I

116 13 35
                                    

Alexa's POV

I immediately drank the half-empty glass before releasing it from my shaking hands. With displeasure, I threw the crumpled newspaper on the table before fishing out my phone.

Kanina ko pa hinihintay na pulutin ng kapatid ko ang tawag pero magpahanggang ngayon ay hindi pa rin siya sumasagot. Habang tumatagal ay mas lalo akong nilalamon ng takot.

Dumako na naman ang tingin ko sa mga malalaking letra sa unang pahina ng diyaryo at hindi maiwasang makaramdam ng pangamba.

'Cammie Solerio, Anak ng Isang Sikat na Pulitiko, Dalawang Gabi Nang Nawawala!'

"The number you have dialed is out of coverage area. Please try your call later."

Napamura ako sa isip. I gritted my teeth at agad tinipa ang number ng roommate niya bago sumalampak sa sofa.

Where the hell could my sister be?!

[Cammie? Cammie ikaw ba to?]

"No, Florence. This is Alexa,"

[Oh, hello ate... Nakauwi na po pala kayo?]

"After ko 'tong mabalitaan, talagang uuwi ako kaagad Florence. Please tell me this is just another prank you two made to scare the shit out of me... I'm telling you, this isn't funny!"

I heard a nervous gulp at the other side. My heart pounded, and my hand began to feel clammy against my bouncing knee.

[I-I wish I could say that ate, b-but she just... disappeared. Bigla na lang siyang nawala.]

Mas lalong akong nanghina sa mga tinuran niya.

"Do you have any idea where she might be?" Ilang saglit din siyang natahimik bago nagsalita. My hands began sweating cold sweat at hindi maganda ang kutob ko.

[Nung gabing 'yon, meron siyang late night shift pero dapat nakauwi na siya bago mag ala-una pero hindi siya umuwi. Alam naman nating lahat ate na halos kilala na niya lahat ng tao dito sa atin kaya ang buong akala ko, baka dahil sa sama ng panahon, nakitulog na lang siya sa kakilala niya, or kanila Sandy at Zein. Pero hindi siya nagpakita kaninang umaga. I tried contacting everyone but it was in vain, walang nakakita sa kaniya,] paliwanag niya na siyang pinanlumuan ko ng husto.

Hindi na ako sumagot at ibinaba na ang tawag. I may sound rude but I have to find my sister. Sa pangangamba ko, hindi ko napansing napahigpit ang hawak ko sa phone at nagkaroon ito ng basag.

My little sister is not that weak and if someone would try and attack her, I know she'll be able to handle herself. She's equipped, alam niyang gumamit ng taekwondo at nagtraining na rin siya ng self-defense.

So why? How did she disappear?

I'm starting to feel depressed and empty. Hindi ko alam kung saan ko siya sisimulang hanapin. She's not the type to wander late at night kaya alam kong may mali.

Tama nga ang hinala ko. Hindi na sana ako pumayag na mamuhay siya ng mag-isa dito sa probinsya. She's not made to live here.

Sinubukan kong kontakin lahat ng taong malapit sa kaniya, even her dad. But his line is always busy and that made me curl my fist turning them white.

Son of a bitch, wala na talagang panahon para sa anak niya.

Pinunasan ko ang namuong luha sa gilid ng aking mga mata. I quickly stood up ang walked out of the living room. I need to know everything there is to know.

I saw my best friend, Kristal, in the kitchen, but I continued straight for the door. Binigyan niya ako ng malapad na ngiti na agad lang ding naglaho nang makita niya kung gaano ako kamiserable. Hinigit niya ang aking pulsuhan kaya napaharap ako sa kaniya.

The Harvest [Unedited]Where stories live. Discover now