VI

43 8 17
                                    

Alexa's POV

Nagsisisi akong nagsuot ng heels dahil napag-alaman kong hindi sa may sementadong parte ng lawa natagpuan ang bangkay.

"Why am I so stupid?" bulong ko at marahang tinampal ng ilang beses ang noo ko. Bakit kasi hindi ko man lang naalalang nagiging maputik dito tuwing ganitong panahon.

Sinulyapan naman ako ni Jacob na abala sa pagmamaneho at napansing nagkasalubong ang kilay nito.

"What's wrong? May nakalimutan ka pa ba? I'm sorry but we're running out of time. Hindi na tayo pwedeng bumalik at kunin kung ano man 'yong nakalimutan mo," sambit niya at itinuon ulit ang focus sa pagmamaneho.

Napanguso ako. Ganoon na lang ba ka tanga ang tingin niya sa'kin?

"Stop with the pouting, ano ba kasi 'yon? Gutom ka ba?"

I just sighed. He doesn't understand women, does he?

"I'm just regretting my choice of shoes," tipid kong sagot. Napatingin naman siya sa mga paa ko at namula ako nang bigla siyang napangiti. Nanatili lang siyang tahimik at mas pinaharurot pa ang sasakyan.

I think it's fair, I don't get him either.

Hindi na ako nagsalita at dumungaw na lang sa bintana ng sasakyan. Wala rin naman akong ganang makipagchikahan sa kaniya.

I'm still worried about Cammie's whereabouts pero nararamdaman kong malapit na naming maresolba ang kasong 'to and I really, really hope so.

I just wish hindi serial killer ang hinahabol namin ngayon.

Saktong apatnaput-limang minuto ang lumipas bago kami nakarating dito sa lawa. Hindi na siya nag-abala pang iparke ng maayos ang sasakyan at agad lumabas. Narinig kong bumukas ang trunk ng sasakyan pero abala ako sa pagtanggal ng seatbelt kaya hindi ko na siya sinilip.

"Use this," saad niya bago pa man ako makababa. Inabot niya sa'kin ang isang itim na paper bag.

"Just my extra slippers, for emergency purposes."

Uminit ng husto ang mukha ko dahil sa hiya at tinanggap ang alok niya bago ko siya tinalikuran. Pinag-isipan ko pa naman siya ng masama kanina.

Kalma, tsinelas lang to. Kung hindi rin dahil sa katangahan ko 'di sana ako magkakaganito ngayon.

Dali-dali kong hinubad ang suot kong stilettos at isinuot ang tsinelas niya. Masyado itong malaki para sa paa ko pero wala ako sa posisyon para mag-inarte.

"Di ka pa ba tapos? Tara na."

Nagsimula na siyang maglakad patungo sa crime scene nang mailagay ko ang sandals sa sasakyan at agad ko naman siyang hinabol para sabayan ang kumpas ng kaniyang hakbang.

Ngayong tinanggal ko na heels ko, mas komportable na akong magtatatakbo pero mas naging kapansin-pansin na ang height difference namin.

Hindi naman ako maliit na babae, 170 cm nga ang height ko. Sadiyang mas matangkad lang itong si Detective, baka nga sumobra na sa 6".

"Sir," bungad sa amin ng batang pulis at sumaludo sa kasama ko.

"Jowa niyo po?" tanong niya sabay tingin sa mga paa ko. "Ikaw sir ha, hindi mo man lang sinabing may girlfriendd ka na pala."

"WHAT?!" sabay naming bulalas.

Alam kong hindi ko maitatago ang pamumula ng mukha ko pero hindi ito ang oras para kumerengkeng. I need to remain professional since oras pa ng trabaho.

Kinatusan naman siya ni Jacob at humarap sa gawi ko. "Sorry about that. Hindi kasi sila sanay na may bumibisitang NBI Agent sa Pirili." Sinadya niya talagang diinan ang mga huling salita.

The Harvest [Unedited]Where stories live. Discover now