Chapter 40

934 24 1
                                    

𝐓𝐡𝐢𝐫𝐝 𝐏𝐞𝐫𝐬𝐨𝐧'𝐬 𝐏𝐨𝐢𝐧𝐭 𝐨𝐟 𝐕𝐢𝐞𝐰

"Darn it! May balak ka bang patayin ako sa gulat?" Naiusal ni Ephraim at napahawak pa sa kaniyang dibdib. Kaagad itong napalingon kay Zerron at mabilis pa sa alas-kuwatrong napatayo.

He knew he's doomed. Matalim ang titig ni Zerron sa kaniya at mukhang patatamaan siya nito anumang oras. Samantala si Zaera naman ay nanatiling nakaupo at mukhang natuod na sa kaniyang kinauupuan.

"I will burry you alive, Ephraim" Pambabanta ni Zerron sa kaniya. Kakamot-kamot sa ulong ngumiti ng hilaw si Ephraim sa kaniya.

"Hehe Insan, wala namang ganyanan. Tinutulungan lang naman kita"

"Really? Is it helpful? Does it change anything? I will fucking sew your mouth so you can't speak forever" Mariing bigkas ni Zerron sa kaniya saka mabilis na lumapit kay Ephraim. Itinaas nito ang kamay upang batukan ang pinsan niya ngunit mabilis na nakalayo si Ephraim.

"Don't be too excited, insan. Kakasabi ko pa lang nga kay Zaera akala mo talaga may magbabago na kaaga---woah. Take it easy, Bro" Kaagad napatakbo palayo si Ephraim ng umamba ng suntok si Zerron.

"I will burn you to death. Damn you!" Galit na saad ni Zerron dito ngunit isang ngisi lang ang naging ganti ni Ephraim. Hindi siya malapitan ni Zerron dahil may mesang nakaharang sa pagitan nila. Kuyom ang kamao ni Zerron at halos patayin na niya ito sa tingin.

"Magpasalamat ka nalang kasi may guwapo at madaldal kang pinsan. Malaki ang ambag ko sa inyong dalawa. Magpasalamat ka talaga sa 'kin at kahit papaano'y ayos na kayo kahit wala pa rin kayong label hanggang ngayon. Masyado ka kasing pabebe. Magkabalikan na kasi kayong dalawa, break na rin naman kayo ni Heiress diba?"

Kaagad na napalingon si Zaera kay Ephraim ng marinig ang huling sinabi nito. Salubong ang kilay nito. Zerron close his eyes tightly and massage his temple.

"Anong sabi mo, Ephraim?" Paninigurado ni Zaera dito dahilan para mawala ang ngisi sa labi nito at kaagad siyang napakamot sa batok niya at hilaw na napangiti.

Isang sekreto na naman ang naibunyag ni Ephraim.

"Hehe. Hindi mo pa pala nasasabi kay Zaera?" Awkward itong natawa. "Ang bagal mo naman" Dagdag niya.

Nagpupuyos naman sa galit si Zerron habang nakatingin kay Ephraim. Pulang-pulang ang mukha nito at parang sasabog na bulkan.

"I will fucking kill you, Ephraim!" Sigaw ni Zerron dito. He was supposed to tell it to her kapag nakahanap na siya ng tamang oras pero wala na dahil nasabi na ni Ephraim. Naunahan na naman siya nito.

Tumawa lang si Ephraim para mas asarin si Zerron.

"Hindi mo puwedeng gawin 'yon, Insan. Malulungkot ang Bebe Vigénere ko"

Zaera's Point of View

Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maaasar sa pinaggagawa ni Ephraim. Nabubw*sit ako sa sinasabi nito but at the same time napapatawa niya ako. Asar na asar na kasi sa kaniya si Zerron.

"Then, let me tell you something" Seryosong wika ni Zerron dahilan para mawala ang ngisi sa mukha ni Ephraim. "Vigénere doesn't like someone who's afraid of horror movies" This time si Zerron naman ang napangisi. Kita ko ang pagsimangot ni Ephraim.

"Pero kami malapit ng magka-label eh kayo? NGANGA" Banat nito at tiningnan pa kaming dalawa ni Zerron.

Napayuko nalang ako sa sinabi niya dahil pati ako ay naiinis na rin. Napatingin ako kay Zerron na asar na asar na. Tawa ng tawa si Ephraim pero kasunod noon ay ang pagtama ng tsinelas ni Zerron sa pagmumukha niya.

Hiding The Billionaire's Son (Completed/Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon