XI

37 7 25
                                    

TW. This chapter contains graphic depictions of violence, rape, murder, and suicide.

Cammie's POV

Buti na lang talaga at biro lang pala ni Hecate ang tangkang pagpatay sa akin. Gusto lang daw niyang subukin si Alpheus dahil halos isang daang taon niya na raw siyang hindi nakikita.

Napabuntong-hininga na lang ako. Dapat hindi na ako natatakot mamatay. Gaya nga ng sabi ni Acheron, 'I'm good as dead' kaya nagtataka talaga ako kung bakit hindi na lang nila ako ihatid sa langit. Ang buong akala ko talaga gano'n ang gawain ng mga tagasundo.

'Pero what if sa impyerno talaga nila ako ipapatapon kaya haharapin namin si Hades? Pagkakatanda ko siya ang namumuno sa mga patay.'

"Yeah, I'm actually surprised humans know that. But don't worry and leave the rest to me. Hindi ko hahayaang ipatapon ka ni Hades." Napalundag ako nang biglang sumulpot si Alpheus sa likuran ko at marahang ginulo ang buhok ko. "That's for braiding my hair."

Hindi ko malaman kung bakit bigla na lang kumalat ang init sa mukha ko nang gawin niya iyon kahit ramdam kong malamig ang kaniyang kamay. Sa pagkakaalam ko hindi ganito ang thermodynamics.

'What on earth is happening' rinig kong bulong ni Acheron kaya sinamaan siya ng tingin ng kasama ko. Hindi ko naman maintindihan kung anong gusto niyang ipahiwatig kaya ipinagkibit-balikat ko na lang.

Sumulyap ako sa gilid ng barko na sinasakyan namin. Mas malaki ito at mas magara kung ikukumpara sa bangka ni Alpheus. Pagmamay-ari ito ni Hecate kaya kapansin-pansin ang disenyong mga bulaklak at mga hugis patalim. Mas malawak na rin ang katubigan na tinatahak namin papunta sa kaharian ni Hades.

"Acheron," tawag ko sa kaniya at agad naman siyang tumingin sa gawi ko sabay ngiti ng malapad. Ngayon alam ko na kung bakit hindi sila magkasundo ni Alpheus. Masyado siyang masayahin samantalang 'yong isa naman masyadong bugnutin. "Saan gawa itong tubig? Sabi ni Alpheus 'yong ilog na pagmamay-ari niya gawa sa luha ng mga nanabik."

Kumunot ang noo niya at tumingin sa gawi ni Alpheus na nasa gilid ko. "Hmmn, these waters are the tears of guilt and regret," sagot niya sa tanong ko at ngumiti. "Hindi mo tatanungin kung ano naman 'yong akin?"

Tumango ako sa kaniya. Pati pala siya meron din. Siguro lahat ng tagasundo may sariling ilog at palasyo.

"Mine... are all the tears of the misery," sandali siyang nalungkot sa mga sinabi pero agad rin naman siyang ngumiti sa gawi ko. Pagkatapos ay tinawag silang dalawa ni Hecate dahil may importanteng pag-uusapan. Naiwan naman akong mag-isa kaya naglibot-libot na lang ako sa ibaba ng barko.

Tumambad sa akin ang samut-saring kagamitan na gawa halos sa pilak at tanso. Hindi ko ito hinawakan at tinitigan lang dahil baka magalit nanaman sa akin si Alpheus. Nanumbalik muli sa akin ang nangyari sa bangka niya at naramdamang nag-init nanaman ang mga pisingi ko. Tinampal ko ang noo ko at napahilamos para matanggal ang ala-alang 'yon.

Nagsimula ulit akong humakbang sa tahimik at bakanteng pasilyo dito sa loob ng barko ni Hecate. Kahit saan ako tumingin ay may mga malalaking painting sa dingding. Hindi ko kilala kung sinu-sino ang nakapinta. Dumako ang tingin ko sa isa at napagtantong si Alpheus at Acheron ang nakapinta kasama ang iba pang tagasundo na hindi ko pa kilala.

Nakangiti siya habang nakaakbay si Acheron. Matagal na siguro itong larawan dahil may alikabok na ito, at pareho pang maiksi ang buhok nilang dalawa. Napakalayo ng itsura ni Alpheus noon kumpara sa ngayon.

IIginala ko ang tingin sa buong painting at napansing pito pala silang lahat. Subalit ang pinaka-umagaw sa atensyon ko ay ang lalaking nakahawak sa kanang balikat ni Alpheus. Mahaba ang kaniyang kulay itim na buhok at nakangiti rin siya gaya ng iba. Iniabot ko ang aking kamay at akmang papag-pagan ang litrato nang makarinig ako ng kaluskos sa kabilang silid.

The Harvest [Unedited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon