Chapter 24

922 25 2
                                    

Ephraim's Point of View

Nasa loob ako ng saaakyan at hinihintay si Zerron. Nakita ko itong tumatakbo sa frontyard ng bahay. Umakyat ito sa pader at tumalon pababa bago tumakbo sa kinaroroonan ng kotse ko. Mabilis kong binuksan ang passenger seat at pumasok naman siya kaagad.

Kaagad kong pinaandar ang saaakyan para makaalis na kami. Saglit ko siyang tiningnan na nakasandal at hinihilot ang ulo niya.

"Kamusta sila Zaera?"

"They're fine" Matamlay ang pagkakasagot nito.

"Mabuti naman. Anyway, your clothes are at the backseat" Saad ko.

Tumango naman ito saka inabot ang shopping bag sa backseat. Napailing nalang ako dahil sa itsura nito. Puno ng dugo ang damit at may galos pa ang mukha.

"Nakita ka ba nila, Zerron?"

I'm pertaining about Zaera and Zian pati na rin ang mga Saavedra.

"Zaera saw me. Zian is sleeping"

Natawa naman ako.

"I guess you're lucky" Tinapik ko pa ang balikat nito. He just hissed and change his clothes.

"Is Herman awake?" Tanong nito matapos maisuot ang Itim na T-shirt. Tumango naman ako. "Did you get any valuable information?" Umiling naman ako.

Herman gain his consciousness 15 minutes ago and we started the interrogation but unfortunately wala pa rin kaming nakukuhang impormasiyon dahil masyadong matigas ang bungo ng gag*.

"Tss. Let's see" Nakita ko ang pagngisi nito. Napailing nalang ako. Isang malaking good luck na lang para kay Herman mamaya. Wala pa namang tulog 'tong si Zerron.

Bumaling ako sa kaniya saglit.

"Siya nga pala, Zerron. Diba malapit na ang birthday ni Zian?" Tanong ko sa kaniya. Napatigil ito sa pagpunas sa dugo niya sa pisngi.

"Sh*t!" He cursed. "I forgot about it"

"Ganyan talaga Zerron kapag nagkakaedad, makakalimutin" Biro ko. "Mabuti pa ako natatandaan ko kahit hindi ako ang ama" Dagdag ko dahilan para maramdaman ko ang malamig na dulo ng baril sa leeg ko. Napalunok ako.

"Pull over" He coldly said.

"Teka lang naman, insan. Biro lang naman" I awkwardly laugh. Napatingin ako sa kaniya. Sh*t! Seryoso nga talaga siya. Napamura nalang ulit ako sa isipan ko.

"I said pull over, Ephraim"

"O-Oo na nga, teka lang" Itinigil ko ang saaakyan sa tabi.

"Get out"

Nanlalaki ang mga mata kong napatingin sa kaniya. Seryoso lang ang mukha nito.

"T-Teka, bakit ako baba?"

Hindi ito sumagot at sinenyasan lang akong bumaba gamit ang revolver na hawak niya. P*tang*na! Zerron! Pasalamat ka may baril ka! Wala akong choice kung hindi ang bumaba. Kaagad siyang lumipat sa driver seat at isinara ang pinto. Putek! I tried to open the f*cking door but it's lock!

"You've been roasting me for so long, Ephraim. This serves as your punishment" Nakangising saad nito at pinaandar ang makina ng sasakyan.

Napamaang lang ang labi ko ng ipaharurot niya paalis ang sasakyan KO! P*tang*n*! Napahawak nalang ako sa bewang ko at ginulo ang buhok ko dahil sa inis. Napalinga-linga pa ako sa buong paligid at wala yatang dumadaan na kahit anong sasakyan dito. Putek!

I kick the tree near me. Bullsh*t! Ginulo ko ang buhok ko sa inis. That was my f*cking car! Now, I left here out of nowhere! Isinusumpa ko talaga ang pinsan ko na 'yon. Mabilis kong inilabas ang cellphone ko at hinanap ang contact number ni Damian.

Nagsimula akong maglakad-lakad para maghanap ng mas accessible na location para madali niya akong makita. May nakita pa akong dalawang shortcuts na papunta sa kung saan. Tang*n*! Sana naman walang cannibal dito.

[Yow, napatawag ka? Nasundo mo na ba si Boss?]

"Tang*na, ako ang sunduin mo dito" Inis kong saad at napalinga-linga sa buong paligid. Medyo mapuno dito. Tsk.

