Chapter 56

802 20 0
                                    

Zaera's Point of View

Matagal kaming hindi nanag-imikan after that. The atmosphere became heavy.

"Her life ended like that" Mahinang saad ni Zerron saka siya napayuko matapos ng ilang segundo.

Napayuko ako. Hindi ko alam pero nasasaktan ako. Iba talaga ang nagagawa ng galit, inggit, at selos. Minsan, ito 'yung dahilan kung bakit tayo mas bumabagsak or worse, ito 'yung dahilan para mapahamak tayo. Kung hindi lang sila naging sakim sa kapangyarihan, maayos sana ang buhay nila.

Kung naging mabuting babae lang sana si Heiress, hindi sana iyon nangyari sa kaniya. Although I can't blame her for what happened. Nasaktan lang siya. Pero sana hindi na niya iyon ginawa. Mas maraming magandang bagay dito sa mundo na maa may kabuluhan kaysa sa gumawa ng masama.

Umupo siya ng maayos.

"Nakakalungkot" Mahinang saad ko. "Maraming tao ang napahamak dahil sa nangyari. May kailangang mag-sakripisyo ng buhay" Napabuntong hininga ako pagkatapos itong sabihin.

He encircled his arms around my shoulder. "I'm sorry" Biglang sabi niya kaya napatingin ako sa kaniya.

Deretso lang ang tingin niya. "Sorry for what?"

Tumingin siya sa akin saka siya napabuntong hininga.

"Sorry if you met someone like me that k*ll...." Hindi niya matuloy ang sasabihin niya.

I sigh. Ngumiti ako saka ipinulupot ang braso ko sa bewang niya.

"Everything happens for a reason. Maybe, it is our fate to meet each other. Kaya huwag mo ng isipin ang bagay na 'yon. Ang importante, tapos na. Maayos na ang lahat"

Tumingin ako sa kaniya. Tumingin rin siya sa akin saka siya ngumiti.

"I love you" He said and kiss me on my forehead. Ngumiti ako ng malapad.

"I love you too" I said softly. Ngumuso ako. Tiningnan niya lang ang labi ko saka siya napakagat-labi.

"What?"

Sumimangot ako. "Kiss" Tipid kong saad at ngumuso ulit. Hindi ko alam kung bakit bigla ko iyong sinabi.

He chuckled. "Are you really asking for a kiss?" Hindi makapaniwalang tanong niya habang nakangiti. Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko.

"M-May sinabi ba ako?" Agarang bawi ko dahil sa hiya. Umiwas ako ng tingin. Tumawa siya kaya sinapak ko siya sa braso.

Napairap ako. "Tss. Huwag ka ngang tumawa"

He stop from laughing. Hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi at marahan niya akong pinaharap sa kaniya.

Inilapit niya ang mukha sa akin at hinalikan ako ng paulit-ulit sa labi ng ilang beses. Napangiti na lang ako sa ginawa niya.

Bigla namang bumukas ang pinto. "Bossi----"

Napatigil si Zerron sa ginagawa niya at napabitaw sa akin. Sabay kaming napatingin sa may pintuan at naroon nakatayo si Midnight, Fuego at Vigénere.
Napamaang ang labi ko.

Kitang-kita ko ang ngisi sa labi nina Midnight at Fuego. Mabilis kong inabot ang unan sa tabi ko at inilagay sa mukha ko. Rinig ko ang pagtawa nina Midnight at Fuego. Tumikhim naman si Zerron kaya rinig kong tumigil sila sa pagtawa.

"What are you doing here?" Tanong ni Zerron.

Unti-unti akong sumilip sa unan. Nakita kong wala na si Vigénere.
Pumasok naman silang dalawa saka nagkaniya-kaniyang hanap ng mauupuan.

"Nasabi kasi ni V na nandito daw kayo kaya dinalaw namin kayo saka dumaan na rin pala kami kay Ephraim" Sagot ni Midnight.

"We heard what happened to Doom" Sabi naman ni Fuego. Seryoso ang ekspresiyon ng mukha nito. "Anong gagawin natin sa kaniya, Bossing?"

Hiding The Billionaire's Son (Completed/Under Editing)Where stories live. Discover now