MADELINE
HANGGANG ngayon hindi pa rin kami nagpapansinan ni Karson, bahala siya sa buhay niya, hindi ako marupok, malantod lang.
"Ibigay mo ito kila Sir, nandoon sila sa pool area nag iinom." Inabot sakin ni Tiya ang isang tray na may lamang mga pagkain.
Kinuha ko naman yun at nagtungo sa pool area, nadatnan ko doon sila Sir na nag iinom
"Iinom inom, tamad naman kumuha ng mga kailangan." Bulong ko at binaba yun
"Miss, pwedeng pakuha ng yelo." Utos ng isang kaibigan ni Sir
'Bakit hindi ikaw ang kumuha?' "Yes Sir." Binigyan ko siya ng isang plastic na ngiti
Kahit gwapo siya, masasampal ko siya ng tray sa muka.
Bumalik ako sa kusina at kumuha ng yelo tapos bumalik doon, ramdam ko ang mga tingin ni Karson pero hindi ko siya pinapansin.
"Water." Utos naman ng isa pa niyang kaibigan kaya bumalik ako ng kusina at kinuha siya ng tubig.
"Last one, pakuha ng menudo."
Inis ko silang nilingon, naglapag ako ng papel at ballpen sa lamesa.
"Yan, isulat nyo ang mga kailangan nyo, nakakapagod magpabalik-balik!" Iritang sabi ko
"Kaibigan ko sila at Boss mo ako kaya dapat sundin mo din sila." Malamig na sabi ni Karson pero hindi ko siya pinansin o tinapunan man lang ng tingin.
"Isulat nyo na, bago ko pa kayo gilitan sa leeg." Pinanlakihan ko sila ng mga mata
"Wala na kaming gusto." Sabi nung isa. "Sige na bumalik kana sa loob."
"Yan, mabuti yung nagkakalinawagan tayo." Umayos ako ng tayo at nginitian sila. "Ipapaalala kona hindi lang ako yung katulong ah?"
Inirapan ko sila bago umalis doon at bumalik sa kusina, akmang uupo ako pero hindi natuloy ng magsalita si Tiya
"Tawag ka ni Sir Karson." Sabi nito
"Bahala siya." Tugon ko lang. "Dalan mo pala sila ng Menudo Tiya."
Umirap lang sakin si Tiya bago lumayas ng kusina dala ang menudo.
"Pinatatawag kita diba?" Hindi ko nilingon ang nagsalita. "Madeline!"
Nagpatuloy lang ako sa pagbabasa nitong English book na binili ni Karson para sakin.
"Madeline, I'm talking to you!"
Bahala ka sa buhay mo!
BINABASA MO ANG
Mafia Obsession: Karson Walter [COMPLETED]
RomanceMadeline Sta. Cruz, tanging elementarya lang ang natapos dahil sa kahirapan ng buhay nila, walang trabaho ang Nanay niya at nagbubukid lang ang Tatay niya. Tatlo silang magkakapatid at siya ang panganay. Naisipan niyang magtrabaho bilang katulong ku...