama akong balita." seryosong sabi nila at sabay sila ni Trix naupo sa mahaba naming sofa.

"What is it?" tanong ni Gio sa seryosong tinig at hiniga na ang natutulog na anak sa kandungan niya. Kapag ganito ang mga boses nila, alam ko nang seryoso ito.

"Pinapunta kami ni Master Zach dito para sabihin ang nalaman ni Headmistress Helana at Headmaster Cole." sabi ni Trix.

"Anong nalaman?" tanong ni Cassy. Kanina tumayo si Mama upang kumuha ng dugo ng hayop na iinumin ng dalawang bisitang dumating.

"Bago mangyari ang digmaan limang taon na ang nakakalipas, may pinadala si Drake Crinamorte sa mundo ng mga mortal." paliwanag ni Matt.

"Anong pinadala?" tanong ko.

"Grupo ng kampon ng mga itim na bampira. Hindi pa nila alam kung sino ang namumuno sa grupong iyon pero sigurado silang hindi siya ordinaryong bampira. Galing din siya sa malakas na lahi dahil hindi basta magtitiwala ang dating Emperor kung mahina itong klase." sabi ni Trix kaya lahat kami napaisip.

"Gio, hindi kaya siya ang nararamdaman mong malakas na pwersa ng itim na bampira?" tanong ni Cassy sa asawa.

"Yung bampirang nararamdaman ko kung nasaan si Belle." sabay na tumingin sa akin ang mag-asawa pero napaisip din ako.

Naalala ko sa office ni Belle ay naramdaman ko ang malakas na kapangyarihan ng kasamaan. Kaninang umaga nang ihahatid ko si Belle sa condo niya ay naramdaman ko rin iyon. Ang higit kong ipinagtataka ay kanina sa condo niya. Parang nafreeze ako ng ilang minuto na hindi ko maintindihan. Pagpasok ko sa kwarto ay wala na ito pero ramdam ko ang lakas at bigla na lang ako niyakap ni Belle na naging dahilan kung bakit bigla para siyang nag-iba.

Tiningnan ko si Gio na nakatitig sa akin, alam kong alam niya ang iniisip ko ngayon. Kunot ang noo niya at maya maya lang ay tumango siya sa akin.

"Maaaring tama ka rin, Cassius. May posibilidad na siya si Isabella at ang mga itim na bampirang pinadala ng Emperor dito ang may pakana ng lahat." napakuyom ako ng kamao dahil tama siya at sigurado akong nagbalik na ang alaala niya kaya may nangyari sa amin kanina.

Ang pinagtataka ko ay nasaan siya ngayon?

"Maaaring nasa panganib siya." sagot ni Cassy at alam kong tama siya.

Hindi na kami nag-isip at agad na kaming kumilos upang hanapin si Belle at ang mga itim na bampira. Iniwan namin si Chase sa bahay kasama ni Mama at kampante kaming hindi sasaktan ni Chase si Mama dahil kaiinom lang nito ng paborito niyang dugo, dugo ng tatay niya. Kung sakaling magkaproblema ay nandyan naman si Auntie.

Naghiwa-hiwalay kami upang hanapin si Belle o ang mga itim na bampira. Sigurado kami na kung nasaan si Belle ay nandoon din ang itim na bampira o vice versa.

Chasing Love (CA Spin-off)Where stories live. Discover now