CHAPTER 39

41.4K 1.2K 178
                                    

MADELINE


    "BAKIT hindi mo sinabi sa'min na ginahasa ka!?" Galit na tanong ni Papa. "Anak naman!"

"Pa, ayaw ko lang pong mag alala kayo." Tugon ko. "Tsaka ayos na po ako, patay na po ang gumawa non."

"Opo, pinatay ko." Proud na sagot ni Karson

"Sorry Anak." Niyakap ako ni Mama. "Sana hindi na lang kita pinilit."

"Ma, nangyari na po, kalimutan na natin." Humiwalay ako sa yakap. "Maayos na po ako kasama ang mga Anak ko at si Karson."

"Sorry Anak." Si Papa naman ang yumakap sakin. "Tangina nung Joel na yun, mabulok sana siya sa impyerno!."

"Matagal ng bulok yun Papa."

"Ate, pangako mag aaral pa kami ng mabuti." Sabad ni Marilyn.

"Tama si Ate Marilyn, tutuparin namin ang mga pangarap namin at susuklian namin ang mga paghihirap mo." Sabi naman ni Mylene.

"Aba'y dapat lang subukan n'yong maglandi at papatakan ko ng kandila 'yang mga puday n'yo." Banta ko na ikinangiwi nila."

"Masyado kang Brutal Mamu." Sabad ni Slex na nakasakay sa batok ni Karson. "Kaloka ka."

"Gusto mong madagdagan 'yang bukol mo?"

"Mamu, ang bungangera mo po hehe." Sabi ni Nlex na buhat naman ni Karson

Magaling na nga ang dalawang bata, lakas ng mang asar eh.

"Halina nga kayo, pupuntahan pa natin si Jomuela." Hinarap ko ulit sila Mama. "Ma, kita na lang po tayo sa bahay nila Karson."

"Sige mag iingat kayo."

"Kayo din po."

Lumabas kami ng Hospital room ng kambal, kalalabas lang nila at bago kami umuwi ay napagdesisyunan muna naming dalawin si Jomuela.

Pagpasok namin ay napahinto kami ng makitang naghahalikan si Josial at Jomela

"Ay meganon?" Natulak nila ang isa't isa ng magsalita ako. "Tukaan pala ang ganap sa inyo."

"Mali ka ng iniisip." Sabi ni Jomela

"Iisipin kona lang na napuwing ka kaya nagdikit ang mga labi n'yo." Nakangiwing sabi ko dito.

"Hindi nga kas–"

"–Wag ka ng magpaliwanag Tita." Putol ni Slex sa sasabihin nito. "Don't worry secret lang ang nakita namin."

Nag iwas lang ito ng tingin.

"M-Mama." Napatingin kami kay Jomuela ng magsalita ito

"May masakit ba sa'yo?" Alalang tanong dito ni Jomela.

Umiling lang ito at hinawakan ang kamay niya.

"Jomuela, magpagaling ka. Ipapasyal ka ni Tito kapag gumaling ka." Malambing na sabi dito ni Karson. "Okay ba?"

Tumango lang ito at ngumiti.

Ang alam ko nabaril lang siya, bakit na-pipi ata? Charot.

Saglit pa kaming nag-stay doon bago naming napagpasyahang umalis.

"Before we go home, daan mona tayo saglit kila Archer." Sabi ni Karson. "Birthday ni Rycher."

"Sige." Tugon ko

Maya maya pa ay huminto kami sa isang malaking bahay, agad kaming bumaba at pumasok sa loob.

"Man!" Nakipag-appear si Karson kay Archer. "Where's Rycher?"

"Nasa loob, kalaro si Zaem." Tugon nito. "Hi Madeline, twins, kamusta na kayo?"

"Okay na kami, salamat." Nginitian ko siya

"I'm fine na." Malanding sabi ni Slex. "Na-see na kasi kita Chupapi."

Natawa lang si Archer bago guluhin ang buhok nito. "Halina kayo, nasa loob na ang iba."

Pumasok naman kami sa loob ng bahay, may mga tao doon, nandoon din si Penelope.

"Beshiee!" Tili ni Slex at agad nilapitan si Parsia.

"Bakla!" Tili din ni Parsia

Nag-beso ang dalawa. Napatingin naman ako kay Nlex na kasama na si Paxton at isa pang bata.

"Everyone meet my woman." Pinagsiklop ni Karson ang kamay namin. "Madeline, we have twins. The girly one is Slex and the boy one is Nlex."

"Hi." Kinawayan ako ng isang babaeng chubby. "Ako si Emery, Fiance ni Ezar and ito si Zaem Anak namin."

"Ako si Ryee, Girlfriend ni Archer at Anak namin si Rycher."

"I'm Lorelei, Asawa ako ni Colm, ginoyo niya ako kaya naging asawa niya ako. Anak namin si Cole."

"Kilala mo na ako." Sabi ni Penelope.

"Maupo kayo." Sabi ni Ryee. "Kuha lang din kayong pagkain."

"Ay hindi ko tatanggihan yan."

May lamesang nakalatag at maraming pagkain, agad naman akong nagsandok ng para sa'kin at para sa kambal. May kamay naman si Karson kaya niya na sarili niya

"Oo dati hindi pa kami dito nakatira tapos hindi pa namin kasama si Papa." Kwento ni Zaem kila Nlex. "May kasalanan kasi si Papa kay Mama kaya late kona siya nakilala."

"Ay sa'min din." Sabi ni Parsia. "Buset kasi si Dade ko dati kaya ayaw sa kaniya ni Mame ko, pero okay na sila. Pabebe lang si Mame."

"Parsia, naririnig kita." Sinamaan ng tingin ni Penelope ang Anak pero inirapan lang siya nito.

"Si Tatay naman late kona nakilala kasi nagpagamot siya dahil aning daw siya dati sabi ni Nanay. Mabait Tatay ko." Proud na sabi ni Rycher.

"Si Papu, late din namin nakilala, nag asawa kasi agad." Sabi ni Nlex.

"Oo malantod si Papu." Sang ayon ni Slex.

"Ako din!" Nagtaas pa ng kamay si Cole. "Kailan ko lang nakilala si Daddy kasi malantod din siya."

"Lahat pala tayo tinaguan ng Anak." Sabi ni Wyatt. "Friendship goals?"

"Gago kasi kayo." Sagot ni Penelope dito. "Except kay Archer."

"Wala rin naman akong kasalanan." Walang emosyong sabi ni Colm.

"Gago ka kasi!" Inirapan ito ni Lorelei.

"Mafia Boss na nataguan ng Anak?" Napailing na lang ako. "May mas bobo pa pala sakin?"

"Puro kasi mga Titi pinapairal nila." Sabi ni Lorelei. "Kalibugan kasi."

"Lei, your mouth." Banta dito ni Colm pero inirapan lang siya nito

"Kami naman ni Wyatt kakaiba, tinaguan niya ako ng Anak, gumanti ako, tinaguan ko din siya." Kwento Penelope

"At wala ng mangyayaring taguan." Inakbayan ito ni Wyatt.

"Tama." Umakbay sakin si Karson. "Right Boss Madam."

"Depende kung magpapakabait ka Boss Karson.."

Ngisi lang ang sinagot nito at kinurot ang tungki ng ilong ko...

Mafia Obsession: Karson Walter [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon