Chapter 30

982 23 2
                                    


Zaera's Point of View

Nagising ako kinaumagahan na masakit ang ulo. Parang nagkaroon ako ng hang-over dahil sa nararamdaman ko ngayon. Alas Dos na ng madaling araw ako nakatulog kagabi dahil hindi talaga ako mapakali. Ewan ko ba kung sa kape ba iyon. Kinakabahan kasi ako kagabi sa hindi malaman na dahiln.

Napatingin ako kay Zian na mahimbing pa rin ang tulog ngayon. Inayos ko ang comforter niya saka umalis sa kama. Uminat-inat ako at hinawi ang kurtina sa bintana. Sumalubong sa paningin ko ang maaliwalas at magandang kapaligiran. Iba talaga kapag nakikita mo ang asul na karagatan tuwing umaga, parang nawawala ang kung ano mang nararamdaman mong sakit.

Bumalik ako sa kama at umupo saka kinuha ang cellphone ko sa side table ng marinig ko itong nag-ring. Tiningnan ko ang caller at kaagad kong nakita ang pangalan ni Hather. Mabilis ko itong sinagot.

"Oh, Hather. Kumusta? Napatawag ka?" Nakangiting bati ko. Ngunit unti-unting nawala ang aking ngiti sa sunod niyang sinabi.

[P-Puwede ka bang pumunta dito sa hospital, Zae? Nasa hospital ang mga magulang ko pati ang k-kapatid ko]

Napatayo ako dahil sa gulat. Lumakas rin ang kabog ng puso ko. Kaya ba hindi ako makatulog kagabi at dahil kinakabahan ako?

"Bakit? A-Anong nangyari?" Nag-aalalang tanong ko habang pabalik-balik ang lakad sa buong kuwarto. Narinig ko ang pagsinghot nito. I know it, he's crying.

[Dito ko nalang sasabihin. Please? I-I need you right now, Zae] Pagmamakaawa nito sa akin.

"Oo, pupuntahan kita diyan"

[S-Sige. I'll text you the address]

Matapos ang pag-uusap namin ay napatitig pa ako sa screen ng phone ko. Puno ng katanungan ang isipan ko. Nanginginig ang katawan ko dahil sa pag-aalala at kaba. Kinalma ko ang sarili ko at napatingin kay Zian na mukhang nagising na rin. Kaagad akong lumapit sa kinaroroonan niya.

"Zi, we need to go to the hospital"

Kinusot nito ang kaniyang mata. "Why po? Did something bad happen to Daddy?"

Mabilis akong umiling. Hindi pa nga nakakauwi malamang doon talaga iyon nagpalipas ng gabi kay Heiress.

"Your Daddy is fine. We need to see Dada and Tita Lovern. They are at the hospital"

"Why? What happened po?"

"I don't know, nak. Dada will tell us later" Saad ko at hinaplos ang kaniyang pisngi. Tumango siya kaya tinulungan ko siyang makababa ng kama.

Hindi ko lang talaga alam kung paano kami makakaalis sa lugar na 'to dahil hindi ko alam kung may sakayan ba dito papunta sa city. Masyado kasing malayo ang lugar na 'to sa bayan. Siguro ay tatawagan ko nalang si Zerron mamaya.

________

Nang matapos kaming mag-ayos ay kaagad akong nagluto ng breakfast para kay Zian. Natanggap ko ang mensahe ni Hather kung saan silang hospital. Pagkatapos niyang kumain ay kinontak ko si Zerron. Makailang contact ko na pero puro lang ring ang naririnig ko at wala manlang sumasagot.

Inis akong napatingin sa screen ng phone ko. Pambihira naman itong si Zerron kung saan kailangan hindi sumasagot. Tss. Masyado ba siyang nag-enjoy sa company ng Heiress na 'yon? Napabuga ako ng hangin.

"Mama, why is Daddy not still here?" Napatingin ako kay Zian.

'Because he is with his so-called girlfriend' Iyan ang isinagot ko sa aking isipan pero hindi ko iyon sasabihin kay Zian. Ngumiti lang ako saka ginulo ang buhok niya.

"Maybe he's really busy" Sagot ko. Nakita ko naman ang lungkot sa mukha nito.

"He's always busy" May bahid ng pagtatampo sa boses nito. Napabuntong hininga ako saka hinawakan ang pisngi niya.

Hiding The Billionaire's Son (Completed/Under Editing)Where stories live. Discover now