CHAPTER 27

44.4K 1.3K 195
                                    

MADELINE


    "TOTOO BA?" Mariing tanong ni Karson at hinawakan ang kwelyo ng damit ko. "SUMAGOT KA MADELINE! TOTOO BA LAHAT NG SINASABI NYO!?"

"O-Oo." Mahinang sagot ko. "Nung araw na iniwan kita sa mansion, ang sabi ng Ama mo na ihahatid niya ako sa condo pero dinala niya ako sa isang abandonadong bahay. D-Doon niya ako, paulit ulit na ginalaw."

"PUTANGINA!" Sigaw nito

Kita ko ang pagbagsak ng mga luha niya.

Hinarap nito si Jillian at sinakal. "Alam mo ba'to Jillian huh? Putangina! Alam mo ba'to!?"

"K-Karson!" Pilit nitong tinatanggal ang pagkakasakal sa kanya ni Karson.

"Karson!" Bago pa niya mapatay ang babae ay agad siyang hinila nila Ezar.

"SUMAGOT KA JILLIAN!" Galit na sigaw ni Karson. "Alam mo ba!?"

Tumulo ang mga luha ni Jillian bago dahan danang tumango.

"BAKIT HINDI MO SINABI!?" Sinugod nito si Jillian at malakas na sinampal. "Tangina!"

"B-Biktima din ako!" Humahagulgol na sabi nito habang sapo ang pisngi niya. "B-Biktima din ako ng Ama mo at ng T-Tatay ko!"

"W-What?"

"K-Kaya gustong gusto kong magpakasal sayo para makalaya na ako sa Tatay ko at Tatay mo!" Huminga ito ng malalim. "A-Ako lang naman ang paboritong laruan ng Ama mo at Ama ko, marami kaming biktima!"

Dinampot ni Karson ang isang upuan at malakas itong hinagis sa gawi ni Jillian.

Tumingin ang umiiyak na si Karson sa gawi namin, unti unti itong lumuhod at niyakap ako sa bewang.

"Sorry..." Lalong lumakas ang iyak ko ng umiyak ito ng malakas. "W-Wala akong kwenta, sa sobrang pagtitiwala ko kay Daddy nabulag na ako..."

"Karson..."

"Na-protektahan ko ang ibang babae laban sa mga ka-uri ng Tatay ko pero hindi ko nagawang protektahan ang kapatid at Mahal ko." Umiling iling ito. "H-Hindi ko alam na ang taong iniidolo ko ng sobra ay ang tao ding sumira sa buhay ng taong Mahal ko."

Dahan dahan kong hinaplos ang buhok niya.

"Putangina! Wala akong alam!" Puno ng hinanakit sa bawat bigkas nito ng salita. "S-Sinubukan kong alamin naman pero kulang pa rin, Sorry Madeline.."

Humiwalay ito sa yakap sakin at nilapitan si Jomela.

"Patawarin mo si Kuya, nangako ako na walang pwedeng manakit sayo pero hindi ko alam na nagawa na pala ng taong dapat pumo-protekta sa'tin.."

"A-Ang tagal kong kinimkim lahat Kuya, kung ako lang matatanggap ko pa eh, pero madami kami. Hindi ko akalaing gagawin sakin ni Daddy yun..." Humahagulgol na sabi ni Jomela. "Prinsesa niya ako eh, pero isa na niya akong biktima."

"Pangako, magbabayad siya." Pinunasan nito ang luha ng kapatid. "Hindi siya makukulong, sisiguraduhin kong mamamatay siya sa mga kamay ko."

Tumingin ito sakin at lumapit, sinapo nito ang pisngi ko at pinunasan ang mga luha ko.

"W-Wala akong nagawa noon para sa'yo, patawarin mo ako ah? Hindi na mauulit yun, papatayin ko siya, papatayin ko sila..." Lumuhod ito at niyakap ang kambal. "Patawarin nyo ako mga Anak ah? Pwede nyong suntukin si Papa, saktan nyo ako pero please lang wag kayong magalit sakin."

"Hindi Papu.." Tugon ni Nlex at niyakap ito.

"Hindi kami galit sa'yo Chupapi kong Papu." Malantod namang sabi ni Slex.

Hindi ko alam kung ilang minuto o oras kaming nag-dramahan sa Barangay office basta namalayan kona lang na nakauwi na kami sa bahay.

Maga ang mga mata namin, kahit yung mga kaibigan niya. Naiyak sila

"Uminom kayo." Naglapag si Momshie T ng isang pitsel ng tubig at dalawang baso–basong cup noodles. "Share share na lang sa baso, wag maarte baka masubo ko talong nyo."

Nagsalin ako ng tubig sa isang baso at inabot kay Karson na tulala lang habang nilalaro ang kamay nung kambal na nakakandong sa kanya.

"Inom ka muna." Sabi ko

Umiling lang ito.

"Dami mong niluha kaya uminom ka." Tinapat ko ito sa bibig niya kaya wala siyang nagawa kundi inumin yun.

"Karson, kailan ba natin uumpisahan ang pagdali sa Tatay mo?" Tanong dito ni Archer.

Nagkibit balikat lang ito at parang may iniisip na malalim. Kilala ko ito, nagbabalak ito ng masama.

"Oh." Inabutan ko si Jillian ng tubig na agad niyang kinuha at ininom

Muka itong mangkukulam, gulo gulo ang buhok, hulas make up at mugto ang mga mata.

"Masakit manakal si Karson?" Tanong ko dito

Tumango ito. "Pero sa kama masarap."

Alam ko

"Gusto mo gilitan kita?" Banta ko. "Expert ako diyan."

Umirap lang ito. Malantod!

"Sasama ko kayo sa pagbalik ko." Sabi ni Karson. "Uuwi na tayo sa Condo."

"Teka, wala sa usapan ya–"

"–Sasama kayo." Mariing sabi nito

"Karson, dito lang kami!" Madiing sabi ko. "Pwede ka namang dumalaw na lang...Anong?"

Bigla na lang akong nahilo pero bago ako tuluyang bumagsak ay may mga brasong sumalo sakin.

"Madeline.." Ngisi ni Karson ang nakita ko bago ako lamunin ng dilim.








A/N: NASA EXCITING PART NA TAYO WAHAHAHAHA

Mafia Obsession: Karson Walter [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon