Chapter 31

935 26 0
                                    

Zaera's Poin of View

Nahimigan ko ang tunog ng sasakyan kaya tumigil ako sa paglalakad pati na rin si Zian.

"Zaera!"

Nakita ko si Ephraim na lulan ng sasakyan ni Zerron. Huminto ako. Tumigil ito mismo sa tabi namin ni Zian.

"Sumakay na kayo. Ihahatid ko kayo sa ospital"

Kumunot ang aking noo at hinanap si Zerron kung ito ba ay kasama niya pero wala. Hindi siya kasama. Nakakapagtaka naman eh may trabaho 'yon. Anong gagamitin niyang sasakyan?

"Hindi na. Mag-aabang nalang kami ng masasakyan may dadaan naman siguro dito maya-maya"

Ang totoo niyan hindi ko talaga alam kung may dadaan ba talagang sasakyan dito. Nagbabaka-sakali lang naman ako.

"Kahit maghintay ka dito hanggang magdamag wala kang masasakyan. Ihahatid ko na kayo"

Dahil mukha ngang wala talaga kaming masakyan ay sumakay nalang kami sa sasakyan. Habang nasa biyahe kami ay napansin ko na panay ang tingin niya sa kaniyang cellphone.
"May problema ba?"

Kaagad niyang itinago ang kaniyang cellphone at umiling. Tipid itong ngumiti. Hindi na ako nagtanong pa. Naging tahimik ulit ang biyahe namin. Nasa daan lang naman ang paningin ko.

"Zae, hanggang ngayon ba galit ka pa rin kay Zerron?"

Hindi ko inasahan na itatanong niya iyon sa akin ngayon. Galit pa ba ako kay Zerron hanggang ngayon? Umiling naman ako.

"So, you forgave him already?"

Umiling ulit ako bilang sagot. Kumunot ang kaniyang noo hudyat na naguluhan siya sa naging sagot ko.

"You're not mad at him pero hindi mo pa siya napapatawad? Possible ba 'yon?"

Natawa naman ako. "Yup. Possible sa akin 'yon, Ephraim"

"Then you're still mad at him"

"Hindi nga. Basta, hindi ako galit sa kaniya pero hindi ko pa siya napapatawad sa ginawa niya sa 'kin"

"Tss. Ang gulo mo" Natatawa niyang sabi at medyo napailing pa.

Tumahimik ulit kami. Napatingin ako sa labas ng binatana. I'm not mad at Zerron, okay naman ako sa kaniya pero hindi ko pa talaga siya napapatawad. Maski ako naguguluhan rin sa sarili ko. Tss.

"Siya nga pala, bakit nga pala kayo magkasama ni Zerron kanina?"

Saglit niya akong tiningnan bago ibalik ang tingin sa daan. Nakita ko naman na kumunot ang kaniyang noo.

"Ah...ano kasi" Napansin ko na medyo nag-aalalangan ito sa sasabihin niya. "Alam kong alam mo na ang tungkol sa trabaho ni Zerron kaya't hindi na ako magsisinungaling sa 'yo. Nagkita-kita kami sa headquarters kagabi. Hindi na siya nakauwi kaagad dahil natagalan kami kaya't doon na siya nagpalipas ng gabi"

"Kayo ang magkasama kagabi?" Gulat kong tanong sa kaniya. Mas lalong kumunot ang kaniyang noo.

"Bakit? Akala ko ba nagpaalam sa 'yo si Zerron kagabi?"

Kaagad akong umiwas ng tingin. "Akala ko kasi......nevermind" Iwas-tinging saad ko. Nakaramdam ako ng guilt. Akala ko magkasama sila ni Heiress. Akala ko nagsisinungaling lang siya na makikipagkita siya sa mga kaibigan niya.

"Zaera, I know you're still doubting Zerron's gestures but believe me he's doing his best to protect you both.  Sana makita mo iyon. Mahal niya kayong dalawa ni Zian kaya't ginagawa niya ang lahat upang protektahan niya kayo, even saving your friend---sh*t!"

"Ano 'yon, Ephraim? Saving my friend?"

Naging balisa ito. He laugh but it was a fake one. "You heard it wrong, Zae. Huwag mo ng pansinin ang sinabi ko"

Hiding The Billionaire's Son (Completed/Under Editing)Where stories live. Discover now