Chapter 44

800 20 0
                                    

Zaera's Point of View

Kasama ko si Zerron at Zian ngayon papunta kay Lovern para dalawin siya. Hindi ko maiwasang makaramdam ng tuwa at kaba. Kaba dahil gusto raw niyang kausapin si Zerron.

I was thinking that she knew it alteady. Ang tungkol sa trabaho ni Zerron pero umaasa ako na hindi dahil ayokong malaman pa niya ang tungkol sa mga bagay na ito. Ayokong mapahamak siya.

Napatingin ako kay Zerron ng hawakan niya ang kamay ko at ipinagsalikop ang mga daliri namin. Kaagad akong naalarma dahil nagmamaneho siya.

"Zero, mabangga tayo"

He look at me and smile like he doesn't care at all. Ibinalik nito ang tingin sa daan. "I won't let that happen, Eve" Siguradong sabi niya bago halikan ang likod ng palad ko.

Hindi na lang ako umimik at ibinaling na lang ang tingin sa labas ng bintana ng kotse. Nang may maalala ako ay napatingin ako sa gawi niya.

"May sasabihin pala ako sa 'yo"

Saglit siyang tumingin sa akin. "What is it?"

Ngumiti ako. "Hindi ko na isasama si Zian sa Spain"

Nakita ko ang pagguhit ng pagtataka sa kaniyang mukha.

"Gusto niyang maiwan dito sa 'yo. Pinakiusap niya sa 'kin kanina"

Kaagad na ngumiti si Zerron. "Really?"

Tumango naman ako. Hindi na mawala ang ngiti sa labi niya habang deritso ang tingin sa daan. This is the first time that Zian requested something like this. Ito rin ang unang pagkakataon na mawawalay ako sa anak ko ng matagal. Kahit hindi ko man gustuhin na iwan siya, wala naman akong magagawa dahil gusto niyang makasama ang Dad niya.

Mahigit beynte minutos ang naging biyahe namin bago kami makarating sa hospital. Naunang bumaba si Zerron saka kinuha si Zian sa backseat. Pinagbuksan ako nito ng pinto habang inaalis ko ang seatbelt ko.

"Thank you" I said softly and smile. Ngumiti naman siya. Kaagad na akong bumaba ng sasakyan at napabuga ng hangin.

Isinukbit ko ang bag ko saka ko na sila inayang pumasok sa loob. Dumiretso kami sa elevator ng hospital. Habang papasok kami ng elevator ay may napansin akong isang babaeng nurse na balisang naglalakad ng mabilis habang may bitbit na tray ng gamot.

Palinga-linga pa ito at mukhang may hinahanap. Hindi ko alam pero hindi maganda ang kutob ko sa kaniya.

"Hey" Tawag-pansin sa akin ni Zerron at hinawakan ang kamay ko kaya napatingin ako sa kaniya. "Are you alright?"

Isang tango at tipid na ngiti na lang ang isinagot ko kay Zerron saka na ako sumunod sa kaniya papasok ng elevator. Papasara na dapat ang elevator ng may pumigil roon. Nahigit ko ang hininga ko ng sumambulat sa paningin ko 'yung nurse.

Napatingin ako sa hawak niyang tray na may tatlong syringe. Napatitig ako sa mukha niya at sumalubong sa akin ang mga mata niya na nasa akin rin pala nakatingin. Hindi ko tuluyang makita ang mukha niya dahil may suot-suot siyang mask.

Umiwas siya ng tingin bago humigpit ang hawak sa tray na bitbit niya. Narinig ko ang pag-ring ng cell phone ni Zerron.

"Hold Zian first, Eve" Wika sa akin ni Zerron kaya agad ko namang kinuha sa bisig niya si Zian.

Inilabas niya naman sa bulsa niya ang kaniyang cell phone saka niya ito sinagot.

Third Person's Point of View

Napatingin si Zaera sa nurse na nasa harapan nila ngayon habang may kausap si Zerron sa tabi niya. Pinasadahan niya ito ng tingin mula ulo hanggang paa. Napakunot noo siya ng mapansin ang suot nitong stockings na itim at isang itim na heels.

Hiding The Billionaire's Son (Completed/Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon