CHAPTER 19

38.8K 1.1K 84
                                    

MADELINE

   
   TINUPAD NGA ni Karson ang pangako niya, binilhan niya ako ng chocolate fountain kaya sawa sawa ako sa chocolate.

"Hindi kaba nagsasawa diyan?" Nakangiwing tanong ni Tiya. "Sumakit sana ngipin mo."

"Wala ka lang ngipin eh." Sagot ko dito na ikinairap niya

Sa ngayon ay si Tiya muna ang kasama ko dahil si Karson ay nasa mansion nila dahil may inaasikaso daw.

"Hindi ko akalain papatulan ka ni Sir, siguro ginayuma mo siya?" Mapanuri ako nitong tiningna. "Sabi na nga ba at namana mo ang pagiging mangkukulam ng mga ninuno natin."

"Sama ng ugali mo, nabihag lang talaga si Karson sa gandang taglay ko." Mayabang ko siyang nginisihan. "Palibhasa hindi ka minahal ng taong mahal mo."

Hindi ka minahal ni Don Joel

"Mahal? Minahal ako ng Tiyo mo, kaso excited sumama kay Lord kaya ayun iniwan ako."

"Sure ka bang sa langit napunta si Tiyo?"

Sinamaan niya ako ng tingin. "Bagong bili itong walis ni Sir Karson, hampas ko kaya sayo?"

"Susumbong kita kay Karson, gusto mo?"

Umirap lang ito bago ako layasan, nagtungo ito sa kusina, ako naman ay pumasok sa kwarto ni Karson at naupo sa kama.

Kinuha ko ang cellphone ko na binili niya at tinawagan siya sa video call.

"Boss Karson!" Bati ko dito

"I miss you.."

Halata ang pagod sa muka nito, ang laki ng eyebags niya tapos namumutla din siya.

"Uso pahinga Boss." Sabi ko dito. "Kailan balik mo dito? Nagsasawa na ako sa pagmumuka ni Tiya eh."

"I'll be back soon." Tugon nito. "Sa ngayon ang Tiya mo muna ang makakasama mo. Okay?"

"Wala naman ako choice." Natawa ako. "Muka kang pagod, pahinga kana Boss."

"Okay, I love you."

"Mas mahal kita Boss Karson."

Humalik ito sa screen bago patayin ang tawag, napahinga na lang ako ng malalim bago humilata.

Nakakamiss si Boss Karson, gusto ko siyang puntahan doon sa mansion nila kaso baka sagpangin na lang ako bigla ng Bruhang si Donya Karlina.

Pero pagsubok lang naman ito, kaya namin ito. Mahal namin ang isa't isa.

Ilang araw pa ang lumipas pero hindi pa rin nakakabalik si Karson, dalawang araw na din siyang hindi tumatawag kaya inaya kona si Tiya na puntahan siya doon sa mansion.

"Gegerahin ka lang nila Donya Karlina diyan." Sabi ni Tiya habang papasok kami ng gate.

"Sampalin ko pa siya eh." Inirapan ko siya. "Nag aalala lang ako kay Karson."

"What are you doing here?" Bungad agad samin nung bruha ng makapasok kami.

"Si Karson ho?" Syempre kailangan ko pa rin maging magalang, future in law ko yata yan. "Nag aalala ho ako sa kanya."

Biglang lumungkot ang muka nito na ikinataka ko.

"My Karson." Huminga ito ng malalim bago kami talikuran. "Follow me."

Nauna itong naglakad kaya sinundan ko lang siya, nagtungo kami sa kwarto ni Karson.

Nadatnan ko siyang nakahiga sa kama, walang malay at namumutla.

"Ano hong nangyari sa kanya?" Tanong ko at nilapitan si Karson. "Boss Karson."

"Hindi na siya magigising." Sabi nito. "He needs operation, kailangan namin siyang dalhin sa ibang bansa para operahan dahil sa malala niyang sakit."

"Sakit? Teka, masigla pa siya nung nasa condo siya eh." Hinawakan ko ang kamay ni Karson at malamig ito. "Boss Karson."

"Tinago niya iyon sayo, ayaw pasabi ni Karson ang sakit niya." Bigla itong humagulgol. "Kailangan mong layuan ang Anak ko Madeline, kailangan namin siyang dalhin sa ibang bansa para maipagamot."

"Pwede nyo namang gawin yun ng hindi siya binibitawan." Hindi ko kaya. "Maghihintay na lang ako sa kanya."

"You can't understand." Nilapitan ako nito at hinawakan sa dalawang braso. "Kailangan na hiwalay na kayo bago namin siya dalhin sa ibang bansa, ang oopera sa kanya ay ang Ama ni Jillian, hindi niya gagamutin si Karson kapag nalaman niyang may relasyon pa kayo. Kailangan matuloy ng kasal nila para sa ikabubuti ng lahat."

Napatingin ako kay Karson at kay Donya Karlina.

"Ayoko." Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sakin. "Mahal ko si Karson at nangako ako na hindi ko siya iiwan."

"WAG KANG MAKASARILI!" Sigaw nito. "Kung gumaling man siya ay mamamatay din siya dahil siguradong ipapapatay siya ng Ama ni Jillian, Mafia si Karson pero mas malakas ang Ama ni Jillian lalo pa at alam nilang ikaw ang kahinaan ni Karson."

Napatulo na lang ang luha ko at tumango.

Nilapitan ko si Karson at niyakap. "Sorry Boss Karson, iiwan kita pero ikaw lang ang mamahalin ko basta kung magkita man tayo wag kang magalit ah? Gagamitin ko muna yung ipon sa alkansiya natin para makauwi. Salamat Boss Karson."

Hinalikan ko muna siya bago ako lumayo.

"Alam kong ayaw mo sakin Donya Karlina pero salamat pa rin, sana ingatan nyo si Karson." Nginitian ko siya bago lampasan.

Bawat hakbang ko ay para akong dinudurog, okay lang yan Madeline para naman kay Boss Karson ang gagawin mo eh.

"Madeline." Nasalubong ko si Don Joel. "Hayst, are you okay?"

"Oho." Pinunasan ko ang mga luha ko. "Salamat ho sa lahat Don Joel."

"Saan kaba pupunta? Ihahatid na kita."

Dahil parang pagod ako ay tumango na lang ako.

"Siguradong babalikan ka din ni Karson, kapag gumaling siya sasabihin ko lahat sa kanya." Nakangiting sabi nito

Tulala lang ako buong byahe, natigil lang ako ng tumigil din ang sasakyan pero nagtaka ako dahil wala kami sa tapat ng condo. Nasa isang abandonadong lugar kami.

"Ano hong gagawin natin dito?" Takang tanong ko

"Maglalaro." Ngumisi si Don Joel na ikinakilabot ko

Bumaba ito ng sasakyan kaya bumaba din ako

"Babalik na lang ho ako." Sabi ko dito

"Maglalaro muna tayo." Hinawakan nito ng madiin ang braso ko. "Tara na."

"Ayoko ho!" Malakas ko siyang tinulak.

Akmang tatakbo ako pero may matigas na bagay na tumama sa ulo ko, napaluhod na lang ako dahil sa hilo na nararamdaman ko.

"Tangina, tagal kitang pinagnasahan."

Hinawakan nito ang buhok ko at kinaladkad ako papasok sa abandonadong bahay.

Napaiyak na lang ako dahil wala na akong lakas, tangina namang buhay 'to.

Karson..







A/N: JUMBO HATDOG

Mafia Obsession: Karson Walter [COMPLETED]Where stories live. Discover now