Chapter 3

2.3K 53 4
                                    

He was a bit hesitant to enter but I stood up and motion my hand to ask him to come inside. He smiledㅡshowing his cute little baby teeth.

"Hi, Mama" Itinaas nito ang maliit niyang kamay at ikinaway sa 'kin. Mas lalo tuloy lumiit ang mga mata nito dahil sa pagngiti.

Umalis ako mula sa pagkakatayo malapit sa table at nag-squat saka itinaas ang dalawang kamay ko. I signaled him to come with me.
Mas bumukas ang pinto at tuluyan na siyang pumasok sa loob saka patakbong tumungo sa 'kin. Nag-alala pa ako at baka mapatid ito sa sarili niyang paa kaya sinalubong ko nalang ito ng yakap.

"I miss you, Mama"

"Awww...I miss you too, nak. Who's with you?" Malambing kong tanong sa kanya.

"I'm with Dada" Tinuro nito ang direksiyon kung saan ang pinto.

Napatingin ako roon at nakita ko si Hather na papasok ng pinto bitbit ang backpack ni Zian. Ngumiti siya at itinaas ang isa niyang kamay kung nasaan ang paper bag. He mouthed lunch that made me smile. Pumasok siya ng tuluyan at inilapag sa mesa ko ang paper bag.

"Dada, brought a food for you"

Zianrill used to call Hather Dada although he already know that he is not his real dad. Close ito kay Hather dahil siya lagi ang nakakasama nito kapag nasa trabaho ako.

"Really? How about you? Did you eat your lunch?" Inayos ko ang suot nitong polo shirt.

"Yes po"

Nakangiti ko namang inayos ang buhok niya.

"That's good to hear"

Zianrill is already four years old, he's a smart kid. Ayoko mang aminin pero nakuha nito ang talino niya kay Zero lalong-lalo sa usapang Math na talagang mahina ako. Hindi ko rin maiwasang magtampo minsan dahil kahalusan ng physical features ni Zero nakuha niya mula sa ilong, kilay, labi at hugis ng mukha samantala ang nakuha niya lang sa 'kin ay ang kulay ng mata.

"Ang cute niyong dalawa" Napabaling ako kay Hather ng punain niya kami.

Lumapit ito sa amin.

"Mukha bang kaming aso na mag-ina?" Sarkastikong tanong ko. He let out a soft chuckle and ruffled my hair. "Hey!"

Puna ko at napasimangot. Tumawa lang ulit siya.

"I'm just saying na nakakatuwa kayong pagmasdan"

"Did you hear it, nak? Your Dada said that we're cute together"

"Well, he's not good at lying Mama"

Natawa nalang ako sa sagot nito. Pinisil naman ni Hather ang ilong niya. Binitawan ko naman siya at tumakbo ito papunta sa sofa saka kaagad nilapitan ang mga stuff toys na doraemon. I intended to put some of his favorite stuff toys here in my office para na rin sa tuwing bibisita siya ay may mapagkakaabalahan siya.

"How's work?"

Napabaling akp kay Hather na nakasandal na ngayon sa table ko at nakalagay ang mga kamay sa bulsa ng pantalon niya. Lumapit ako sa kaniya at sumandal rin sa table. I cross my arms across my chest and watch Zian.

"Medyo stress pero nandito na si Zian kaya okay na ako" Sagot ko at napangiti. Matagal itong hindi umimik kaya napatingin ako sa kanya. "Ikaw? Kumusta ang Company? I heard that you have a problem with one of your editors"

Napabuntong hininga ito.

"Yeah. We are still fixing the mess around the team. Pinag-iisipan rin namin kung tatanggalin ba namin siya or we wait for her to file a resignation letter"

"Isn't she the one whom you talked about last time? Sabi mo sa 'kin na isa siya sa pinakamagaling na editor ng kompanya mo. Is it okay to let her leave?"

Hiding The Billionaire's Son (Completed/Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon