Chapter 53

722 19 0
                                    

Third Person' Point of View

Hindi nakasagot si Zaera. Napangiti lang siya habang umaagos ang luha sa mga mata niya. Parang bata itong napahagulgol sa mga bisig ni Zerron.

"H-Hey, stop crying. I'm here"

Tila isang musika ang boses nito sa tainga niya. Na-miss niya ito ng sobra.

"A-Akala ko......" Napatingala ito kay Zerron at ngayon ko lang napansin ang mga galos niya sa pisngi at sugat. "A-Akala ko wala k-ka na eh. Akala ko iniwan mo na ako pati si Z-Zian"

Inangat nito ang kaliwang kamay at hinawakan ang pisngi ni Zaera. He gently wipe her tears and kiss her forehead.

"I will never let that happen. Hindi ko kayo iiwan ni Zian" Nakangiting sabi nito. Umayos ng tayo si Zaera at siya na mismo ang nag-alis ng luha sa mga mata niya.

"A-Ayos ka lang ba? A-Ano ba kasi ang nangyari sa party? Totoo ba ang s-sabi sa balita?" Sunod-sunod na tanong nito.

Nakita ni Zaera ang pagdaan ng sakit sa mga mata ni Zerron. Mabilis siyang umiwas ng tingin at napatiim-bagang. Napalunok siya dahil sa kaba. Kinakabahan si Zaera sa pinapakita nitong emosyon. Kaagad namang hinawakan ni Zaera ang kamay niya.

"Z-Zerron..."

"I-I'll tell you later after we get out of here" Seryosong sagot nito at hinawakan si Zaera sa balikat saka marahang inakay palabas ng private plane.

Habang palabas sila ay nilingon niya muna si Eros na wala ng buhay at naliligo sa sariling dugo. Kaagad siyang umiwas ng tingin dahil hindi niya kayang pagmasdan ng matagal ang kalagayan nito.

Doom's Point of View

Ramdam ko ang sobrang pagod at pananakit ng katawan ko. Akay-akay ko si Ephraim dahil nahihirapan itong tumayo dahil sa tama ng baril sa hita niya. Napangiwi ako ng maramdaman ang pananakit ng braso ko.

Nadaplisan ako ng bala kanina. Hindi ko alam kung maswerte lang ba talaga ako o binigyan lang ako ng isa pang chance na mabuhay para pagbayaran lahat ng kasalanan ko. Napabuntong hininga na lang ako habang nakatanaw sa bintana ng private plane kung saan kitang-kita ko si Bossing at Miss Zaera na magkayakap.

Malungkot akong napangiti at napailing. Sana nagawa ko rin 'yan para kay Haxsin. Kumirot ang dibdib ko ng maalala siya. Napayuko ako. Wala manlang akong nagawa para iligtas o ilayo manlang siya sa kapahamakan. I was too late and too dumb for doing the worst decision of my life instead of asking for help.

Tumingin sa amin si Vigénere. Ng magtagpo ang paningin namin ay una akong umiwas ng tingin. Parang tinutunaw niya kasi ako sa tingin niya at isa pa, naiilang ako. May kasalanan ako sa kanila.

"Bring them to the boat" Utos nito sa mga tauhan namin na nandito.

"V-V..." Tawag naman ni Ephraim sa kaniya. Lumayo ito sa akin at paika-ikang naglakad palapit sa kaniya. Nagdurugo pa rin ang hita nito na may tama ng baril.

Tumingin sa kaniya si Vigénere na nakakunot noo at nakataas ang kilay. Nakita kong ngumiti si Ephraim at maluha-luha pa. Ta*na. Hindi ko alam na maramdamin pala itong si Ephraim.

Nanlaki naman ang mga mata ni Vigénere ng matumba sa kaniya si Ephraim. Napangiwi pa siya at hinawakan sa magkabilang braso si Ephraim.

"What the hell, Ephraim?!" She exclaimed and tried to push him away. "Hey! Assh*le! Wake up!" Sigaw nito at inalog ang pisngi ni Ephraim pero hindi ito magising. Napairap siya.

Mahina akong natawa dahil sa nangyari. Mukhang nahimatay pero kahit papaano naka-chansing ang tukm*l. Walang nagawa si Vigénere kung hindi siya na mismo ang humila kay Ephraim. Naiwan ako ritong nakatayo lang at pinagmamasdan sila na paalis.

Hiding The Billionaire's Son (Completed/Under Editing)Where stories live. Discover now