Chapter 12

1.2K 30 0
                                    

Third Person's Point of View


Mabilis pa sa alas kuwatrong nagbihis muli si Zerron ng panibagong damit. Hindi ito mapakali habang pinagmamasdan ang sarili niya sa salamin. Makailang ulit itong nagpalit ng damit at titingnan muli ang kabuuan sa salamin. Daig pa nito ang may kakatagpuing kasintahan dahil sa pagkabalisa at pagpapalit-palit ng susuotin. Napaupo ito sa kama at pinagmasdan ang orasan sa relong nasa palapulsuhan niya.

Isang oras pa bago ang pagkikita nila ng anak niya at hindi na ito makapaghintay. Kung pupwede lang na pabilisin niya ang orasan ay ginawa na niya. Tumayo ito at tumingin muli sa relong nasa palapulsuhan niya bago pabalik-balik na naglakad sa loob ng kuwarto niya. Samu't-saring tanong ang pumasok sa isipan niya. Pinasadahan niya ng kamay ang buhok nito saka tiningnan muli ang sarili sa salamin.

"Will my son love this clothes?" He ask himself and fix his collar. Napabuntong hininga ito. "What should I say to him later?" Tanong nitong muli sa kanyang sarili.

"Damn! I don't know what to do" Reklamo nitong muli at lumapit sa bintana upang lumanghap ng sariwang hangin.

Pinasadahan niya ng daliri ang medyo magulo nitong buhok pababa hanggang sa batok nito at hindi niya mapigilang mapangiti. Isang ngiti na umaabot sa kanyang mga mata. Ito ang unang beses na napangiti siya ng malaki. Bukod sa nais nitong makita ang anak niya ay nananabik rin itong makita ang ina mismo ng anak niya sa hindi malamang dahilan.

"Am I crazy. Why would I think of her?" Kausap nito sa sarili at ipiniling na lamang ang kanyang ulo upang mawala ang isiping iyon.

Nakarinig ito ng katok mula sa pinto at kasunod nito ay ang boses na kilala niya.

"Babe? Are you there?"

Nawala ang ngiti sa mukha nito at kaagad tumungo sa pinto upang pagbuksan si Heiress. Kaagad na pumasok si Heiress sa loob at ipinulupot ang kamay sa leeg niya.

"Babe, ilang araw ka ng hindi nagpapakita sa 'kin. I missed you" Bulong nito sa mapang-akit na tinig at masuyong hinalikan ang labi niya. Hinayaan niya lang ito hanggang na siya na mismo ang bumitaw sa halik.

"I'm sorry, I stayed at my office. I'm really busy for the past five days"

He lied. Mas inilapit naman ni Heiress ang sarili niya kay Zerron at kinagat nito ang ibabang labi niya. Zerron knows what she's doing. Napalunok ito. Heiress is hot with what she's wearing. A fitted sleeve less dress. Showing her curves. Masyado rin itong maikli kaya't kitang-kita ang maputi at makinis nitong hita. Hinawakan naman ni Zerron ang kamay ni Heiress at marahang inalis sa leeg niya. Napakunot noo naman si Heiress dahil sa ginawa nito sa kanya.

"Heiress, maybe we should talk later after I came back. May kailangan akong puntahan ngayon" Seryoso nitong sabi saka napatingin sa wrist watch niya.

Inis namang napaupo si Heiress sa kama at napa-cross arms. Nalukot ang mukha nito na kanina lang ay masaya pa.

"Pupuntahan? Is that really important at kaya mong unahin 'yan kaysa sa 'kin na girlfriend mo?" Nagtatampo nitong tanong sa kanya.

Zerron heave a deep sigh. "Nakasalalay dito ang kompanya ko Heiress. Whether I like it or not, kailangan ko paring puntahan iyon" Sagot nito at pinipigilan nitong magtaas ng boses.

He lied again.

Tumayo naman si Heiress at sinalubong ang tingin ni Zerron.

"Is that really about the company or something else?" Nakataas ang kilay nitong tanong. May mapanuring mata ito na nakatitig sa mga mata niya.

"Are we going to argue with this matter? I'm telling the truth. This is urgent, I have to go. Let's talk later" Saad ni Zerron at napatingin sa orasan niya.

Hiding The Billionaire's Son (Completed/Under Editing)Where stories live. Discover now