XXIV

22 4 2
                                    

Alexa's POV

I fidgeted the encased candle Esmeralda gave me. In scientific sense, hindi na dapat 'to lumiliyab dahil walang oxygen gas na nakakapasok. If not for that reason, hinding-hindi ako maniniwala sa mga sinabi niya.

"What's the matter? Kanina mo pa 'yan pinagmamasdan," sambit ni Jacob habang nagmamaneho. Napansing kong may nakaipit na sigarilyo sa kaniyang bibig pero hindi iyon nakasindi.

"They still can't find a replacement for my sister's heart," mahina kong sagot at ibinulsa ang hawak. "Ilang araw na lang ang nalalabi sa babala ni Esmeralda."

"Gusto mo bang puntahan muna natin ang kapatid mo? It's been days since we saw her," suhestiyon niya at iniliko ang kotse sa kaliwa.

Dahil suspended ako ng dalawang buwan, wala akong magawa kundi ang sumama sa kaniya. Napag-alaman ko ring ipinasa sa kambal ko ang pag-iimbestiga kaya kahit na mabigat para sa 'kin ang naging desisyon ng nakatataas, alam kong nasa mabuting kamay nailipat ang kaso.

"Mabuti nga," bulong ko at sumilip sa bintana ng sasakyan. Magpahanggang ngayon ay hindi pa rin maalis sa isip ko ang gabing hinabol namin ang sasakyan na naglaho sa lawa ng Maputik. Malakas ang kutob ko na sasakyan iyon ni Detective Ross dahil hindi pa rin namin alam kung nasaan siya.

"I have something to share," basag ni Jacob sa katahimikan. "They're now considering Ross as the primary suspect of the killings."

"What? That's absurd!" Nagkunot ang noo ko sa nalaman. "Of all people, why him? We checked his records Jacob, at walang ni isang makapagtuturo na siya ang may gawa nito.

Bumuntong hininga siya bago nagsalita, "I don't believe them either. Pero bigla na lang lumitaw ang katawan ni Mateo samantalang hindi pa rin natin siya nahahagilap. Isa pa, they both went missing the same day."

"Yeah? But that doesn't mean he killed those girls. Hindi dapat nila minamadali ang kasong 'to. The real killer is still out there, maghihintaay na lang ba tayo na may lilitaw na panibagong biktima?"

Naramdaman kong bumagal ang takbo ng sasakyan at napatingin sa bintana. Hindi ko namalayang papasok na pala kami sa mansyon ni Rolando.

"They're going to release a press conference soon. The higher-ups are planning to close this case as soon as possibe dahil malapit na ang eleksyon. As much as I would like to investigate further, wala akong magagawa. I'm just a small town detective, Alexa," pagkasabi niya no'n ay ipinarke niya ang kotse at lumabas.

"Ang kailangan mo munang pagtuunan ng pansin ngayon ay ang kapatid mo," sambit niya nang pagbuksan ako ng pinto, "Let's go?"

One of Rolando's goons guided us inside the house when I noticed an old lady outside the gate. Agad kong siniko si Jacob kaya napatingin din siya sa tinuturo ko.

"What is Esmeralda doing here?" napalakas ang boses niya dahilan para makuha namin ang atensyon ng tauhan ni Rolando.

"Ah, siya ba? Kahapon pa 'yan nandito, gusto raw malaman ang lagay ni Ms. Solerio. Binanggit din niya ang pangalan mo Ms. Saunders kaya hindi siya pinabaril ni bossing sa amin," sagot niya, "Kilala niyo ba?"

Hindi ko na sila hinintay at agad nagtungo kay Esmeralda para pagbuksan siya ng gate. Napangiti naman siya sa akin at walang pasabing pumasok sa mansyon. Agad namin siyang hinabol dahil baka kung anong gawin sa kaniya ng tito ko.

"Kailangan kong bantayan ang katawan ni Cammie kung ayaw niyong mauwi sa wala ang sakripisyo niyo," seryoso niyang saad nang makaharap si Rolando. Tinapunan lang siya nito ng tingin habang humihithit sa kaniyang tabako.

"Who let this old hag inside?" dumagundong ang boses niya sa buong mansyon at nang walang sumagot ay bumunot siya ng baril sabay tutok nito sa isa sa kaniyang mga tauhan.

The Harvest [Unedited]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang