Chapter 11

1.3K 31 0
                                    

Zaera's Point of View

Dapit-hapon na at naisipan kong ipasyal si Zian dito sa park na malapit lang sa bahay nina Lovern. Kasama ko ngayon sina Mama at Papa. Kasama ni Papa si Zian na bumili ng ice cream at naiwan naman kami ni Mama dito sa may bench.

Pinagmamasdan ko lang ang mga batang naglalaro at iilang mga pamilyang nandito upang mag-bonding. I saw few couples too. They're fun to watch. Parang ang saya-saya nilang tingnan. Walang pinoproblema.

"Anak, may gusto ka bang sabihin sa akin?"

Tumingin ako sa kaniya. "Po?"

"Parang may bumabagabag sa 'yo. Puwede mo namang i-kuwento sa 'kin"

I heave a deep sigh. "Naitanong kasi sa akin ni Zian kung saan 'yung daddy niya kaso nga lang, wala akong matinong maisagot sa kaniya"

"Bakit kasi hindi mo na lang sabihin ang totoo?"

Napayuko ako saka napatingin na lang sa mga paa ko. Hindi kaagad ako nakasagot sa sinabi niya. I heave a deep sigh before looking at her.

"Iniisip ko kasi ang magiging reaksiyon ni Zian. Paano kung...masaktan siya?"

"Anak, hindi mo habangbuhay maitatago sa kaniya ang sitwasyon. Hindi mo rin maiiwasang masaktan siya kapag sinabi mo ang totoo. Ang kailangan mo lang gawin ay ihanda ang sarili mo sa magiging kaakibat ng katotohanang sasabihin mo sa kaniya"

"Siguro...tatantiyahin ko muna ang lahat. Kailangan ko ring ipaliwanag sa kaniya ng paunti-unti para maintindihan niya"

Dumaan ulit ang katahimikan sa pagitan namin. Napatingin ako sa di-kalayuan ng makita ko si Papa kasama si Zian. May bitbit silang ice cream at tuwang-tuwa sa swing.

"Sa gulang ni Zian, alam kong mahihirapan kang ipaintindi sa kaniya ang lahat pero alam kong maiintindihan niya rin iyan sa pagtagal" Napatango-tango naman ako. Sana nga. Iyan lang naman ang gusto kong mangyari. "Anak, tungkol nga pala sa pag-alis niyo ng bansa, sigurado ka na ba sa desisyon mo?"

Napatingin ako kay mama ng magsalita uli siya. Seryoso ang ekspresiyon ng mukha nito ngunit may iba pang sinasabi ang mga mata niya. Umiwas ako ng tingin. Alam ko na ang tinutukoy niya ay ang pag-alis namin ni Zian pabalik ng Spain.

Sigurado naman ako sa desisyon ko dahil ito naman talaga ang plano ko simula palang ng bumalik kami dito. Hindi naman pupwedeng manatili kami dito ng matag

"Opo. Iyon naman talaga ang desisyon ko noong una palang"

"Hay. Nakakalungkot naman. Gusto ko pa sana kayong makasama ng matagal"

"Kung gusto niyo po, isasama ko kayo ni papa doon. Ice-celebrate narin natin ang birthday niya" Nakangiting sabi ko.

"Ay. Malapit na ba ang birthday niya?"

Tumango naman ako. "Hindi ba masyadong malamig doon? Alam mo namag mahina itong katawan ko sa malamig na klima"

"Hindi naman po. Sakto lang. Saka makakapal naman ang damit na sinusuot doon"

"Pag-iisipan ko pa muna kung sasama ba kami. Kakausapin ko na rin ang papa mo" Tumango naman ako bilang pagsang-ayon. "Siya nga pala, babalik pa ba kayo dito ulit?"

Isang kiming ngiti ang namutawi sa labi ko.

"Hindi na po. Doon na lang kami maninirahan"

Nakita ko kung paano dumaan ang saglit na kalungkutan sa mga mata niya. Pati tuloy ako ay bigla ring nalungkot. Ngayon lang ulit kami nagkasama ng maayos pero kailangan ko ring umalis.

"Sigurado ka ba talaga?"

"Para po sa ikakabuti ni Zian gagawin ko po iyon"

"Ikakabuti ba talaga iyon ni Zian?"

Hiding The Billionaire's Son (Completed/Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon