CHAPTER 3

44.2K 1.6K 342
                                    

MADELINE

    PANIBAGONG araw na naman, panibagong kapaguran na naman pero okay lang, keribels ko naman.

Today is my laba day kaya kakatukin ko ang kwarto ni Sir Karson at Ma'am Jomela, si Tiya na daw ang bahala sa mga damit ni Don Joel.

Konpirm, may gusto si Tiya kay Don Joel.

"Ma'am Jomela." Malakas kong kinatok ang pinto niya. "Yung labada mo ho kailangan ko ng kunin."

Walang sumagot, maya maya pa ay bumukas ang pinto at iniluwal non ang busangot na muka ni Ma'am Jomela na may bitbit na basket na puno ng damit.

Padabog niyang binaba iyon at malakas na sinara ang pinto.

"Bastos kang maldita ka!" Malakas kong sinipa ang pinto niya bago umalis.

Sunod akong nagtungo sa tapat ng kwarto ni Sir Karson, kasabay ng pagkatok ko ang pagbukas ng pinto kaya tumama ang kamao ko sa dibdib niya.

"Ang tigas." Bulalas ko

"Tsk." Singhal nito. "What do you want–Anong kailangan mo?"

"Labada nyo ho." Sagot ko.

"Just wait me here and don't come in." Sinara nito ang pinto

Ano daw? Dahil dakilang chismosa ako, binuksan ko ng kaunti ang pinto at sumilip

Napaawang na lang ang bibig ko ng may makita akong babaeng nakatayo at tanging kumot lang ang takip sa katawan

"Karson, nagugutom na ako." Dinig kong sabi nito

May girlfriend pala si Sir Karson, sana all may Uyab

"Let's go down Jillian." Dinig kong sabi ni Sir

Mabilis kong sinara ang pinto ng marinig ko ang yabag ni Sir. Bumukas ito at bumungad sakin ang gwapong muka ni Sir na may bitbit na basket na may lamang damit.

"Here." Inabot niya sakin ito na agad kong kinuha

Nginisihan ko si Sir. "Ikaw sir ah? Nakaisa ka."

Nanlaki ang mga mata nito, tinawanan ko lang siya bago umalis. Nagtungo ako sa likod ng bahay at nagsimula ng maglaba.

Yung kay Ma'am Jomela ay kinukusot ko ng kamay kasi baka masira dahil sa washing.

Halos makapa-nanghalian na ng matapos ako, agad akong nagtungo sa kusina at nadatnan ko doon si Tiya.

"Ihatid mo ito sa lamesa nila Sir." Inabot nito sakin ang mangkok na may sabaw. "Tapos pagkatapos mo, kumain kana at gamutin natin yang sugat mo."

Nagsugat ang kamay ko kaka-kusot dahil sa dami ng damit ni Ma'am Jomela.

"Sige Tiya."

Nagtungo ako sa dining, nadatnan ko doon si Ma'am Jomela at Sir Karson, nandoon din yung babaeng napasukan sa kweba ni Sir Karson.

"Put mo na lang yan here." Sabi nung babaeng girlfriend ni Sir Karson.

Akmang ilalapag ko yun pero pinatid ako nito kaya dire diretsong tumapon yung sabaw kay Sir Karson.

"The fvck!" Napatayo ito at napa-pagpag sa damit.

"Ang tanga mo naman!" Singhal sakin nung girlfriend ni Sir. "Simpleng trabaho lang eh."

"Pinatid mo kaya ako!" Singhal ko din sa kanya. "Hindi naman yan tatapon kung hindi mo ako pinatid, siraulo!"

Nanlaki ang mga mata nito. "Sumasagot ka? Baka hindi mo kilala ang kaharap mo–"

"–Hindi naman talaga kita kilala." Nakangiwing sabi ko.

"Ang yabang mo katulong ka lang naman ng boyfriend ko!" Dinampot nito ang juice at tinapon sa muka ko. "Lumugar kang babae ka!"

"Jillian stop!" Sita sa kanya ni Sir Karson

"No! Titigil lang ako kapag tinanggal mo ang katulong na'to!" Dinuro ako nito

Kinagat ko ang daliri niyang nakaduro sakin.

"Aray!!" Hinila nito ang kamay niya. "You fvcking bitch!"

"Wag mo akong dinuduro, hindi ako nuno!" Kinuha ko ang isang mangkok pang sabaw na nakapatong sa lamesa at binuhos sa kanya. "Waray Nanay ko kaya mali ka ng kinalaban, girlfriend ka lang ni Sir Karson, wala akong pakielam sayo dahil hindi kita Amo."

"Karson, she ruined my dress!" Sumbong nito

Tumingin sakin si Sir Karson pero inirapan ko lang siya.

"Kung ako sayo Sir, sasampalin ko yan." Sabi ko dito. "Mag-gi-girlfriend kana lang ganyan pa, dapat mga kagaya ko ang hahanapin mo."

"Ang tapang naman ng hiya mo! Walang wala ka nga kay Karson eh, narinig ko sa mga katulong dito na hindi ka marunong magbasa, tapos gusto mo kagaya mo ang hanapin niya."

"Ano naman kung hindi ako marunong magbasa? Ang mahalaga hindi ako pa-iyot!" Dinilaan ko siya. "Pangit mo!"

"ENOUGH!" Sigaw ni Sir Karson at pumagitna samin. "Madeline, go to kitchen."

Kahit hindi ko siya naintindihan umalis ako doon at nagtungo sa kusina

"Nice one Madeline!" Tinapik ako ni Tiya sa braso. "Maldita yang Girlfriend ni Sir, diba ikaw lang katapat."

"Hindi uubra sakin yun." Tugon ko at umupo. "Tiya, mahapdi kamay ko, gamutin mona nga."

"Maka-utos, sampalin kita diyan eh."

"Ikaw sasampalin ko diyan eh."

Umirap lang ito bago buksan ang isang cabinet, may kinuha itong box bago umupo sa kaharap kong upuan.

"Kamay mo."

Nilahad ko naman ang kamay niya, ngumiti si Tiya bago iyon buhusan ng alcohol.

"TANGINA NAMAN TIYA!" Mangiyak ngiyak kong sigaw. Tumawa ang bruha. "Tawa tawa kapa, paiinumin kita ng Zonrox diyan eh!"

Hinipan hipan ko ang kamay ko pero ayaw mawala ng hapdi kaya mabilis akong nagtungo sa sala at binuksan ang electric fan tsaka tinapat ang sugat ko.

"Punyeta ka Tiya!" Mangiyak ngiyak kong sabi. "Lalagyan ko ng sili ang panty mo mamaya!"

"Nag-aaksaya ka ng kuryente."

Kahit hindi ko lingunin, sigurado akong si Ma'am Jomela ang nagsalita.

"Wag mo akong simulan Ma'am, baka masampal kita!" Inis kong sabi dito. "Wala ako sa mood ngayon para sa ka-malditahan mo."

"Wala rin ako sa mood." May inilapag ito sa lamesa sa gilid ko. "Gamot yan para sa kamay mo."

"Salamat." Inirapan ko siya. "Bukas na tayo mag away."

"Whatever!"

Umalis ito, kinuha ko naman ang bote na nilapag niya at pinahid sa kamay ko, mahapdi din pero mukang okay naman.

Pero kahit ganon, masama pa rin ugali ni Ma'am Jomela.

Mafia Obsession: Karson Walter [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon