Chapter 47

823 16 0
                                    

Ephraim's Point of View

Ngayon ang alis ni Zaera at ngayon rin ang birthday ni Lolo. Malaki ang paghahandang ginawa ng pamilya namin para sa celebration. The party will be held at one of the Del Fierro's owned Expensive yacths.

Maraming dadalo mamaya. Mga bigating delegado at mga miyembro na kasama sa Top 10 ng Empire. Aside from that there are lots of wealthy people joining the celebration. Napabuntong hininga ako at naglabas ng isang stick ng sigarilyo. Sisindihan ko na dapat ito ng may tumamang dulo ng latigo roon dahilan para maputol ito.

Sh*tty sh*t.
Napkurap-kurap ako at nanlalaki ang mga matang napatingin sa pinanggalingan no'n. Napalunok ako. Tengena. Vigénere was standing behind her big bike and looking at me sharply. Hawak nito ang isang mahabang latigo.

"What the h-h*ck? What did I do?" Kunot-noong tanong ko sa kaniya. Hindi siya nagsalita at umiwas lang ng tingin.

D*mn it. Muntik ng tamaan ang nguso ko kanina. Problema ng babaeng 'to? Kung hindi ko lang 'to mahal. Tsk. Napailing nalang ako at pinagmasdan siyang inaayos ang suot niya.

"V" I called her out. She stop from fixing her fitted leather upper garment and look at me. She raise her eyebrow. "Zip it" I motion my hand to zip her clothes higher.

Masyado kasing nakalabas ang cleavage niya. She look at her clothes and look at me. Naningkit ang mga mata niya. Nanlaki ang mata ko at kaagad na napaiwas sa kanan ng batuhin niya ako ng shuriken. Sh*t! Napalingon ako at nakita kong bumaon ito sa puno ng niyog.

"Pervert" Malamig niyang sabi kaya naibalik ko ang tingin sa kaniya.

Papatayin niya ba ako?! Muntik na akong bumulagta dito kung hindi lang ako maagap.

"Are you planning to k*ll me?"

"Tsk. You're not dumb, Ephraim. You know how to dodge it" Malamig ngunit may halong sarkastiko ang boses nito.

Napakalamig talaga ng pakikitungo niya sa 'kin. Wala naman akong ginagawang masama eh. Tss.

"I-I'm just being concerned here" Rason ko na lang. She just hissed and hop in her big bike and wear her helmet.

T*ng*na! Bakit ba mainitin ang ulo nito sa 'kin? Mali ba ang sinabi ko? Concern lang naman ako eh.
Hindi na lang ako umimik. Napansin kong bumukas na ang gate ng bahay ni Zerron.

Hinawakan ko ang earpiece ko at inayos ito.

"Saan na kayo?" Tanong ko sa earpiece na suot-suot ko. Sumakay ako sa big bike at inayos ko ang suot kong leather gloves saka isinuot ang helmet.

"I was here at one of the buildings rooftop adjacent to the airport" Midnight said on the other line. Nandoon siya sa isa sa mga abandoned building para magbantay.

"Currently at the exit with Rozette" Tamad na sagot naman ni Damian sa kabilang linya. Tss. Itong dalawa pa na 'to parang magnet na may positive at negative charge, laging magkadikit.

"Nasa entrance ako" Sagot naman ni Fuego.

"Okay. Paalis na sila Zero dito" Sagot ko saka ako tumingin kay Vigénere na nakahanda ng umalis.

I started the engine. Tiningnan ko ang sasakyan ni Zerron at nakita kong paalis na ito. Saktong pagkalagpas nito sa puwesto namin ay pinaandar ko na ang big bike ko at sumunod sa sasakyan.

Napatingin ako sa side mirror at nakita kong nakasunod rin si Vigénere sa akin. Isang destination lang naman ang pupuntahan namin, at sa airport iyon. Kailangan naming i-secure ang pag-alis ni Zaera ayon na rin sa utos ni Zerron.

Hindi namin alam kung ano ang plano ni Eros pero nasisiguro naming may ginagawa itong hakbang ngayon. Hindi maiiwasang hindi niya malaman ang mga bagay-bagay dahil laging natutunugan nito ang bawat plano namin.

Hiding The Billionaire's Son (Completed/Under Editing)Where stories live. Discover now