Chapter 52

784 23 0
                                    

Ephraim's Point of View

Nagpagulong-gulong ako sa damuhan ng barilin ako ng isang tauhan ni Eros. Sumenyas ako sa isang kasama ko na nakakubli sa isang pillar. Kaagad siyang lumabas sa pinagtataguan niya at pinagbabaril ang dalawang tauhan ni Eros.

"Keon! Saan ka na?" Tanong ko sa isang kasama ko.

Siya 'yung sinama ko dito ngayon kasama ang limampung tauhan na natitira sa Headquarters. Ewan ko lang kung kakayanin namin ito dahil lagpas isang daan ang tauhan ni Eros dito na nakapalibot sa Mansion. Tumayo ako at kaagad tumakbo sa pinakamalapit na pillar saka nagtago.

"B*llshit!" Mura ko ng muntik na akong tamaan sa ulo no'ng isa. Pambihira.

[Sir, nasaan ka na?] Tanong rin sa akin ni Keon. Itong isa pa na 'to. Tinanong pa ako eh siya nga ang tinatanong ko!

"Nagtataguan ba tayo, Keon? Ikaw nga ang tinatanong ko!" Sigaw ko saka napamura ulit ng barilin na naman ako. Peste! Kaagad kong pinalitan ng magazine ang machine gun na hawak ko at napa-sign of the cross ako. Sana talaga sumanib sa 'kin si Cardo Dalisay ngayon na. Taena.

Napahugot ako ng malalim na hininga at sumilip. Nakita ko ang sampung tauhan ni Eros na dahan-dahang naglalakad papunta dito sa puwesto ko. Hinanda ko ang sarili ko.

Tumayo ako at lumabas sa pinagtataguan ko saka niratrat sila habang tumatakbo ako papunta sa isang pillar na nasa di-kalayuan sa akin.

"Kainin niyo 'yan mga hampaslupa!" Sigaw ko saka kaagad na nagkubli sa pillar. Tumataas ang BP ko sa mga 'to. Langya! Ayoko pang mamatay. Naghihintay pa sa 'kin si V.

(Hinihintay ka ba?)

Tanging ina! Bakit ba sumasabat pati 'tong konsensiya ko? Pambihira!

Sumilip ako at nakita ko na nakahandusay na silang lahat sa sahig. Buti nga sa inyo! Mga ul*k! Nakarinig na naman ako ng pagsabog. Napatingala ako sa ceiling ng magsimulang maglaglagan ang mga alikabok at maliit na tipak ng semento do'n. T*ngina!

"Keon! Hinay-hinay naman sa pagpapasabog! Kapag gumuho 'tong bulok na Mansion ni Eros pare-pareho tayo ditong ililibing! Isipin mo si Zaera, Gago! Double dead ang aabutin natin kay Zerron!" Sigaw ko sa kaniya. Langya kasi. Isinama ko sa bakbakan ang hacker namin sa Headquarters.

Hindi naman sa wala akong tiwala sa kasama kong 'to pero kasi hindi 'to maalam sa totoong bakbakan. Alagang C.O.D. ang ulok. Sana naman maaply niya dito ang natutunan niya sa larong 'yon. Pambihira.

[Sensiya na, Sir!. Nahugot ko kasi 'yung pin ng bomba kaya tinapon ko na kaagad. Don't worry, Sir. Worth it naman. Nakapatay ako ng lima]

Napapoker face ako sa sagot nito. Tengeneng yewe! Tinext ko si Zerron. Tinanong ko sa kaniya kung saan na ang tulong na sinasabi nito. Pero ang langya! Wala manlang reply.

"Huwag lang kayong magpapapatay! Papatayin ko kayo ulit!" Saad ko at tumakbo kaagad sa mahabang pasilyo.

Saan na ba kasi si Zaera? Kaagad kong binaril ang dalawang tauhan na lumitaw galing sa kung saan. Napabuntong hininga ako. Ang laki naman kasi ng Mansion na 'to. Paano ko siya maliligtas agad? Mukhang paikot-ikot lang ako dito. Nakakabanas.

"Keon, saan na kayo? Nakita mo ba si Zaera? Hindi ko siya dito makita sa lugar ko" Saad ko habang palinga-linga sa buong paligid.

[Sheyyyt! Aray ko! T-Teka lang, Sir!]

Napakunot noo ako ng marinig ang pagdaing niya. "Hoy! Anong nangyari sa 'yo?!" Kinakabahang tanong ko. Sana maman hindi 'to napuruhan. Ano nalang ang gagawin ko kapag ako na lang mag-isa?

[H'wag kang mag-alala, Sir. Ayos lang ako. Napatid lang. Hindi ko dito nakikita si Miss Zaera. Walang laman ang mga kuwarto na dinaanan ko]

Napakamot ako sa ulo ko. "Sige, sabihan mo ako kapag nakita mo na. Pinakita ko na sa 'yo ang litrato niya baka makalimutan mo"

Hiding The Billionaire's Son (Completed/Under Editing)Where stories live. Discover now