XXXII

25 2 1
                                    

Alexa's POV

I was awakened by the sunlight touching my face and to the sound of the beeping machines around me. Sinubukan kong buksan ang aking mga mata pero napapikit lang ng husto nang maaninag ang matinding sikat ng araw.

"Alexa," rinig kong sambit ni Jacob at naramdamang may bumigat sa aking tabi. "How are you feeling?"

"How long was I out?" kinusot ko ang aking mga mata. Napahawak naman ako ng husto sa aking ulo dahil parang mabibiyak ito sa kirot. 

"About eighteen hours-"

"What?!" napalakas ang aking boses at wala pang isang segundo ay napaupo.

"The funeral? What happened to the funeral? Si Kristal..." namilog ang mga mata ko at nanumbalik sa akin ang pag-aalala. 

"She's stable, for now. Esmeralda's also with her," nakahinga ako ng maluwag nang sabihin niya 'yon. "You should rest first," dagdag pa niya.

"No. No," mainot kong tinanggal ang kulay puting kumot sa aking katawan nang mapansin ko si Cammie sa katapat kong kama. Nangilid ang aking mga luha kaya agad kong pinunasan ang mga iyon.

"Masyado na tayong maraming naaksayang oras. We have to find Angelo fast," sambit ko sabay suminghot.

"I shot him."

Agad kong ibinaling ang tingin sa kaniya. Napataas ang aking kilay nang nanumbalik sa akin ang mga putok ng baril bago ako tuluyang mawalan ng malay.

"I shot him twice, in his arm and chest. Hindi ko alam na tatalab sa kaniya ang bala na ginawa ko."

Mas lalo akong naguluhan sa kaniya. Nanatili akong tahimik habang pinagmamasdan ang mga linya sa monitor na nakakabit sa kapatid ko.

"Here," iniabot niya sa akin ang isang bala, 9×19mm Parabellum. Kapansin-pansin ang kulay pulang marka sa dulo at mga gasgas sa shell nito.

"Isa lang ang nalagyan ko ng pulbura na ibinigay ni Esmeralda kaya ang unang bala lang ang nakapasok sa katawan niya. Hindi tumalab ang balang pinaputok ko sa kaniyang puso at agad lang naghilom ang kaniyang sugat," tumayo na siya at napatingin sa kisame habang nakapamaiwang.

"Do you think we can contain him?"

Napatango ako sa tanong niya kahit nakatalikod siya sa akin. Unti-unting sumisibol sa kalooban ko ang pag-asang mabibigyan namin ng hustisya ang mga biktima. Ang kailangan lang namin ngayon ay ang mga angkop na armas.

Nagtungo ako sa gilid ng hospital bed ni Cammie at hinawi ang mga ibang hibla ng buhok na tumatakip sa kaniyang maamong mukha.

I know you'll be against this, but killing whoever did this is the only way to stop him.

Inayos ko ang gusot sa aking damit at sinuot ang kulay itim na jacket na nakasabit malapit sa pinto. "Tara na?"

"Where?" tanong ni Jacob at sumunod sa akin palabas ng kuwarto ni Cammie. Mainot kong isinara ang pinto at nagsimulang naglakad.

"Na saan ba ang kwarto ni Kristal?"

"Wala siya rito. She's in Bangged and Esmeralda disguised herself as her guardian. Nagulat nga rin ako nang bigla na lang siyang humarang sa sasakyan kahapon. Inutos niyang dalhin kita rito sa mansyon ni Rolando at siya na raw ang maghahatid kay Kristal sa ospital. I have no complaints since after fighting that guy, alam kong mas kayang protektahan ni Esmeralda ang kaibigan mo," paliwanag niya at tumigil sa paglalakad. Ganon din ang ginawa ko nang bigla siyang humarap sa akin.

"I was scared," he gulped and turned his gaze away from me.

"For the first time, I was scared of something. You see this?" turo niya sa kaniyang sugat sa pisngi.

The Harvest [Unedited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon