Chapter 58

938 27 0
                                    

Third Person's Point of View

Matapos malaman ng mag-asawa ang tungkol sa balita at ang paglabas ng litrato ni Zaera tangay-tangay ng isang hindi pa nakikilalang lalaki ay kaagad na nilukob ng pag-aalala at takot ang mga ito.

Buong gabi silang hindi makatulog sa sobrang pag-aalala. Kinabukasan ay paulit-ulit nilang tinawagan sina Hather at Lovern para kumuha ng update. Matapos makausap ni Valentine si Lovern ay napabuntong hininga ito.

"M-May balita na ba kay Zaera? Nag-aalalang tanong ni Dionne sa asawang balisa rin habang hawak ang cell phone. "24 hours na ang nakakalipas. Sobra na akong nag-aalala sa anak natin" Dagdag ni Dionne na hindi mapakali.

"Wala pa rin"

Napaupo si Dionne sa sofa at napahawak sa dibdib niya. Napatingin sa kaniya si Valentine at umupo rin sa kaniyang tabi. Hinawakan niya si Dionne salikuran at hinagod ito ng marahan.

"Ano ba itong nangyayari? Masaya ako at hindi kasama ang anak natin sa bumagbag na eroplano pero hindi ko akalain na may dudukot sa kaniya"

"Kumalma ka, mahal. Alam kong mahahanap at mahahanap ang anak natin" Pagpapagaan ni Valentine sa loob ni Dionne. Niyakap niya ang asawa para pakalmahin ito.

"P-Pero paano kung napahamak na ang anak natin, Valentine?" Hindi maiwasang maluha ni Dionne habang nakatingin sa asawa.

"Huwag kang mag-isip ng ganiyan, mahal. Alam kong hini mapapahamak ang anak natin" Seryosong sabi ni Valentine habang pinapatahan ang asawa. Napayakap sa kaniya si Dionne.

"W-Wala ba talagang update sa mga pulis?" Tanong ni Dionne kay Valentine ng humiwalay ito ng yakap sa kaniya.

"Ang sabi ng mga pulis, hindi pa nila matukoy kung sino ang kumuha sa anak natin at hindi nila mahanap ang pinagdalhan kay Zaera pero ginagawa na nila ang lahat upang mahanap siya"

"Diyos ko. Sana mahanap na ang anak natin, Mahal. Sobra na akong nag-aalala para sa kaniya at hindi ko na alam kung ano pa ang sasabihin ko sa apo natin kung bakit hindi pa rin nakakatawag ang Mama niya"

Napabuntong hininga si Valentine. "Huwag ka ng mag-alala masyado, Dionne. Baka mapano ka pa. Manalig nalang tayo na ayos lang siya"

"Tawagan kaya ulit natin si Zerron, mahal? Kausapin natin siya ulit baka nahanap na niya ang anak natin"

Tumingin sa kaniya si Valentine. "Aasa ba talaga tayo sa kaniya na mahahanap niya ang anak natin? Paano kung mas mapahamak ang anak natin, Dionne?" Mariing tanong ni Valentine sa asawa.

"E-Eh sino pa ba ang aasahan natin ngayon? Sila lang ang makakahanap sa anak natin sa madaling paraan, Valentine. Kung aasa lang tayo sa awtoridad, aabutin tayo ng siyam-siyam hindi pa rin natin siya makikita!"

Napasandal si Valentine sa sofa at napabuga ng hangin.

"Dionne, napag-usapan na natin ito. Ayokong magtiwala sa mga Del Fierro at isa pa, hindi nga tayo nakakasiguro kung mapagkakatiwalaan ba talaga natin ang batang iyan eh minsan na niyang niloko ang anak--"

"Mahal naman, matagal na iyon. Kalimutan nalang natin ang nangyari"

"Kalimutan? Bakit ba ang bilis ninyong makalimutan ang ginawa ng lalaking 'yon? Ang bilis mo namang pagkatiwalaan ulit ang mga pamilyang iyon. Baka nakakalimutan mo kung bakit ayaw natin na magkaroon ng koneksiyon ang pamilya natin sa pamilya nila? At kung bakit natin sila pilit ipinaglalayo sa isa't-isa noon"

Natahimik saglit si Dionne dahil sa sinabi ni Valentine. Tumingin siyang muli sa asawa at napabuntong hininga.

"A-Alam ko pero hindi na natin iyon maiiwasan pa, mahal. Nagbunga na ang pagsasama nila at kasalukuyan nating kasama ngayon ang apo natin. Wala na tayong magagawa pa kung hindi tanggapin ang lahat. Sa tingin ko naman hindi niya papabayaan ang anak natin. Nakikita ko naman na mabuti siyang ama at nobyo ng anak natin. Alam kong alam mo 'yon dahil lalaki ka, mahal"

Hiding The Billionaire's Son (Completed/Under Editing)Where stories live. Discover now