VIII

40 9 14
                                    

Alexa's POV

"Lumabas na ba ang resulta ng autopsy?" tanong ko kay Jacob habang kinukusot ang mga mata ko. Napabuntong-hininga ako nang silipin ang oras sa relo. Alas siyete na pala ng umaga,

"You need some sleep," tugon niya sa 'kin at nagpatuloy lang sa pagtipa sa kaniyang laptop. Dumako ang titig ko sa kaniyang hulma at sa kaniyang mahahabang daliri. 

I wonder what else can he do with those fingers.

Ipinikit ko ng husto ang mga mata ko para maiwaksi ang mga katarantaduhang namemeste sa aking utak. I still have a lot on my plate right now at hindi ko na dapat pang dagdagan ang problema ko.

Nagising naman ang diwa ko nang bigla siyang tumingin sa gawi ko at napatayo. Napansin niya kaya 'yong malagkit kong titig? Galit ba siya?

Not that I care if he gets angry. Isa pa, hindi naman talaga maipagkakailang masarap siyang titigan. He's still wearing the same white fitted shirt yesterday kaya bakat na bakat ang mga tinatago niyang pandesal.

Napahikab ako at nag-unat habang pinanonood siyang umalis sa loob ng tent.

Kaming dalawa na lang ni Jacob ang nagpaiwan dito para mag-imbestiga samantalang si Alec naman ay dumeretso sa mansyon ni Rolando. Buong gabi kaming nangalap ng impormasyon sa mga missing reports pero limitado lang ang nakuha namin.

Sa labindalawang biktima, tatlo pa lang ang lumilitaw; Sandy Vargas, Melissa Zulueta, at Kelly Ancheta. They were found dead, eyes open and lying face-flat. All three were ladies aged eighteen to twenty-five. Lahat sila ay huling nakita bago mag hating-gabi. Bukod dun, ang iba sa kanila ay walang karelasyon, maliban kay Sandy.

Dahil sa kadaldalan ni Cammie, hindi na lingid sa kaalaman kong meron siyang pa tagong ka relasyon.

Napaisip ako. Kung puro babae ang kaniyang mga biktima, hindi kaya mga birhen ang kaniyang pakay?

Nagngitngit ang mga ngipin ko sa galit. Hindi ko maiwasang isipin ang kababuyang ginagawa niya sa mga katawan ng kaniyang mga biktima lalo pa't nauunawaan ko sila ng husto. Hindi ko rin mapigilang isipin kung anong nangyari at nasaan si Cammie. But there's something that tells me she's still alive. 

No. I know she is.

In any circumstances, we must definitely put who's committing all this behind bars!

"It's too early in the morning, bakit ganiyan ka na makatitig sa laptop?" Ibinaling ko ang atensyon kay Jacob at hindi naiwasang mapalunok. Tama ka naman Jacob, ang aga-aga pero ganito ako makatitig sa hapit mong damit.

Tumikhim muna ako at ibinalik ang tingin sa sarili kong laptop bago sumagot. "Just skimming through your report. Napansin mo rin ba-"

"As much as I want to solve this odd disappearance cases the soonest, we can't work on an empty stomach. Here..." iniabot niya sa 'kin ang isang brown paperbag, "finish this then we'll continue the discussion in the morgue. Kumain ka muna. Hindi ka pa man din kumain ng hapunan kagabi."

Busog na ako Jacob.

Tatanggihan ko na sana ang alok niya nang biglang kumalam ang tiyan ko. Ramdam ko ang pagkalat ng init sa aking mukha kaya agad kong ibinaling ang tingin sa mga papel na kalalabas lang sa printer. "Just put it there, babasahin ko lang 'to saglit."

"Hindi ko alam na may talent ka palang magbasa ng pa baliktad," usal niya kaya napatingin ako sa papel na hawak. 

Fuck! Hindi ko alam kung may mukha pa akong ihaharap pagatapos ng magkasunod na kahihiyan. 

"Gutom lang 'to, ano ka ba." 

Good heavens, this is cringeworthy. Inalapag ko na lang mga papel sa mesa at napatigil dahil sa aking nabasa, 'Michelle Thornton'.

The Harvest [Unedited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon