XXVIII

25 5 24
                                    

Acheron's PoV

"Sinira niyo 'yong phone na kabibili ko?" takhang tanong ni Cammie nang makita ang itinapon kong gamit sa buhangin. Nagsalubong ang kaniyang kilay at nakapamaywang habang nakatingin sa akin.

"Don't look at me," ibinaling ko ang tingin sa kasama ko. "It was Alpheus. Bigla na lang niyang hinablot sa bulsa ko."

"I'm sorry, ok?" pag-suko ni Alpheus sabay taas ng kaniyang mga kamay. "Masyado lang akong nataranta nang hindi ka namin mahagilap. Saan ka ba nagpupupunta?"

"Ako?" turo ni Cammie sa sarili niya.

"Sino pa ba?"

"Hinatid ko lang si manong," sagot niya at nagkibit-balikat. "May problema ba?"

Napailing ako agad sa tanong niya. Nakahinga ako ng maluwag nang napagtantong hindi niya alam ang sinapit ng matandang magsasaka.

We don't want her knowing the problem at hand. Knowing her, she'll just feel unnecessarily guilty when all of these is not her concern. Trabaho naming mga reapers ang siguraduhin ang kapayapaan ng mga patay at mortal at naipit lang siya sa pagitan.

"Then who's with you earlier?"

Nagsalubong ang kilay ko nang tumingin kay Alpheus at napaisip din sa kaniyang tanong. Kanina, napag-alaman ko sa mga kapitbahay na may tumulong daw sa kaniyang buhatin ang matanda kanina.

"Ah, si Angelo ba? 'Yong apo ni manong?" nakangiting sagot ni Cammie.

I froze on the spot. Gano'n din si Alpheus. Walang pamilya ang matandang mangingisda at sa mga lokal na mismo nanggaling 'yon.

"Then what happened? Are you alright?" Hinawakan ni Alpheus ang magkabila niyang balikat kaya nagtaka ng husto si Cammie. Hinigit ko kaagad si Alpheus at tinignan siya ng mariin kaya natauhan siya.

Tumango si Cammie at napanguso, "Ang paranoid niyong dalawa. Wala naman siyang masamang ginawa sa 'kin. Ang totoo niyan, nag-alok pa nga siya na ihahatid niya raw ako rito pero tumanggi ako kaya nagpaiwan na lang siya para alagaan 'yong lolo niya."

She is clearly unsuspecting of this Angelo guy and I feel bad for her.

Regardless, both Alpheus and I are facing a great crisis. This is clearly the work of Phlegethon, at nagkatawang tao rin siya. Our disguises are already compromised and I bet he's been toying with us all this time.

"I'm going to stroll on the other side of the island," sambit ko at tumalikod na sa kanila.

I have to find Phlegethon and keep the both of them away from him.

-

I returned to my reaper form without letting a single soul see me but once I did that, tumambad sa harapan ko ang nakakahilakbot na ngiti ni Phlegethon.

He was right on my face, looking at me eye to eye while grinning like a mad man.

Agad kong pinalaki ang distansya sa pagitan naming dalawa dahil sa pagkabigla. Napahiyaw ako sa sakit nang maramdaman kong may tumama sa aking tagiliran.

It's a kinife. Halos dalawang dangkal ang laki nito at tumagos sa katawan ko. Kitang-kita ko kung paano siya humalakhak ng nakakaloko habang pinanonood ang aking paghihirap.

"Wha-t happened to you?" nahihirapan ko tanong. Napasigaw ako at nakaramdam ng panghihina nang bunutin ko ang punyal sa aking tagiliran.

"You look great, Acheron. Kamusta na ang kapatid ko?" pang-uuyam niya habang nakangisi. "Baka gusto mo munang ayusin ang tagiliran mo bago makipag-laro?"

The Harvest [Unedited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon