XXXVI

14 2 1
                                    

AN: Graphic depiction of gruesome event ahead. Be advised.

Alexa's POV

"Yeah, I understand. Always keep me updated about her condition... No! I'll come see her there when she wakes up, basta please lang ayusin mo ang lagay ng kapatid ko. Ako mismo ang papatay sa 'yo kung may hindi magandang resulta ang operasyon!" Padabog kong ibinaba ang tawag at itinago ang cellphone.

Cammie's transplant has finally begun. Kinailangan siyang ilipad papunta sa Europa para do'n operahan dahil nandon ang donor ng puso niya.

"Are you alright?" tanong ni Jacob sa tabi ko. Nakatuon ang atensyon sa daan pero ramdam kong kanina pa niya ako ninanakawan ng tingin.

"I'm fine," I reassured him which made him sigh. I shifted on my seat before digging through my small pouch and smiled when I found what I was looking for.

Nakahinga ako ng maluwag nang makitang nakasindi pa rin ang kandilang ibinigay ni Esmeralda. Maliit na ang apoy nito pero malakas pa rin ang pakiramdam kong magiging maayos din ang lahat.

Kasalukuyan naming binabaybay ang daan papunta sa bahay ni Mateo dahil pa sapat na impormasyon na nakapaloob sa love letter na ginawa niya para kay Joana.

To be honest, I find it hard to believe that a monster such as him is capable of loving someone, especially someone like Joana.

Malaki ang hawig ng anak ni Ross sa kapatid ko kaya matalik silang magkaibigan. I only knew her for a brief of time but she was a kind lady. I would never, ever imagine her being with someone like Angelo but that's what the letters imply. Like me, her mom shares the belief that Angelo's the monster. I don't know about Joana. Knowing her, I'm positive she saw him differently and I have no right to question her.

Pero iba kami ng pagkakakilala sa kaniya. He tried to kill my sister and my bestfriend. I will not have any second thoughts on doing what I have to do.

Binunot ko ulit ang magazine ng baril at sinuri ang balang ginawa namin ni Jacob. The only thing left to do now is to bury this bullet in Angelo's chest, then all of this will finally be over.

"We're here," pagpukaw ni Jacob sa atensyon ko. Sabay naming nilisan ang sasakyan at agad nagtungo sa tarangkahan ng bahay. Naningkit ang mga mata ko ng mapansing wala man lang kahit anong senyales na gumawi ang mga pulis dito.

Halos walang pinagbago ang bahay ni Mateo, tanging kulay lang ng pintura at mga naidagdag na halaman. It's still the same two-story house we used to occupy when during summer. I mentally slapped myself and followed my partner.

"I thought they already investigated here?"

"Yes." Pinindot ng kasama ako ang doorbell. Tinaasan ko siya ng kilay dahil halos dalawang minuto niya nang inuulit ang ginagawa pero wala pa ring sumasagot.

"Why do you have to press the doorbell when Mateo lived alone? I read his documents and I knew him before kaya alam kong nasa America ang mga kamag-anak niya."

"I'm surprised you read the investigations on him," sambit niya. Napansin ko namang napahawak siya sa kaniyang baril nang pihitin ang doorknob.

Nagkatinginan kaming dalawa bago dahan-dahang pumasok sa loob ng bahay.

"Michelle's mom lived here, with her daughter and Mateo," bulong niya. Napahigpit ang pagkahawak ko sa sariling baril nang mapansin ang kalat sa buong sahig. The whole place is a total mess.

"The hell!"

Halos maduwal ako nang malanghap ang nakakasulasok na amoy ng nabubulok na karne. Dali-dali kong tinakpan ang aking ilong gamit ang manggas ng damit ko. Nakita ko namang kumaripas ng takbo si Jacob papunta sa loob ng isang silid kaya agad ko siyang sinundan.

The Harvest [Unedited]Where stories live. Discover now