EPILOGUE

44.6K 1.3K 121
                                    

MADELINE


    "AY KALOKA!" Tili ni Slex. "Tayo na nga lang inimbita sa kasal, balak n'yo pang magpahuli!?"

"Sandali nga!" Sinamaan ko ito ng tingin. "Lalo kami natataranta sa'yo eh, mas frustrated kapa sa ikakasal."

"Calm down." Mahinahong sabi ni Karson. "Thirty minutes pa."

"Ayos na ako." Ngumiti ako. "Ano? Muka ba akong tao o tae?"

"You're always beautiful Boss Madam." Hinapit ako nito sa bewang. "Mas nadagdagan ngayon."

"Ay sus, naglandian pa." Napahampas si Nlex sa noo niya. "Tara na po kaya?"

Naunang lumabas ang kambal.

"Sarap sabunutan ng mga Anak mo." Sabi ko dito

Natawa ito. "They're just excited to see their friends."

"Oo na, tara na."

Lumabas kaming dalawa, nakasakay na ang kambal sa sasakyan kaya sumakay na lang din kami.

"Mamu, hindi po maayos neck tie ko." Sabi ni Nlex na nasa backseat.

"Later Nlex." Si Karson ang sumagot dito

Saktong magsisimula na ang kasal ng makarating kami, agad kaming bumaba.

"Punta na doon." Tinapik ni Karson ang braso ng kambal. "Wait, Nlex ayusin ko neck tie mo."

Mabilis na inayos ni Karson ang necktie ng Anak, excited namang tumakbo papunta sa pwesto nila ang kambal.

Kami din ni Karson ay pumwesto na. Maya maya pa ay nagsimula na kaming maglakad.

Buti nga hindi ako umusok sa loob ng simbahan eh, charot. Kakakasal lang ni Ezar at Emery, ngayon naman ay si Archer at Ryee.

Sana all.

Si Karson wala atang balak eh, kapag ako nainis gagawin kona lang talaga siyang kumpare.

Maya maya pa ay naglakad na si Ryee papasok, ang ganda ganda nito pero mas maganda ako, bagay sa kaniya yung wedding gown, pero mukang mas bagay sakin.

Nakinig lang kami sa mga sinasabi ng Pari, sorry Lord, pero nakakaantok pala? Hehe

Nakahinga ako ng maluwag ng matapos na ang kasal, dumiretso agad kami sa harap at nag-picture.

"Kapag ako pangit diyan sa picture, susunugin ko bahay n'yo." Banta ko sa photographer na tumawa lang.

Naka-ilang awra kami bago matapos, nagkaniya-kaniyang sasakyan ulit kami papunta namang reception.

"Siguradong may letchon don." Sabi ni Nlex.

"Tapos may spaghetti, pancit, palabok, kakanin at marami pa." Dagdag ni Slex

"Mga Anak wag n'yo namang ipahalatang mga patay gutom kayo." Sabi ko sa mga ito.

"Boss Madam as far I remember nagdala ka ng maraming plastic?" Ngumisi sakin si Karson. "Sharon Cuneta ka mamaya?"

"Idol ko din si Bruce lee, kapag hindi ka tumahimik, sisipain kita." Tumawa lang ito.

Maya maya pa ay nakarating na kami sa reception, agad kaming bumaba at tumuloy sa loob. Syempre pagkain agad diretso namin.

"Enjoy kayo." Nakangiting sabi sa'min ni Ryee.

"Congratulations pala sa inyo ni Archer." Nakangiting sabi ko. "Sana all."

"Maraming salamat."

Saglit pa itong nakipag-kwentuhan sa'min bago magtungo sa upuan nila.

Inilibot ko naman ang paningin ko ng mapansing wala na sa tabi namin ang kambal, kasama ito nila Zaem at mukang may dinidiskartehan.

Syempre maliban na lang kay Slex na mukang diring diri sa mga babaeng nasa harap niya.

Kapag ito talaga na-inlove sa babae, aahitin ko kilay nito.

"Ladies, pumwesto na po kayo sa gitna para sa paghagis ng bulaklak ng ating bride." Sabi ng Emcee.

Agad naman akong tumayo, pumwesto sa gitna si Ryee at tumalikod pero agad din itong humarap at binigay sakin ang bulaklak.

"Luh?"

"Tingin ka sa likuran mo." Nakangiting sabi nito na agad kong ginawa.

Nakita ko si Karson na nakaluhod at may hawak na box.

"Bakit ka nakaluhod diyan Karson? Hindi naman ako si Lord." Sabi ko dito

"Baby I'm going to propose to you." Binuksan nito ang box at bumungad sakin ang magandang singsing. "I'm sorry for hurting you Madeline, promise I won't hurt you again." Nilabas nito ang singsing sa box. "So, will you marry me?"

Ayoko nga..charot

"Yes na Mamu, ilaban mo yan!" Tili ni Slex with matching kembot pa

"Go na Mamu, support po namin kayo." Sabi naman ni Nlex

Aarte pa ba ako?

"Aba'y tatanggi pa ba ako? Yes na Yes na." Sagot ko

Tumayo si Karson at agad sinuot sakin ang singsing, dinig ko ang palakpakan ng mga tao at sigawan.

"Thank you so much Boss Madam." Sinapo nito ang dalawang pisngi ko at hinalikan ako sa labi. "I love you."

"Maraming salamat din Boss Karson." Tugon ko. "Mahal din kita, mamatay ka man."

"Yehey!" Lumapit sa'min ang kambal.

Binuhat ko si Slex, samantalang binuhat niya naman si Nlex.

"Mahal namin po kayo." Sabi ni Nlex.

"And because of that, bibigyan namin kayo ng Quality time." Ngumisi si Slex. "Hindi kami tatabi sa inyo mamaya."

"Kulit mo." Kinurot ni Karson ang pisngi nito at umakbay sakin. "Salamat sa pagdating n'yo sa buhay ko."

"Salamat din sa pagdating n'yo sa buhay ko.."

'Hindi hadlang ang itsura o pinag-aralan para makahanap ka ng taong tatanggap at magmamahal sa'yo.'

–END.

THANK YOU❤️

Mafia Obsession: Karson Walter [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon