SPECIAL CHAPTER

1.3K 39 5
                                    

Zaera's Point of View

Ilang buwan na kaming kasal ni Zerron at masaya naman na minsan nagkakaroon ng tampuhan at awayan. Well, ako naman talaga ang may kasalanan. Mataas kasi 'yung pride ko.

Pero nagkakabati naman kami kapag oras na hindi ko mabuksan ang lalagyan ng pickles at sandwich spread. Syempre, siya lang naman ang tatawagin ko para buksan 'yon.

Pabalik-pabalik ang lakad ko sa loob ng kuwarto ko habang hawak-hawak ko ang dambuhala kong tiyan. Turo sa 'kin ni Mama 'to noon para hindi ako mahirapan manganak. Nang mangalay ang mga paa ko ay umupo ako sa kama saka sunod-sunod na napahinga ng malalim.

Para akong lobo na hinipan. Ang laki ng tiyan ko.
Kinuha ko ang unan ni Zerron at pinanggigilan 'yon. Kinagat-kagat at inamoy-amoy. Umalis kasi siya kaninang umaga kaya wala siya ngayon sa bahay. Saglit lang naman dahil alam niyang hahanapin ko siya.

Ang nakakatawa nga niyan, usually hindi talaga siya nakakaalis ng bahay dahil sa 'kin, madalas akong umiiyak at hinahanap siya kapag umaalis siya na hindi nagpapaalam sa 'kin. Alam kong hirap na hirap siya dahil minsan napupurnada ang mga lakad niya sa trabaho.

Pero wala siyang magawa, manigas siya. Binuntis niya ako eh saka hindi ko naman kasalanan kung siya ang pinaglihian ko. Pinagmasdan ko ulit ang unan na may naka-print na malaking mukha niya. Oo, pinalagyan ko ng mukha niya 'yung unan para kapag nawawala siya ito ang pinanggigigilan ko. Sinuntok-suntok ko ito ng marahan saka niyakap.

"Saan ka na ba kasi? Bakit ang tagal mo?"

Hindi ako mapakali lalo na't kabuwanan ko na ngayon. Kinakabahan ako dahil baka bigla na lang akong mangnak na wala siya. Kahapon ko pa naman nararamdaman na hindi maganda ang pakiramdam ko. Tumayo ako saka lumapit sa may bintana saka hinawi ang kurtina pero kaagad akong natigilan ng kumirot 'yung tiyan ko.

Kumuha ako ng suporta sa bintana saka pinakiramdaman ang sarili ko. Nanlaki ang mga mata ko ng mas tumindi 'yung sakit. Hinawakan ko ang tiyan ko. Manganganak na ba ako?! Jusme! Kaagad akong lumapit sa may table kung saan ang cell phone.

Kinagat ko ang ibabang labi ko ng dumaan na naman ang sakit pero ngayon mas matindi na at para akong papanawan ng ulirat. Hoo! Hoo! Sunod-sunod akong huminga ng malalim. Hindi ito ang unang beses na maranasan ko 'to pero parang ito pa rin ang first time.

Nanlaki ang mata ko ng makita kong may umagos na tubig sa hita ko hanggang sa sahig. Napasigaw ako sa sakit. Nanghihina ang mga tuhod ko. Nabitawan ko ang cell phone dahil sa sobrang sakit.

"A-ATEEEEE! ATEEEE!" Tinawag ko 'yung kasama namin dito sa bahay. Hoo! Hoo! "ATEEEEE!" Mas malakas kong sigaw kasabay ng paghilab muli ng sikmura ko.

"A-Anong nangyari---Diyos ko! Manganganak ka na!" Sigaw niya ng makalapit sa akin at natarantanta. Gusto kong batukan si Ate dahil patalon-talon ito at mukhang hindi alam ang gagawin. Nagawa pa niyang mag tinikling ngayon!

"A-Ate! Tawagin mo 'yung d-driver!" Utos ko sa kaniya kaya natataranta itong tumalima. Mabuti nalang may driver kami dito at mga guards kaya kahit wala si Zerron may mahihingan ako ng tulong.

Ang sakit talaga! Huwag ka munang lalabas, Baby! Sa hospital nalang! Mahinang mga hakbang ang ginawa ko pero hindi ko talaga kaya. Napahawak ako sa may hagdan dahil sa sakit.

"Aaaaaarrggghhh! A-Ang sakit! Hoo! Hoo! Hoo! BAKIT NGAYON KA PA WALA! HUDAAAS KA, ZERRROOON!"

Ephraim's Point of View

"This is the latest report for our next model of StormX. We remodeled it's appearance since nowadays this is the most trendy. Also, we made sure that it's interior is comfortable for the user and safety precautions are also enhanced....."

Hiding The Billionaire's Son (Completed/Under Editing)Where stories live. Discover now