[Bakit anong ginawa mo kay Bossing?]

Natatawang tanong nito. Kung kaharap ko lang talaga ang hay*p na 'to kanina ko pa nasapak.

"Sunduin mo nalang ako dito! Track my location now" Utos ko sa kaniya.

[Okay. Rescuers are on their way]

Humalakhak ito.

"Rescuers my foot!"

Pinatayan ko ito ng tawag at napabuntong hininga nalang. Ibinalik ko na lang ang cellphone sa bulsa ko at napalinga-linga ulit sa paligid.

Napakunot noo naman ako ng may mapansin akong isang lalaki na nanggaling sa isa sa mga shortcut kung saan may tanim na puno ng mga saging. Pinagmasdan ko itong maigi. Putakte! May buhat-buhat itong palakol sa kaliwang balikat.

T*NGINAAAA! NASA WRONG TURN NGA TALAGA YATA AKO!

_________

"Pre, sabuyan mo ng asin"

"Tang*! Tubig ang isaboy mo!"

Napakamot ako sa pisngi ko dahil sa kaingayan ng nasa paligid ko. Iminulat ko ang mata ko at bumungad sa akin ang mga pangit na mukha nina Doom at Damian. I look around and I saw no one else except to this two assh*les here.

"Anong nangyari?"

I stood up still scratching my face. Dumapo ang kamay ko sa ulo ko ng makaramdam ako ng hilo.

"Kami ang dapat magtanong sa 'yo niyan. Bakit ka nakahilata doon sa gitna ng daan kanina?" Ask Damian.

"Nakahilata? Paano naman nangyari 'yon?" Naguguluhan kong tanong.

Inilabas ni Damian ang cellphone niya at ibinigay sa akin. Tiningnan ko ito at naknang! Ako ba 'to?! Nakabulagta ako sa daan tapos nakatayo naman sa tabi ko 'yung si Manong na may palakol. Tang*na! Parang reporter pa si Damian sa ginagawa niya sa video.

"Ngayon ay nandito tayo at nasasaksihan natin ang isang kagimbal-gimbal na pangyayari. Isang binatilyo ang natagpuan naming walang malay sa gitna ng daan. Nandito si Manong?......." Tumigil ito at nilapitan si Manong na may palakol. "Ano pong pangalan niyo, Manong?" Napakamot ako sa ulo dahil sa kalokohan ni Damian.

Seriously? Para siyang siraulo.

"Fred, iho"

"Ah Uncle Fred. Ano po ang nangyari sa kaniya?"

"Ewan ko sa batang ire. Galing ako sa taniman ng kamote at bitbit ko itong palakol ko ng makita ko siya dito sa highway. Bigla nalang siyang nahimatay"

Narinig ko ang hagikhikan ng mga animal sa video. Napakuyom ang kamao ko.

"Salamat po, Uncle Fred. At iyan po ang nangyari pero hindi pa rin natin alam kung ano ba ang tunay na dahilan ng pagkahimatay niya. Ako po ang inyong taga-ulat. Damian Montenegro ang guwapong hindi bastos pero maginoo"

Doon nagtatapos ang walang kakuwenta-kuwentang video. Ibinalik ko ito sa tukmol na nagpipigil ng tawa.

"Nagawa niyo pa talaga iyon kaysa sa tulungan ako?" Inis kong tanong sa kanila at naupo ako sa couch.

"Natulog ka lang naman hindi ka pa mamamatay" Natatawang utas ng siraulong si Doom.

"Mga gag*!" Tumawa lang ang mga ito. "But seriously, you look like a sh*t, Damian. Hindi sa 'yo bagay ang maging reporter" Dagdag ko.

Binato niya ako ng throw pillow kaya binato ko rin ang tukmol. Tumigil naman kami sa pagbatuhan Saka naupo sa sofa.

"Ano ba talaga ang nangyari sa 'yo, Pre?" Tanong ni Doom.

I won't admit it. Tss. That's gay.

"Wala! Huwag niyo ng itanong!" Napakamot naman silang dalawa sa ulo.

"Nakakahiya ka, Pre. Kasama pa naman namin si Vigénere kanina" Nakangising saad ni Damain dahilan para malaglag ang panga ko.

0__0 Tanging inaaaa!

__________

Hiding The Billionaire's Son (Completed/Under Editing)Where stories live. Discover now