CHAPTER 14

40.9K 1.2K 35
                                    

MADELINE


     "KARSON, BABANGON NA AKO." Pilit kong tinatanggal yung yakap niya pero lalo niya lang hinihigpitan. "Hoy!"

"Mamaya na." Ungot nito

"Sasampalin kita." Banta ko. "Bitaw na kasi."

"Madeline, gusto lang kitang yakapin buong magdamag." Sabi nito. "Sige na, kahit ganito lang muna tayo."

Napakalandi talaga ng lalaking ito! Pero mas kikiligin ako kapag sinabi niya sakin ang salitang pinakahihintay ko.

Siyam na letra, apat na salita. Mahal kita

"Napakalandi mo, tatayo na kasi ako."

Pwersahan kong tinanggal ang mga braso niya at mabilis na bumangon, pero mabilis ako nitong nahawakan sa braso.

Hiniga ako nito sa kama at mabilis na pinatungan.

"Karson!" Pinanlakihan ko siya ng mga mata.

"Ang ganda mo kapag naaasar." Natatawang sabi nito. "Tayo na Madeline."

"Pano ako tatayo? Ang bigat mo!"

Tumawa lang ito at mabilis akong hinalikan sa labi.

Nasa ganon kaming posisyon ng marinig ko ang pagbukas ng pinto kaya sabay kaming napalingon doon.

"What are you doing here Jillian?" Umalis sa ibabaw ko si Karson.

Nasa akin ang tingin ni Jillian, sobrang sama ng tingin nito sakin.

"Malandi ka!" Galit itong sumugod sakin, pero bago pa niya ako mahawakan ay agad humarang si Karson. "Malandi kang babae ka!"

"Stop Jillian!" Tinulak siya ni Sir. "Don't insult her, she's not a whore like you!"

"Yan bang malandi yan ang dahilan kaya in-off mo yung engagement natin huh!?" Galit ako nitong dinuro. "Ikaw malandi kang katulong ka!"

"Wag mong idamay si Madeline dito!" Galit na singhal sa kanya ni Karson. "Una pa lang ayoko na sa engagement na yun, mga magulang ko lang ang may gusto nun."

"W-What? Binigay ko sayo ang sarili ko Kars–"

"–Ikaw ang namilit Jillian, walang kasalanan si Madeline."

"Hindi!" Sinipa nito si Karson at mabilis na hinila ang buhok ko. "Malandi ka!"

"Aray, bitawan mo ako!" Hinila ko din ang buhok niya. "Hindi ako malandi! Bobo lang, hindi ko nilandi si Karson, siya ang nanlalandi sakin."

"Ang kapal ng muka mo, hindi ka papatulan ni Karson kung hindi mo siya nilandi!"

"Aray, bwiset ka!"

"Jillian, let go of her!" Nahiwalay kami sa isa't isa ng pumagitna samin si Karson. "Hindi malandi si Madeline, tumigil kana!"

"Ano? Nabihag ka sa katulong na yan? Ano bang pinakain sayo niyan? Mas magaling ba sakin yan sa ka–" Hindi na niya natapos ang sasabihin niya ng sampalin siya ni Karson.

"Isa pang salita mo tungkol sa kanya, hindi kana makakauwi ng buhay." Malamig na sabi nito

Nakaramdam ako ng konting kilabot dahil sa asta niya ngayon.

"What's going on here?"

Hindi pa nakakaalis ang isang bruha may dumating na naman. Ang Reyna ng mga bruha, si Donya Karlina

"Tita Karlina." Umiiyak na lumapit si Jillian dito. "Yung babaeng katulong na yan, may relasyon sila ni Karson, nakita ko silang magkapatong habang naghahalikan."

"Hoy, magkapatong lang kami hindi naghahalikan." Sita ko dito. "Si Karson ang nanghahalik."

"Karson!?" Sumama ang tingin ni Donya Karlina. "Totoo ba? May relasyon ka sa katulong na yan."

"Wala p–"

Hindi kona naituloy ang sasabihin ko ng pagsaklupin nito ang mga kamay namin.

"Yes, we're on relationship." Tugon nito

"Una si Jomella, sunod naman ikaw?" Napaawang ang bibig ko ng sampalin nito si Karson. "Ano pa bang kahihiyan ang ibibigay nyo sakin!?"

"Wala kaming kahihiyang binibigay sayo, nagmamahal lang kami." Tugon dito ni Karson.

Nagmamahal? Mahal? Love?

"Mahal mo ako?" Singit ko. "Weh?"

"Aangkinin ba kita kung hindi?" Kinindatan ako nito.

"Tigilan mo yan Karson." Singit ni Donya Karlina. "Si Jillian ang nararapat para sayo."

"I don't like her."

"Huwag mo akog suwayin, may kalalagyan ka." Dinuro nito si Karson. "Alam ko ring may kinalaman ka sa pagtatago ng kapatid mo at ng nakabuntis sa kanya, sinasabi ko sayo."

"You know me Mom." Nginisihan nito ng malamig ang Ina. "Iba ako magalit, kaya wag na wag mong pakielaman ang relasyon namin ni Madeline, subukan mo ding galawin si Jomela at ibabaon ko ang paborito kong bala sa ulo mo."

"Karson, Mommy mo yan!" Nagbabantang sabi ni Don Joel. "Karlina, pabayaan mona sila, wala na tayong magagawa."

"Tingnan lang natin ang kahaharapin nyo Karson." Tumingin ito sakin. "Sisiguraduhin kong magsisisi ka na umeksena ka sa Pamilya namin."

Umalis ito, sumunod naman sa kanya si Jillian at Don Joel.

"Parang mangkukulam Nanay mo." Sabi ko kay Karson.

Humarap ito sakin at niyakap ako. "Pangako, hindi ka niya–nila masasaktan, nandito lang ako lagi sa tabi mo."

"Yakang yaka ko sarili ko Boss Karson."

"Umuwi na tayo sa Condo, nandito na ang bruha."

Parehas kaming natawa at magkahawak kamay na lumabas ng kwarto niya.

Nang makababa kami sa sala ay nandoon sila Tiya, ang mga Marites.

"Sir Karson, sana po ingatan nyo si Madeline." Sabi ni Tiya. "Kahit walanghiya yan, pamangkin ko pa din yan."

"Don't worry, I will take care of her."

"Magtatanan na ulit kami Tiya."

Tinapik ko si Tiya sa labas bago kami lumabas ng mansion.








A/N: 👍

Mafia Obsession: Karson Walter [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon