Chapter 9

1.7K 38 2
                                    

Third Person's Point of View

Hindi mawari ni Zerron kung bakit hindi maalis ang tingin niya sa babaeng tinawag na Mama ng batang hawak-hawak ang kamay niya. Hindi rin maipagkakailang tila ayaw na niyang pakawalan ang kamay ng batang nasa tabi niya. He stared at the kid who's very familiar to him.

Habang hila-hila nito ang kamay niya papunta sa babaeng nakatalikod mula sa kanya ay tila bumabagal ang buong paligid at wala siyang ibang naririnig kung hindi ang tibok ng puso niya.

"Mama" Zian held his mom's hand and shake it a bit. "This señor helped me earlier. He's the one that I'm talking about, Mama" Dagdag nito na malaki ang ngiti.

Tila walang naririnig si Zaera dahil samu't-saring bagay ang pumapasok sa kanyang isipan. Hindi na niya alam ang gagawin. Umabot ng ilang segundo ang lumipas pero hindi parin humarap si Zaera. Walang nagawa si Zerron kung hindi siya na lang mismo ang lumapit sa harapan nito upang tingnan ang mukha ng babae.

"Hey, Is this your---"

Napatigil si Zerron sa pagsasalita.
Bumakas ang gulat sa mukha nito ng makilala kung sino ang babae sa harapan niya. Unti-unting inangat ni Zaera ang paningin niya at nagsalubong ang kanilang mga tingin. Samu't-saring emosyon ang makikita sa mukha nilang dalawa.

"Zaera...." Medyo may kahinaang tawag ni Zerron sa pangalan niya. Samantala pumagitna naman sa kanilang dalawa si Zian habang hawak ang kamay nilang dalawa at nakatingala sa kanila na may ngiti sa labi.

They look like a perfect complete family in that moment. Unfortunately, they're not.

"Did you know each other?" Tanong ni Zian sa masiglang tinig.

Kaagad namang nagising si Zaera sa reyalidad ng magtanong ang anak nito. Mabilis niyang inalis ang kamay ni Zerron sa kamay ni Zian at mas inilapit sa kanya ang anak. Isang pilit na ngiti ang gumuhit sa labi niya saka tinignan si Zian na may kyuryusong ekspresiyon.

"N-Nak, he's an old friend" Pilit nitong inaayos ang pagsasalita kahit nangingibabaw ang kaba sa puso niya. Para ng sasabog ang puso niya sa kaba.

Wala na. Wala ng silbi ang ilang taong pagtatago niya dahil sa isang iglap lang ay nagkita na ang mag-ama. Gustong magsalita ni Zerron pero mas pinili nitong manahimik muna. Nakatitig ito kay Zaera lalong-lalo na sa anak nilang dalawa.

Gusto niyang yakapin ito ng mahigpit dahil sa wakas ay nakita niya rin ito sa loob ng ilang taong hindi niya ito nasilayan manlang. Iba sa pakiramdam, ibang-iba. His heart is exploding now with so much joy.

"Really, Mama? Then, that will be great! What is his name po?"

Tumikhim naman si Zerron. "I'm Zerron, so---kiddo" Muntik pa itong madulas. Pasimpleng sinamaan ng tingin ni Zaera si Zerron. Nagulat naman si Zaera ng bumitaw sa kanya si Zian at niyakap ang binti ni Zerron.

Tumingin naman si Zerron kay Zaera at nangungusap ang mga mata nito. Gustong-gusto nitong yakapin ang anak. Napatitig sa kanya si Zaera.


Zaera's Point of View

Gustong-gusto kong buhatin si Zian at tumakbo palayo kay Zero. But I can't do that anymore. Tila sinampal ako ng reyalidad na kahit kailan ay hinding-hindi ko matatakasan ang bagay na ito.

Pero hindi pa ako handang sabihin kay Zian ang lahat at hinding-hindi ko rin magagawang ibigay sa kaniya ang anak ko kahit kailan.
Nakatitig lang ako kay Zian na nakayakap sa binti ni Zero. Malaki ang ngiti nito. Napatingin ako kay Zero na ngayon ay nakatitig sa 'kin. Hindi iyon isang tingin na may balak na kunin ang anak ko at ilayo sa 'kin. Isang tingin iyon na nangungusap.

Hiding The Billionaire's Son (Completed/Under Editing)Where stories live. Discover now