XXXIX

19 2 4
                                    

Cammie's POV

Hindi ko na naramdan ang pagmamanhid ng aking katawan at ang hapdi ng mga sugat na natamo kanina. Agad tinungo ang kinaroroonan ni Alpheus at nagsimulang mangilid ang aking mga luha habang pinagmamasdan siyang nakahandusay sa buhangin.

"Alpheus!" rinig kong sigaw ni Acheron. Patuloy niyang prinoprotektahan ang katawan ni Alpheus laban kay Briareus. 

Ilang beses pa akong natisod at nadapa bago ko siya narating. Tuluyan nang bumagsak ang aking mga luha nang malapitan ang kaniyang katawan. Wala siyang malay at kapansin-pansin din ang pag-agos ng dugo mula sa sugat sa kaniyang noo.

"Hoy," niyakap ko siya at pinunasan ang aking mga mata gamit ang aking mahabang mangas. "Alpheus..." 

Ilang beses ko siyang tinapik at niyugyog. Nahahamog na rin mga mata ko hanggang sa naramdaman kong gumalaw siya sa aking mga bisig. Nakaramdam ako ng tuwa at para akong nabunutan ng tinik nang marinig ko siyang magsalita.

"What happened?"

"Hindi ko alam, hindi naman ako 'yong nawalan ng malay!" Niyakap ko siya ng mahigpit. "Akala ko talaga kinuha ka na sa 'min ni Lord."

"I'm fine. I'm just a little dizzy."

"For Nether's sake, Alpheus! Pinakaba mo ako ng husto," sambit ni Acheron nang makababa sa kinaroroonan namin. Gumawa siya ng malaking pader na gawa sa yelo para hindi kami mataamaan at ipinagdikit ang kaniyang mga palad.

"You don't have to fight with us... You need to rest--"

Naputol ang aming pag-uusap nang nabasag ang pader na ginawa ni Acheron. Napako kaming tatlo sa aming pwesto nang mapansin ang malaking espada papunta sa gawi namin. Wala na kaming oras para tumakbo.

"Shit!"

Inihanda ko ang aking sarili at napapikit ng husto nang maramdaman ko ang paggalaw ng lupa. Nang buksan ko ang aking mga mata, tumambad sa harapan ko ang isang pader na gawa sa bato.

"I just barely made it," hinihingal na sambit ni Cocytus nang makalapit sa amin. Ibinagsak niya ang kaniyang mabigat na sandata at pagkatapos ay itinuon ang atensyon kay Alpheus. "We can't lose you, Alpheus. You're the key to stopping this war."

"Is there really no other way?" mahina niyang bulong at dahan-dahang umiling si Cocytus habang nakayuko. 

"We've already tried everything and I'm afraid there's nothing else we can do. Thanatos can't win against the two of them, he's just barely stopping them from meddling with our battle against the Hecatoncheires. If the battle ensues, I'm afraid Gaia will perish."

'Gaia?'

"The Earth, Cammie. Tartarus' mother and also his lover. Her spirit lives as the world. I think I finally understood why he joined Phlegethon in this mess," paliwanag ni Acheron sa akin. "Alpheus..." Ibinaling niya ang atensyon sa katabi ko.

"We have no other choice," may diin niyang sambit. "I'll do it for you if you can't--"

"Lay a finger on her and you'll--"

"Or what?!" pinutol ni Acheron ang kaniyang sasabihin. Nagpabalikbalik ang mata ko sa kanilang dalawa dahil pareho silang galit. "I also don't want to be the one to do it! Try to understand Alpheus!"

Nanlumo ako at napatingin sa punyal na ibinigay ni Styx. Patuloy pa rin silang dalawa sa pagsasagutan kaya dahan-dahan akong humakbang paatras para hindi nila mapansin. Nagsimulang magpawis ang mga kamay ko at napalunok.

Sa huling pagkakataon, inilibot ko ang aking tingin sa buong paligid. Patuloy pa rin sa pakikipaglaban si Styx at Lethe kasama si Eridanos. Gano'n din si Thanatos laban kay Phlegethon at Tartarus. 

The Harvest [Unedited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon