Chapter 32

1K 23 1
                                    

Zaera's Point of View

Waiting hurts. Forgetting hurts. But not knowing what decision to take can sometimes be the most painful. Whatever choices that I consider this time, it still has consequences.
Before, hindi naman mahirap para sa akin ang mamili sa kanilang dalawa. I would always go for Hather but today, nahihirapan ako.

Kung puwede lang hindi na ako mamili, ginawa ko na, pero hindi puwede kailangan ko pa ring mamili.

For the past weeks, pinatunayan naman ni Zerron ang magandang hangarin niya sa amin. Siguro ay sapat na iyong rason upang suklian ko rin ito ng kabutihan.  I'll set aside everything at ang iisipin ko muna sa ngayon ay ang kaligtasan niya. Iyon naman ang importante.

I heave a deep sigh. Nakokonsensiya talaga ako at nagui-guilty sa ginawa ko sa kaniya. Hindi ko kasi alam kung anong meron sa sarili ko at naiinis ako kapag nakikita ko siya. I questioned everything that he does. I don't have any hatred at him, more on.....annoyance, resentment, sulk?

Hindi ko alam. Ganun lang naman ang nararamdaman ko that time noong umalis siya at akala ko......Okay. This is weird. My thoughts are getting weirder and weirder.

Ipiniling ko ang ulo ko.
Kaya lang siguro laging kinokontra ng isipan ko ang bawat bagay na sinasabi niya sa akin at ang mga bagay na gingawa niya para sa amin ng anak niya dahil takot akong magtiwala sa kaniya. Ganun lang 'yon.

INapatingin ako kay Zerron na hanggang ngayon ay wala paring malay. Although he suffered from Hypovolemic shock, the doctor said that he's stable now.
Mabuti na lang at nadala siya dito kaagad bago pa man mas lumala ang kalagayan niya. Sa ngayon, hinihintay nalang namin siya na magising. Halos apat na oras na ang lumipas matapos namin siyang dalhin dito sa hospital.

Nakaupo ako sa nag-iisang upuan na nasa tabi ng kaniyang hospital bed habang kandong-kandong ko si Zian.

Katulad ng pakiusap ni Ephraim, mas pinili ko munang manatili sa tabi ni Zerron. Mas pinili kong manatili sa kaniyang tabi kahit pa na nag-aalala rin ako kay Lovern pati sa mga magulang niya at syempre kay Hather.

Tinawagan ko na rin naman
si Hather kanina at pinaliwanag ko sa kaniya ang nangyari. Pili lang naman ang sinabi ko, nag-alibi nalang ako na naaksidente si Zerron. Sinabi ko rin sa kaniya na dadaanan ko siya bago ako umuwi sa bahay para kumuha ng ilang mga gamit namin ni Zian. Natuwa naman ako at naintindihan niya iyon kaya't kahit papaano ay nawala ang bigat sa dibdib ko.

"Mama, why is Daddy still sleeping?"

"It's the side effect of his medicine, nak. Maybe later he will wake up" Nakangiting sagot ko at inayos ang kaniyang buhok.

Nahihirapan rin akong ipaliwanag sa anak ko ang totoong nangayari kung bakit nandito si Zerron. I don't want to lie to him. Kailangan rin kasi sa mga anak natin na sinasabi natin ang katotohanan pero dapat iyong maintindihan niya ng maigi. At first, he cried. He keep saying that he don't want to lose his Dad.

Para sa akin bilang isang ina, nasaktan ako ng makita na ganun nalang ang takot ni Zian na mawala si Zerron. Napagtanto ko kung gaano kahalaga at kamahal ni Zian si Zerron. Pinagmasdan ko si Zerron. He's peacefully sleeping. Dumako ang mata ko sa kamay niya. May iilang galos rin pala ang kamay nito. Kumirot naman ang puso ko, ni hindi ko manlang talaga ito napansin.

Itinaas ko ang kamay ko upang hawakan ito pero naiwan rin ito sa ere. Naikuyom ko nalang ang kamay ko, hindi ko na itinuloy ang balak ko at ibinalik nalang ang tingin sa kaniyang mukha.

"Gumising ka na, Zerron. Gusto pa kitang makausap" Mahinang saad ko sapat na upang marinig niya. Marami kaming dapat pag-usapan.

Narinig ko naman ang pagbukas ng pinto kaya't napabing ako roon. Nakita ko si Ephraim na may bitbit na paper bag. Kaagad bumaba sa kandungan ko si Zian at tumakbo papunta sa kaniya. Nakangiti niyang hinawakan sa ulo si Zian.

Hiding The Billionaire's Son (Completed/Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon