CHAPTER 35

43.8K 1.2K 134
                                    

MADELINE


      "MAMU, I'm excited." Malantod na sabi ni Baklita. "Sureness si me na maraming chupapi sa mall."

"Slex, ang lantod mo." Sita sa kanya ng kambal.

"Ang KJ mo kahit kailan twinny ko."

Aalis kaming apat, pupunta kaming mall, nag aya mamasyal ang mga bata at pinagbigyan kona dahil matagal na din kaming nasa condo lang.

"Ready?" Tanong ni Karson na bihis na bihis. "Btw, You're Beautiful Boss Madam."

"Beautiful?" Nginiwian ko siya. "Muka n'yo akong katulong na tatlo."

"Walang katulong na ganyan kaganda." Hinawakan ni Slex ang kamay ko. "Let's gora Mamu."

"Tama po si Slex, maganda ka Mamu." Sabi naman ni Nlex na humawak naman kay Karson. "Tara na po."

"Mag iingat kayo." Sabi ni Mama. "Enjoy."

"Sige po."

Lumabas kaming apat ng condo, bumungad samin si Josial at isa pang lalaki ng makalabas kami.

"Take care them." Seryosong tinapik ni Karson ang balikat ni Josial. "Call me immediately if something bad happen."

"Makakaasa ka." Tugon ni Josial at ngumiti.

"Ingatan mo si Jomela." Nginisihan ko siya. "Malay mo yun talaga future mo."

"Puro ka biro." Naiiling na tumawa ito. "Malapit na kasal ko."

Nginisihan ko lang siya.

Sumakay kami ng Elevator, nang bumukas ito ay lumabas kami at dumiretso sa parking. Sumakay kami ng sasakyan ni Karson.

"Ganda ng kotse mo po." Manghang sabi ni Nlex na nasa backseat katabi si Slex.

"Dapat Papu lima gulong ng kotse mo po para kakaiba." Hirit naman ni Slex

"Anak, wala pang kotse na lima ang gulong." Natatawang tugon dito ni Karson.

"Utak Alien 'yang Anak mo, parang ako." Sabi ko.

"Atlis tayong dalawa Madir."

Kaninong Anak 'to? Napakalantod. Hindi naman ako malantod, marupok lang

"Papu, meron kang Airplane po?" Tanong dito ni Nlex.

Nakangiting tumango si Karson. "Private plane."

"Wow, paglaki ko po, ako mag-drive nun ah?" Kita ko ang pagkinang ng mga mata ni Nlex.

"I'll give my plane to you kapag nag 21 ka." Sagot ni Karson

"Pagbubutihan ko po."

Sana lang Anak at wag muna tao sakyan mo, mapapatay talaga kita.

"How about you Slex, what's your dream?" Tanong ni Karson kay baklita.

"Well Papu, bukod sa maging habulin ng lalaki, I want to be a business WOMAN." Diniinan nito ang salitang 'Woman'. "Di lang halata Papu pero, matinik 'to pagdating sa pera and negosyo."

"Grabe ka sa negosyo, naging tindera ka lang naman ng talong."

"Mamu, kesyo anong tinda pa yan, business pa din yun." Pinilantik nito ang daliri niya.

"Then I think you will be my heirs." Sabi dito ni Karson

"Ay Papu, hindi ko keri maging buhok mo." Sagot ng baklita

Mafia Obsession: Karson Walter [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon