Chapter 50

944 25 0
                                    

𝐅𝐥𝐚𝐬𝐡𝐛𝐚𝐜𝐤

Doom's Point of View

Kasalukuyan ako ngayong nasa isang fine dine restaurant. May hinihintay ako. Isang taong espesyal sa puso ko. Ilang sandali lang ay dumating na rin siya kaya kaagad akong napangiti. Tumayo ako at ipinaghila siya ng upuan.

"Pasensiya na, Mhal na-late ako" Hingi nito ng paumanhin.

Kaagad itong humalik sa pisngi ko saktong paglapit niya sa 'kin.

"Ayos lang"

I smiled and ruffled her hair na ikinanguso niya.

"Mhal, naman" Reklamo niya saka naupo. "Pinaghirapan ko kayang ayusin 'to ngayon"

Marahan akong natawa habang nakatingin sa kaniya. She's really cute.

"Talaga? Pinaghirapan mong ayusin? Hindi ka naman nag-aayos ng buhok" Sabi ko habang paupo ako.

Mas lalo siyang napanguso. "Syempre, monthsary natin ngayon kaya nag-effort akong magpaganda naman baka sa sobrang kadugyutan ko ipagpalit mo 'ko" Masungit nitong sabi.

Natawa ako. "Hindi ka dugyot. Mas maganda ka kapag natural ka lang. Iyon naman ang minahal ko sa 'yo, Mhal" Seryosong sabi ko. Nakita kong namula ang pisngi nito. Mas lalo akong napangiti.

"Sus, huwag mo 'kong bolahin"

Ngumiti lang ako sa sinabi niya at kinuha ang kamay niya sa ibabaw ng mesa. Hinawakan ko ito. "Hindi kita binobola, okay?" Seryosong sabi ko habang nakatitig sa mga mata niya. Mas lalo siyang namula kaya mas napangiti ako.

Ang cute niya talaga. "E-Ewan ko sa 'yo" Nauutal nitong sabi at binawi ang kamay.

Tumigil na ako sa pang-aasar sa kaniya at itinaas ang kamay ko para tawagin ang waiter.  Pagdating ng waiter ay saka ko sinabi ang order ko pati na rin ang sa kaniya. Habang naghihintay ay napatingin ako sa kaniya.

"Kumusta pala ang bago mong trabaho?"

Tumingin siya sa akin saglit bago ibaba ang baso ng tubig. Napansin ko ang pagbabago ng ekspresiyon ng mukha niya.

"Ayos lang. Mas mabait 'tong Boss ko ngayon kaysa sa dati" Sabi niya saka ngumiti ng tipid.

"Sigurado ka? Napapansin kong napapadalas ang pag-uwi mo ng gabi mula diyan sa trabaho mo"

Marahan siyang natawa. "Ano ka ba, ganiyan talaga kapag marami kaming ginagawa. Lagi kaming nag-oovertime" Kaagad niyang sabi.

After naming kumain ay napagpasyahan naming lumabas para umalis at maglakad-lakad naman sa malapit na plaza. Pero may isang taong hindi ko inaasahang makita.

"Miss Gallardez?"

"Boss, Ano pong ginagawa niyo dito?"

Nakatulala lang ako at hindi makagalaw sa kinatatayuan ko habang nakatingin sa panauhing kilala ng girlfriend ko. Tumingin siya sa 'kin at nakita ko ang ngisi sa labi nito. Ngisi na nagbigay kilabot sa akin.

"Kumain lang kami diyan sa tapat na kainan. Hindi ko akalain na makikita kita dito at may kasama ka pala?" Makahulugan nitong saad. Nanlalamig na ang buong katawan ko dito dahil sa kaba. Packing tape!

Hinawakan ako ni Haxsin sa kamay. "Boss Eros, ito nga po pala ang boyfriend ko si Dominic" Pinakilala ako ni Haxsin sa kaniya. Mas lumaki ang ngisi sa labi ni Eros. "Mhal, ito pala 'yung bago kong Boss. Si Boss Eros" Pinakilala rin siya sa akin ni Haxsin.

Pasimpleng kumuyom ang kamao ko. Inilahad ni Eros ang kamay niya sa 'kin kaya napatitig ako do'n.

"Nice to meet you, Dominic"

Hiding The Billionaire's Son (Completed/Under Editing)Where stories live. Discover now