XVI

42 6 23
                                    

Alexa's POV

"I don't believe this!" Hinampas ko ang mesa ng receptionist na siyang ikinagulat niya.

Hindi ko gusto ang mga nangyayari. Halos isang oras naming binaybay ang daan papunta rito sa opisina ni Detective Ross tapos sasabihin lang niyang hindi pa ito nagpapakita sa loob ng dalawang araw?!

Napatalikod ako sa babae sa inis at napatampal sa noo ko. 

"In the middle of this case saka siya mawawala? He's impossible."

"Yeah," pagsang-ayon ni Jacob sa'kin. "Ross is one of the most hardworking persons I know. Him having an AWOL doesn't sit well with me."

"Then can I have a copy of Mr. Mateo Dematera's interrogation?" kalmadong sambit ng kambal ko sa receptionist.

Aligagang tumango ito sa kaniya at agad tumipa sa computer. Ilang saglit pa bago siya tumingin sa gawi ko at napalunok.

"Na-nawawala po ang mga files. Pasensya na po,"naiiyak niyang sambit at napayuko. Baguhan ba siya?

"FUCK THIS!" Walang awang sinipa ni Alec ang pinakamalapit na upuan. I may have a bad temper, but his is on another level. Padabog siyang lumabas ng gusali habang tumitipa sa kaniyang phone.

Jacob pinched his nose bridge in frustration. "Then can we at least have Detective Ross' report on this case?"

Lumiwanag ang mga mata ng babae dahil sa mahinahong pakikitungo ng partner ko sa kaniya. Pinaningkitan ko siya ng mata at nakaramdam ng inis dahil sa malagkit na tingin niya kay Jacob.

"Here," inabot ni Jacob ang flashdrive na siya namang magiliw na tinanggap ng babae. Umismid na lang ako at napairap sa landiang nagaganap.

Halos limang minuto ring nagpacute at nagpaepal ang babae sa kasama ko bago ibalik ang flashdrive.

"Ito na po," ngumiti siya ng pagkalapad-lapad, "balik po kayo ulit kung kailangan niyo po ng assisstance ko."

'As if naman babalik pa kami rito' bulong ko at tumalikod. I heard Jacob chuckle a bit but I paid him no attention. Isa pa 'yan, gustong-gusto magpalandi.

"Did you get it?" tanong ni Alec kay Jacob habang tumitipa sa cellphone niya. Hinablot niya ang flashdrive sabay pasok sa loob ng sasakyan. Nagkatinginan naman kaming dalawa ni Jacob bago siya sinundan.

"What's wrong?" sambit ko kay Alec na abala sa laptop niya.

"I tried contacting your ex," sagot niya na nagpainit ng ulo ko. "He didn't answer, of course. I also asked Rolando if he could track him but it's negative."

"And what does that supposed to mean?" si Jacob ang nagtanong at pinaandar ang sasakyan.

"He disappeared."

"WHAT?!" I rubbed my temples because this is just too much misfortune in a day!

"That's not only our problem. Detective Ross is also off the radar. Pareho silang huling nakitang magkasama."

"Do you think they're working together?" tanong ng partner ko at naglabas ng sigarilyo. "Saan sila huling nakitang magkasama?"

"At his office. Detective Ross didn't clock out but drove away with your ex," sagot niya at ipinakita ang police database ng buong rehiyon.

Napabuntong-hininga ako. Ang hirap intindihin ng mga nangyayari, nangangapa kami sa dilim. Hindi rin namin alam kung aatake ulit ang sinong may pakana nito, kung may biktima nanamang lilitaw.

And I'm still worried for my comatosed sister and her heart transplant. Idagdag pa ang mga babala ni Esmeralda.

"Shit."

The Harvest [Unedited]Where stories live. Discover now