CHAPTER 12

41.7K 1.3K 81
                                    

MADELINE


    "WHAT YOU DOING?" Tanong ko kay Karson at mayabang na ngumisi. "You motherfvcking bitch."

"It's 'What are you doing?'." Pagtatama nito sakin. "Wag mo rin akong murahin."

"Atleast improve." Nakangiting sabi ko. "Mura pala yun? Narinig ko lang yun eh."

"Hindi kapa ba inaantok?" Tanong nito. "Uuwi na tayo kung gusto mo, bukas kona ito tatapusin."

Gabi na kasi at hanggang ngayon ay hindi pa siya tapos sa ginagawa niya, pano inuna pa akong landiin.

"Tapusin mo muna yan." Sabi ko dito. "Sige na."

"Yakap." Binuka nito ang kamay niya. "Kailangan ko ng energy."

"Muka ba akong battery?" Nilapitan ko siya at niyakap. "Kaya mo yan Boss Karson, isipin mona lang ako 'yang mga papel at nilalandi mo ako."

Natawa lang ito bago humiwalay sa yakap. "Ubusin mona Ice cream mo."

Bumalik na lang ulit ako sa sofa na kinauupuan ko at nilantakan yung ice cream na pinabili niya sa secretary niyang pasan ang mundo.

"Karson, may sama ba ng loob ang secretary mo?"  Tanong ko

"Hindi ko din alam." Natatawang sagot nito. "Galit sa lalaki ang isang yun."

Tumango na lang ako

Galit pala siya sa lalaki, bakit pati sakin nakasimangot siya? Hampasin ko kaya siya ng sapatos sa ulo o kaya ipaamoy ko sa kanya ang panty ko?

Halos dalawang oras pa ang tinagal ni Karson hanggang sa matapos siya.

"Finally." Umakbay ito sakin habang naglalakad kami patungong parking. "Gusto mo munang kumain?"

"Busog ako Boss Karson." Tugon ko. "Ikaw gusto mo ba?"

"Mag cup noodles na lang ako sa bahay." Sagot nito

Sumakay kami ng sasakyan niya.

"Boss Karson, sa tingin mo okay lang yung kapatid mong masama ang ugali?" Tanong ko

"Nag aalala ka sa kanya?"

"Hindi noh." Umirap ako. "Sama sama ng ugali non kaya."

"Ayos lang yun, wag kang mag alala, tatawagan natin siya bukas." Sabi nito. "Gusto mo bisitahin natin siya?"

"Wag na, ayokong makita ang pagmumuka niya."

Natawa lang ito at ginulo ang buhok ko.

Nang makarating sa condo ay agad siyang nag-park, bumaba kami ng sasakyan at dire diretsong pumasok sa loob.

"Magbihis kana, handa kona yung kakainin mo." Sabi ko dito

"Thank you."

Nagtungo ako sa kusina at hinanda ang kakainin niyang cup noodles. Nang matapos ako ay nagtungo ako sa kwarto ko at dumiretso sa C.R

"Hay, salamat nakaligo din."

Nagbabad lang ako konti bago umahon, nagbihis ako ng pantulog at lumabas.

Nadatnan ko si Karson sa sala na kumakain habang nanonood.

"Gusto mo?" Alok nito pero umiling ako. "Tabi tayong matulog."

"Sige."

Nang matapos siyang kumain ay pinatay niya ang T.V tapos dumiretso na kami sa kwarto niya.

"Boss Karson, tulog lang ah? Kapag naglikot 'yang kamay mo, puputulin ko yan." Banta ko dito. "Dalagang Pilipina ako kahit malandi ako."

"Behave lang ako." Sabi nito. "Hindi ako namimilit ng babae."

"Hindi mo naman ako kasi kailangan pilitin."

"Matulog kana, pinasasakit mona naman puson ko."

Natawa lang ako bago pumikit, dinama ko ang matigas niyang katawan at malambot niyang mga braso na nakayakap sakin.

Nang magising ako ay paa na ni Karson ang nasa muka ko. Tumayo ako at nakita kong nakayakap siya sa paa ko.

Yawa, pano ko napunta dito sa paanan?

Umalis ako ng kama at nagtungo sa banyo niya, naghilamos ako tapos ay lumabas. Dumiretso ako sa C.R at nagluto ng almusal namin.

"Good morning."

"Magandang umaga." Nakangiting bati ko kay Karson na walang suot pang itaas. "Daming pandesal ah."

"Gusto mong hawakan?"

"Kainin ko pa yan eh."

Napailing lang ito bago umupo sa kaharap kong upuan.

"Pupunta akong mansion, wala sila Mommy kaya mag-i-stay muna ako doon." Sabi nito. "Sasama ka sakin."

"Sige, pero bawal nilang malaman relasyon natin ah?"

Kumunot ang noo nito. "Bakit? Kinakahiya mo ako?"

"Tanga, baka isipin nila nilandi kita ganon. Basta, ayaw ko munang malaman nila. Mahirap na rin baka sabihin nila sa Nanay mong bruha."

Umirap lang ito at tahimik na kumain

Tusukin ko ng tinidor mata nito eh.

"Galit ka?" Tanong ko pero hindi niya ako pinansin. "Parang tanga naman 'to."

Tumayo lang ito at dumiretso sa kwarto niya, sinundan ko naman siya.

"Ganon? Hindi mo ako papansinin? Sige okay lang." Inirapan ko siya at nilayasan.

Nagtungo ako sa kusina at niligpit ang pinagkainan niya.

Tahimik lang kami at hindi nagpapansinan sa sasakyan, hanggang sa makarating sa mansion nila.

"Madeline." Sinalubong agad ako ni Tiya. "Kamusta?"

"Okay lang." Sagot ko. "Akala ko hindi ko na makikita pagmumuka mo eh."

"Siraulo ka talaga kahit kailan." Hinampas ako nito sa braso. "Sir, maayos naman ho ba ito?"

"Wag mong kausapin 'yang pangit na yan." Masungit kong sabi.

"Tsk."

"Hoy umayos ka nga." Sita sakin ni Tiya

"Doon tayo sa kusina, namiss kong maglinis ng mansion." Hinila ko si Tiya paalis kay Karson. "Nasan mga panty ni Donya Karlina? Lalagyan ko ng sili ng makaganti ako."

"Manahimik ka nga, baka isumbong ka ng ibang katulong dito."

"Aba'y pakielam nila, sampalin kopa mga puday nilang maangot eh."

"Ang ingay mo kahit kailan, buti natagalan kang kasama ni Sir Karson."

Napairap na lang ako ng marinig ang pangalan ng lalaking yun






A/N: WALANG PANSINAN CHALLENGE SILA..SINONG TATAGAL?

Mafia Obsession: Karson Walter [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon